webnovel

Isang Kalkulasyon Mula sa Nakaraang Isang Daang Taon

編輯: LiberReverieGroup

"Tinakasan mo ang ating kasal sa Flooding Lake City at pumunta lamang rito para makita ako?"

Ngumiti si Empress Qin habang ang kanyang nakakaakit na mukha ay nasa harap niya. Bawat hininga at bawat kilos niya ay nangangahulugan ng alindog na nasa pinakamataas na antas.

Ang amoy na nagmumula sa kanya ay pansamantalang pinatigil si Zhao Feng.

Sa kasalukuyan, si Empress Qin ay tila isang magnet na kayang akitin ang mga lalaki patungo sa kanya.

Isang bakas ng kulay asul ang nagpakita sa kaliwang mata ni Zhao Feng at marahang naging buong kulay asul pagkalipas ng ilang sandali.

"Nahulaan mo pala talaga?"

Naging malamig ang puso ni Zhao Feng at huminga siya nang bahagya.

Hindi na mahalaga kung sinusubukan siya ni Empress Qin o hindi – nagtagumpay siya.

Sa sinabi niya pa lamang ay agad nang timaan si Zhao Feng at ang alindog niya ang nakapagbukas ng God's Spiritual Eye nito na siyang nakapagpakilala na si Zhao Feng nga talaga ang kausap niya.

"Hehe, ikaw nga talaga si Zhao Feng, ang siyang nakapagpagulo at halos baliktarin na ang buong Flooding Lake City at kasalukuyang nasa Capital. Sa tingin mo ba madali mo kong maaapi gaya ng ginagawa mo kay Liu Qinxin?"

Ngumiti si Empress Qin at nagpakita ng pagiging mapaglaro gaya ng mga kabataang babae.

Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang sarili. Si Empress Qin ay mayroong pag-uugali ng milyong mga babae. Minsan ay maharlika siya at kung minsan ay elegante o kaya ay nakakahumaling, depende sa ninanais niya.

"Empress, hindi mo naman siguro ako ibibigay sa Flooding Lake City Lord, hindi ba?"

Sinadya niyang manamlay ang kanyang mukha at nagtanong.

Ayon sa mga balita ng Iron Blood Religion, ang Imperial at Flooding Lake City Lord ay nagkaroon ng kasunduan na hulihin si Zhao Feng at si Empress Qin pa naman ay mula sa Imperials.

Ngayong nakilala niya na si Zhao Feng, ano na ang maghihintay para sa kanya?

Paniguradong kapag gumawa ng aksyon si Empress Qin tungkol rito, agad na mahuhuli si Zhao Feng.

Pagkatapos buksan ang God's Spiritual Eye, sigurado na si Zhao Feng na ang lakas ni Empress Qin ay umabot na sa True Lord Rank.

Ang dahilan kung bakit si Empress Qin ay may ganoong kapangyarihan sa Imperials ay dahil sa kanyang sariling lakas, alindog at talino.

May usap-usapan pa nga na kahit ang Emperor ay nasa ilalim ng kanyang kontrol.

Tumawa si Empress Qin at sinabi sa isang matamis na tono: "Keke, maswerte ka, ang relasyon ko sa Flooding Lake City Lord ay hindi maganda. Bakit ka pa tumakbo ng ilang milyong milya sa Imperials para hanapin ako?"

Habang nagsasalita, tinatapik tapik pa niya ang balikat ni Zhao Feng na tila ba isang babaeng mapaglaro.

Natulala si Zhao Feng. Pabago-bago nga talaga si Empress Qin. Iisang tao lang naman sana siya pero kaya niyang magpanggap na kahit sino.

Lalo nitong pinataas ang kanyang depensa.

"Kaya ni Empress Qin na magpanggap na kahit sinong klase ng babae kung kaya nangangahulugang walang butas sa kanya. Nangangahulugan rin ito na hindi ko mapagkakatiwalaan ang mga sasabihin niya."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay kalmado habang mabilisan niyang inaanalisa ang lahat.

Ito si Zhao Feng na may God's Spiritual Eye para tulungan siyang maging kalmado at maging mas matalino.

Sa parehong pagkakataon, isang liwanag ang gumuhit sa mga mata ni Empress Qin. Ang pagiging kalmado at estado ng puso ng lalaking kausap niya ay nakakatakot. Nagpanggap siya bilang iba't ibang uri ng babae at ipinakita ang ugali nila sa pinakasukdulan.

Sa mundong ito, bawat lalaki ay may isa pataas na gustong uri ng babae. Halimbawa, masunurin, dalisay, elegante, maharlika atbp.

Subalit, napag-alam ni Empress Qin na si Zhao Feng ay tila isang kapiraso ng kahoy at ang kanyang alindog ay unang beses na natalo.

