webnovel

Paglabas ni Zhao Feng (1)

編輯: LiberReverieGroup

Sky Boundary Island.

Si Zhao Feng na lamang ang mag-isang natitira sa buong trial. WAlang ibang nakarating sa puntong ito sa mga nakaraang ilang taon.

Pagtapos suriin ang vine ocean ng matagal na panahon, natiyak na ni Zhao Feng na napilitang lumabas si Bei Moi. Bumuntong hininga siya sa loob-loob ng kaniyang puso. Si Bei Moi ay isang kalaban na may magandang suwerte at kapangyarihan, ngunit siya ay lumabas dulot dito.

Ang mga mata ng salarin ay mayabang na umiikot-ikot ng may pagkatuso.

"Sige, ngayon maging masunurin ka."

Sumulyap si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw. Naiisip na niya na magsusumbong si Bei Moi sa mga Elders.

Siguro ay mayabang at walang emosyon si Bei Moi, ngunit basta-basta niya na lang ba itong hahayaan pagtapos maloko sa ganito kalalang paraan?

Miao miao!

Ang maliit na magnanakaw ay tumango, ibig sabihin na hindi na ito magdudulot pa ng gulo. Sunod ay humikab ito habang nakaupo sa balikat ni Zhao Feng.

Makalipas ang ilang oras.

Bumalik si Zhao Feng sa treasury ng kastilyo.

"Mayroon na lamang natitirang sampung araw."

Sinuri ni Zhao Feng ang buong treasury.

Sa katotohanan, mayroon pang maraming lugar sa Sky Boundary Island na naglalaman ng mga gantimpala at fortune, gaya ng hardin na pinuntahan ni Bei Moi at ang tall tower na pinuntahan ni Yang Gan.

Ngunit pinili pa rin ni Zhao Feng ang lugar na ito.

1. Ang mga kagamitan dito ay lahat mahahalaga.

2. Ang panganib ay mas mababa at mayroong tiyak na kalalabasan.

Miao miao!

Ang mga itim na mata ng munting pusang magnanakaw ay kumikinang habang tumatakbo ito paikot sa treasury.

Hindi kalaunan.

Natiyak na ni Zhao Feng ang kaniyang susunod na puntirya ni Zhao Feng. Ito ay kakaiba, at mukhang normal na piraso ng jade, ngunit nakakaramdam ang kaniyang kaliwang mata ng isang kapangyarihan sa kaloob-looban ng jade na nagpagaan ng kaniyang pakiramdam.

Miao miao!

Winagayway ng munting pusang magnanakaw ang mga paa nito patungo sa isang lumang barya at sinenyasan si Zhao Feng na tumulong.

Humagikhik si Zhao Feng - ang lumang barya na iyon ay mukhang isang purong antigo. Kahit ang mga materyales nito ay mukhang espesyal, wala na itong iba pang attributes.

Miao miao!

Ang maliit na pusa ay bahagyang nadismaya nang muli itong wumagayway sa barya, nagsisimbolo ng kahalagahan nito.

"Tumigil ka sa kadudulot ng gulo sa'kin."

Hindi nag-abalang makinig si Zhao Feng dito at nagsimula na siyang atakihin ang array na may hawak na jade sa loob gamit ang kaniyang Lightning Wind Palm.

Ang munting pusang magnanakaw ay nadismaya, galit ngunit walang magawa. Halatang hindi makikinig ang amo nito sa kaniya.

Miao miao!

Ang maliit na pusa ay tumalon sa harap ng array na may barya sa loob nito.

Pah! Pah! ….

Winagayway ng munting pusang magnanakaw ang mga paa nito at nagsimulang atikihin ng tuloy-tuloy ang array.

Kaya naman, isang pusa at isang tao ang umatake sa kani-kanilang puntirya.

Kung magtutulungan ang dalawa, mas magiging mabisa ito, ngunit ang dalawa ay walang kahit anong senyales ng pagsasama. Sa isang kurap, anim hanggang pitong araw ang nakalipas.

