webnovel

Ang presyo ng Munting Pusang Magnanakaw

編輯: LiberReverieGroup

Miao miao!

Siguro ay naamoy ng munting pusang magnanakaw ang halimuyak ng pera, kaya naman ito ay lumabas mula sa interspatial bracelet at tumingin sa paligid.

"Napakaamong pusa!"

"Diyos ko po! Ang pusang ito ay lubhang matalino."

Miao miao!

Inilabas ng munting pusang magnanakaw ang kanyang mga paa at iniligay ito sa kanyang dibdib, naging dahilan ito upang tumawa ang mga batang babae.

Ang puso ni Zhao Feng ay sumikip nang mapabulong ito sa kanyang puso. _Bakit lumabas 'to?_ Maaaring dahil dito ay magdagdag pa siya ng primal crystal stones na bayad.

Buti na lamang.

Ang munting pusang magnanakaw ay kasinlaki lamang ng palad at itinuturing ito bilang small pet, kaya naman ay walang dagdag na bayad para dito.

Ang taong nakasuot ng golden robe ay pinagmasdan si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw, ngunit hindi ito nagsalita.

Shua.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章