Walang sinabi na kahit ano si Zhao Feng at tahimik na iniabot ang mga aytem ng kanyang Master kay Empress Qin.

Isang kalahating jade na brush at isang liham.

Nagbago agad nang bahagya ang ekspresyon ni Empress Qin nang hawakan niya ang kalahating jade brush.

"Ito ay…"

Biglang naalala ni Empress Qin ang ekspresyong ng isang batang babae na sa kasalukuyan ay makikita sa mukha niya.

Napatigil si Zhao Feng – ito ang unang beses na mawala si Empress Qin sa kanyang kahinahunan.

"Ano ang relasyon mo kay Si Tumo?"

Itinabi na ni Empress Qin ang jade at marahang binuksan ang liham.

"Siya ang Master ko."

Pagsagot ni Zhao Feng.

Ang First Elder ng Broken Moon Clan ay si Si Tumo.

Tahimik na binasa ni Empress Qin ang liham at kitang kita ang gulat sa kanyang mga mata.

Naghintay nang matagal si Zhao Feng. Mayroon sigurong mahalagang bagay na nakasulat roon.

"Ang Thirteen Countries ay napakalayo. Bukod pa roon, hati-hati ang Canopy Great Country. Kung mapag-iisa lamang ito, tsaka lamang magkakaroon ng tsansa na matulungan ang Thirteen Countries." Diretsuhang sabi ni Empress Qin.

Hindi na nagulat pa si Zhao Feng sa ganitong resulta.

"Ang iyong Master ay walang kumpiyansa na maililigtas niya ang Thirteen Countries. Ang tanging hiling niya lamang ay tulungan kita."

Bahagyang ngumiti si Empress Qin.

Flash!

Itiniklop niya ang kanyang palad at ang liham ay napulbos.

Nanigas si Zhao Feng. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Empress Qin at kung ano man ang kahulugan niyon.

Ang taong ito ay kayang maging kahit sinong babae. Sino ang nakakaalam ng kanyang iniisip?

Bukod pa roon, may masamang pakiramdam si Zhao Feng tungkol rito.

"Dahil disipulo ka niya, hindi kita mamaltratuhin. Gawin na lang kaya kitang anak ko?"

Anak niya?

Naguguluhan si Zhao Feng at nararamdaman niyang hindi niya mahahabol ang bilis ng pag-iisip ni Empress Qin.

Para sa mga normal na tao, ang maging anak ng Emperor at Empress ay isang bagay na kanilang hinihiling.

"Maraming salamat sa iyong intensyon Empress…"

Agad na tumanggi si Zhao Feng.

Mayroon na siyang mga magulang at ang dagdag na nanay ay hindi niya ninanais.

"Kung ganoon, manatili ka muna sa Capital. Kapag nakabalik na ako, hahanapin ko ang Emperor at kung gusto mo, irerekomenda kita sa Qin Sword Sect…"

Pagpapatuloy ni Empress Qin.

Habang patapos na ang pagkikita nila ni Empress Qin, biglang may naalalang iba si Zhao Feng.

"Empress, may iba pang bagay na pinapaabot ng isang tao sa'yo."

Inilabas ni Zhao Feng ang isang jade petal.

Sa katotohanan, ang jade petal na ito ay karugtong ng Three Flowered Treasured Lotus at ang kalooban ng Water Moon Pirate ay nakatago roon.

Mula rito, sinasabi na ang taong makatatanggap ng Water Moon Treasury ay dapat na ibigay nang personal ang petal na ito kay Empress Qin.

Pagkatapos ayusin ni Zhao Feng ang Three Flowered Treasured Lotus, natanggap niya ang impormasyong ito.

"Ikaw…"

Nagsimulang manginig ang boses ni Empress Qin at ang kanyang malanyebeng balat ay nagsimulang maging mapula.

Weng~~

Isang mapusyaw na simbolo ng pulang lotus ang makikita sa noo ni Empress Qin.

Nawalan ng kapangyarihan si Empress Qin at hindi niya na kaya pang kontrolin ang kanyang emosyon.

"Ito… Ano ang nangyayari rito?"

Nagulantang si Zhao Feng.

Isang napakagandang babae ang walang laban na nasa harap niya. Dagdag pa roon, siya ang pinanakabibighaning babae sa Great Country.

Kung ibang lalaki ito, hindi na nila mapipigilan ang kanilang sarili at maaaring gumawa sila ng kahit ano.

Agad namang naramdam ni Zhao Feng na uminit ang petal na nasa kanyang palad at isang nagliliyab na aura ang dumaloy sa kanyang buong katawan at kamalayan.

Sa parehong pagkakataon, ang simbolo ng lotus kay Empress Qin ay naging mas matingkad at naging mas mapula.

Ang Empress na ito na may espesyalisasyon sa charm ay nagliliyab ang buong katawan at ang kanyang mga mata ay tila nananaginip, pero nanlaban pa rin siya sa abot ng kanyang makakaya.