Craaaaack!

Nagpakita ng isang matagumpay na ngiti si Zhao Feng dahil nasira niya ang array.

Ang munting pusang magnanakaw sa malapit ay nakasira lamang ng 60% ng array nito. Ngunit kahit ganito, nasurpresa pa rin si Zhao Feng.

Ang isang tao ay kailangan ng damage na lagpas sa 4th Sky o kung hindi ang recovery ng arrays ay hindi lalagpas sa damage. Sinuri ni Zhao Feng ang jade na nasa kaniyang kamay. Mukhang hindi ito espesyal, ngunit nang inilagay niya ang kaniyang kamay sa itaas nito, isang taimtim na aura ang kumalat sa kaniyang katawan, na tila ba siya ay nagbabanlaw.

At ng walang kamalay-malay, ang kapaguran ni Zhao Feng pati na rin ang kaniyang mga pinsala ay nagsimulang gumaling.

"Ang jade na ito ay may kapangyarihang makapagpagaling!" Sigaw ni Zhao Feng.

Subalit ang munting pusang magnanakaw, ay nagpakita ng pagkasuklam.

Mayroon na lamang dalawa hanggang tatlong araw na natitira bago magsimula ang susunod na pagtutugis.

Bumuntong hininga si Zhao Feng at napagdesisyunang tulungan ang pusa. Ang kasaysayan ng ikalawang nabanggit ay misteryoso at mukahng mayroon itong malawak na kaalaman. Ang mga kagamitan na ninanais nito ay maaaring hindi basta-basta.

Peng! Pa! Peng…

Inatake ng isang pusa at ng tao ang array na naglalaman ng sinaunang barya.

Makalipas ang dalawang araw.

Ng may isang 'crack', nasira ang array.

Dali!

Kumislap si Zhao Feng at sumunggab patungo sa barya.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay mas mabilis pa kumpara sa kaniya at kumaripas sa harap, kahit na mayroong panganib na mapinsala ito ni Zhao Feng. Kahit na inasahan na ni Zhao Feng ito, wala siyang ginawang kahit ano dahil natatakot siyang masaktan ang maliit na pusa.

Maingat na sumulyap ang munting pusang magnanakaw kay Zhao Feng, ngunit hindi pa rin ligtas ang pakiramdam nito at nilunok ang barya diretso sa sikmura nito.

Ibinigay ni Zhao Feng ang kaniyang puting mga mata - angmunting pusang magnanakaw ay hindi isang normal na kuripot.

Nagtataka lang siya kung para saan ang barya. Sinuri niya na ito gamit ang kaniyang kaliwang mata at bukod sa binubuo ito ng espesyal na materyal, wala ng iba pang espesyal tungkol dito.

Hindi pinaggugulan ni Zhao Feng ng maraming oras ang mga problemang ito dahil kinakailangan niya pang maghanda para sa susunod na round. Tinantsa ni Zhao Feng na magkakaroon ng tatlo o apat na black metal monsters sa susunod at ang bilis nila ay maaaring nasa 5th Sky.

Paano niya haharapin ito?

Walang kuwenta ang mga Normal Yao Beast Kings. Ang mga black metal monsters ay nalilimitahan lamang ng kanilang bilis, ngunit sila ay maaaring mas makapangyarihan pa sa mga Yao Beast Kings kung ang pag-uusapan ay opensa at depensa.

Halos walang mga nilalang na nabubuhay na kayang humarap sa apay na black metal monsters ng sabay-sabay.

"Mukhang ang 'Vine King' at ang 'Mountain Monster' lamang ang kayang tumapat sa kanila." Bulong ni Zhao Feng.

Ang tatlo hanggang apat na black metal monsters ay masiyadong kasindak-sindak. Bukod sa ilang pinagbabawal na mga nilalang sa Sky Boundary Island, wala ng iba pang makakapigil sa kanila.

