webnovel

Asawa sa Hinaharap?

編輯: LiberReverieGroup

Ang sagupaan sa pagitan ni Zhao Feng at Liu Qinxin ay lumikha ng mga napakalakas na bugso ng kapangyarihan na sumira sa protective array.

Sa sitwasyon na ito, kahit ang mga eksperto na nasa 6th at 7th Sky ay maaaring mamatay.

Subalit, sa sandaling ito, may isang kulay-abo na pusa na kasing laki ng palad ang naglakad sa sa gitna ng labanan, nanginginig at umuugoy.

Ito ang naging dahilan kung bakit marami sa mga babaeng nanonood ang nagsigawan sa takot.

Ang munting pusang magnanakaw ay naglalakad na para bang nasa lubid - sa isang maliit na pagkakamali lamang ay nangangahulugan ng kamatayan.

Mga sagitsit ng kidlat at shockwaves ang sumabog sa buong entablado. Naririnig ang mga tunog ng pagsabog sa bawat segundo.

Gulu~

Ang munting pusang magnanakaw ay nahulog sa sahig at iniwasan ang qi blade na humaginit sa ibabaw ng kanyang ulo. Tapos, madali siyang gumulong sa sahig at iniwasan ang isang arko ng kidlat.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章