Subalit, ang kanyang katawan ay nakagagawa pa rin ng mga kilos gaya ng paghuhubad ng kanyang saplot at pagpapakita ng kanyang katawan.

"Hindi ito maganda."

Halos hindi na makontrol ni Zhao Feng ang kanyang mga emosyon at ang kanyang pambabang bahagi ay tumitigas na.

Sa ganitong kritikal na pagkakataon, sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, isang mapusyaw na kulay asul na lawa ang lumiwanag.

Isang bigla, nanigas ang mental energy ni Zhao Feng at nakokontrol niya na ang kanyang katawan.

"Ang Water Moon Pirate na ito ay may mga kalkulasyon pa rin talaga."

Naisip ito ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Ang petal sa kanyang kamay ay may espesyal na relasyon sa lotus na nasa noo ni Empress Qin.

Sa pamamagitan ng petal, kaya niyang kontrolin ang mga emosyon ni Empress Qin.

Nangangahulugan ito na sa laban nila isang daang taon ang nakararaan ay hindi talaga nanalo si Empress Qin.

Kahit natalo ang Water Moon Pirate, nagkaroon pa rin siya ng pagkakataon na ipasa ang Mystic Flower Treasured Bible at iwanan ang sikretong technique na ito kay Empress Qin.

Kapag may taong nakakuha ng Water Moon Treasury at tinanggal ang isa nitong petal kaya nilang paglaruan si Empress Qin sa kahit anong paraan at kahit gawin pa itong alipin.

Karumal-dumal.

Isang nakasisindak na kalkulasyon.

Nanlamig ang puso ni Zhao Feng.

Kung kayang mag-isip ng ganyan ng Water Moon Pirate, ang Empress Qin na tumalo sa kanya ay malamang hindi isang simpleng tao rin.

Habang iniisip ni Zhao Feng ang mga dahilan, ang makapangyarihang kalooban ni Empress Qin ang nagpahintulot sa kanya na kontrolin ang lotus na nasa kanyang noo.

"Patayin siya!"

Malamig na sumigaw si Empress Qin, pero ito na ang kanyang hangganan sapagkat manhid na ang buo niyang katawan.

Kahit nagtagumpay ang Water Moon Pirate na kalkulahin si Empress Qin, nakagawa rin naman ang babae ng mga sarili niyang paglago at nakaabot na rin siya ng True Lord Rank.

"Sister Qinxin."

Ang babaeng nakaberdeng damit sa labas ay napabulalas at agad na pumasok, pero ikinatulala niya ang senaryong nakita niya.

Ang perpektong imahe ni Empress Qin sa kanyang isip ay kasalukuyang kalahating nakahubad sa harap ng isang kabataan.

"Patayin siya."

Ang mukha ni Empress Qin ay malamig at ang kanyang mga mata ay tila makapapatay.

Ang pakiramdam na gusto niyang pumatay ay hindi lamang dahil sa petal na nasa kamay ni Zhao Feng, kundi isang bagay na nariyan na sa loob ng napakatagal na panahon.

"Bastardo, paano mo nagawang kalkulahin ang Empress! Mamatay ka na!"

Napaungol ang babaeng nakaberdeng damit at ang kanyang Qi ng True Spirit ay naging mga berdeng ahas na siyang pumalibot kay Zhao Feng.

Ang pagdating ng binibining nakaberdeng damit ay nagbigay ng kaluwagan kay Empress Qin. Dahil narito na ang kanyang personal na tagapagsilbi, sapat na ito para mapatay si Zhao Feng.

Lightning Wave of Destruction!

Pumalibot kay Zhao Feng ang mga arko ng kidlat at sadya nitong winasak ang mga atake ng babaeng nakadamit ng berde.

Ang Lightning Wave of Destruction ay mas malaks na bersyon ng Ring of Lightning at kaya nitong magpadala ng sunod-sunod na alon ng kidlat na siyang magpapamanhid at magpapasunog sa kalaban.

Hindi ito magandda.

Dahil kailangang protektahan ng babaeng nakaberde ang walang kapangyarihan na si Empress Qin, nagpapalit-palit pa siya mula sa opensa at depensa.

Boom!

Ang palitan ng kapangyarihan na nasa True Spirit Realm ay agad na nagdulot ng pagkawasak ng lugar.

Ang ekspreyon ni Empress Qin at ng kanyang tagapagsilbi ay higit na nagbago nang panoorin nila kung paano tumakas si Zhao Feng.

Hindi nila kailanman naisip na ganoon kalakas si Zhao Feng para mawasak ang mga atake ng isang taong nasa True Spirit Realm.

"Mamatay ka na!"

Galit na galit ang kanyang tagapagsilbi sapagkat hindi siya makalaban nang todo habang pinoprotektahan ang Empress.

下一章