Una ay nagpunta si Zhao Feng sa Vine Ocean at sinuri ito muli. Kahit mukhang kalmado ang Vine Ocea, nakaramdam si Zhao Feng ng bahagyang pagbabanta mula rito.

Miao miao!

Umiling ang munting pusang magnanakaw, sinesenyasan si Zhao Feng upang huwag sumubok.

"Maniniwala ako sa'yo kahit isang beses."

Tumalikod si Zhao Feng at umalis kasama ang pusa. Pagkaalis na pagkaalis ng dalawa, nagpakita ang mga magugulong alon sa karagatan. Ang malalim na dagundong at sipol ay nakakasindak.

Makalipas ang ilang oras.

Dumating na si Zhao Feng sa tapat ng isang bundok.

Miao miao!

Napaisip ang munting pusang magnanakaw nang sumulyap ito sa bundok na nasa harapan nila. Si Zhao Feng ay bahagyang humanga sa kaalaman ng pusa.

Naghihinala siya kung ang pusa ay isang panibagong nilalang o hindi.

1. Ang mga pusa ay mammals, at walang mammals ang napipisa mula sa mga itlog.

2. Kahit kapapanganak pa lamang ng pusa, imposibleng magkaroon ito ng ganitong kaalaman.

Mabilis na lumipas ang oras.

Ang ikatlong round ng pagtutugis ay malapit ng magsimula.

Biglaan, apat na pamilyar na presyon ang lumitaw sa paligid niya.

Weng! Weng! Weng! Weng…

Apat na kumikinang na pinto ang nagpakita at mula sa bawat isa ay may lumabas na higantang anyo.

Agad-agad, apat na True Spirit Realm auras ang sumunggab paharap. Sapat na ito upang mapilitang umubo ng dugo ang isang normal na cultivator na nasa Ascended Realm.

Pinadaloy ni Zhao Feng ang bloodline power niya sa pinakadulo nito at hinanda niya rin ang kaniyang Yin Shadow Cloak.

Ang apat na black metal monsters ay lahat mayroong bilis na maikukumpara sa 5th Sky ng Ascended Realm nang sila ay lumukso patungo kay Zhao Feng at inatake siya. Ang pinagsamang kapangyarihan ng apat na nilalang na nasa True Spirit Realm ay sapat na upang makasira ng isang maliit na bundok.

Qiu-----

Ang malinaw na anyo ni Zhao Feng ay lumundag sa hangin.

Sa isang biglaan, ang kaniyang True Force pati na rin ang kaniyang bloodline power ay sumabog. Gamit ang kapangyarihan ng Yin Shadow Cloak, ang kaniyang bilis ay lagpas sa 6th Sky.

Kahit na para sa isang sandali lamang ito, ang binayad na presyo ay mabigat - isa sa lima ng kaniyang bloodline power ay nagamit.

Sa ibaba niya, yumanig ang bundok at alikabok ang bumalot sa lahat ng nasa loob ng isang milya.

Mahirap isipin kung gaano kakapangyarihan ang mga atake ng apat na nasa True Spirit Realm, upang makayanan na sirain ang isang maliit na bundok.

Gumana ang plano.

Lumuwag ang puso ni Zhao Feng, ginagamit niya ang pinagsamang atake ng mga apat na halimaw upang galawin ang Mountain Monster sa ibaba.

Sa oras na ito, kumaripas siya pataas gamit ang lahat ng kaniyang bilis at inilabas ang kaniyang Luohou Bow.

Sou Sou Sou----

Walong palaso ang tumusok sa hangin at ang dalawa ay sumabog sa bawat naaayon na halimaw. Kahit hindi kayang selyuhan ang mga halimaw, bahagyang napabagal pa rin ang mga ito.

Sa oras na ito, si Zhao Feng ay nasa ilang daang metrong taas sa himpapawid nang sumulyap siya sa lugar na nababalutan ng alikabok sa ibaba.

Wu~~~

Isang malalim na ungol ang maririnig mula sa kabundukan.

Ang tunog na iyon ay parang isang kampana - niyanig nito ang mga kalangitan at winarak ang kalupaan. Mayroon pa ngang ilang linya ng kidlat na kumislap sa alapaap.

"Diyos ko!"

Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Anong klaseng kapangyarihan ito? Sa tunog pa lamang mula sa paggising nito ay nagdulot na upang yumanig ang kalangitan.

Sunod ay may nangyari pang mas nakasisindak na eksena.

Ang alikabok na bumabalot sa ilang milyang ay nahatak ng isang hindi malamang puwersa.

Sa isang kurap ng mata, naglaho ang mga alikabok.

Anong klaseng skill ito? Isang pag-iisip lamang upang mahulog sa sahig ang mga alikabok na nasa loob ng ilang milya.

Hong Long Long------

Ang bundok sa ibaba ay nanginik na para bang may ginigising ito. Maaaring ito ang 'Mountain Monster' na naisip ni Zhao Feng.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang apat na black metal monsters ay nahulog sa lupa at hindi na sila muling nakagalaw.

"Ano!!? Kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay walang nagawa."

Malamig na napahinga si Zhao Feng.

Craaack! Craaaaack…

Nawarak ang mga katawan ng apat na black metal monsters.

Sinagad ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang kapangyarihan at nagpatuloy sa pag-angat sa alapaap.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay umakyat sa interspatial bracelet.

Booom!

Isang nakakatakot na nanghahatak na puwersa ang bumalot kay Zhao Feng.

Wah!

Biglang umubo ng dugo si Zhao Feng at pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang katawan.

Naiisip na niya na ang kaniyang katapusan ay magiging katulad ng mga black metal monsters. Kahit na lubhang malayo siya mula sa Mountain Monster at 10% lamang ng kapangyarihan nito ang natitira, wala pa rin siyang nagawa.

Sa ganito kadesperadong sitwasyon, pinadaloy ni Zhao Feng ang lahat ng nasa kaniyang katawan sa pinakasagad nito. True Force, bloodline power at ang asul na liwanag sa kaniyang ulo. Subalit, sa ilalim ng dalisay na lakas, walang makakapigil dito.

Biglaan.

Mukhang nakakuha ng enlightenment si Zhao Feng.

Kahit gaano pa katalino o katuso ang isang tao, ang mga kagamitan nito ay limitado sa harap ng isang dalisay na kapangyarihan.

Weng!

Ang Floating Crest Token sa loob niya ay biglang gumalaw at isang malinaw na berdeng liwanag ang lumamon kay Zhao Feng.

Shua!

Ang huling kalahok ay naglaho mula sa Sky Boundary Island.

Ang bundok kanina ay ngayon naging isang halimaw na daan-daang yarda ang taas.

"Napakapurong ancient bloodline… At ang pusa, ang…"

Ang mga gintong mata sa mountain monster ay kumislap.

Makalipas ang ilang sandali.

Bumuntong hininga ito ng malalim, nagdulot upang ang mga ulap ay manginig at sumanib itong muli sa kalupaan.

Lumitaw si Zhao Feng sa isang kumikislap na puting dimensyon. Sa pagpopokus ng kaniyang mga mata, napagtanto niya na ang lugar na ito ay binubuo ng special white primal crystals.

Shua Shua!

Ang Floating Crest Token pati na rin ang Floating Crest Lightning Seal ay na lumitaw at nagpatuloy sa paglutang sa tuktok ng kaniyang ulo.

"Points para sa pagpasa ng mga stages: 720

Performance points: 1350.

Ang Floating Crest Lightning Seal ay nagbibigay sa'yo ng karagdagang 500 points.

Final score: 2570.

Kalahok, ang score mo ay lumagpas ng 1000 at ikaw ang makakatanggap ng pinakamataas na pabuya mula sa Floating Crest Palace."

Isang boses ang maririnig sa isip ni Zhao Feng.

下一章