webnovel

Scarlet Moon Demonic Cave (1)

編輯: LiberReverieGroup

Sa kanilang lima, tanging si Zhao Feng lamang ang may kaalaman tungkol sa arrays at kinilala bilang "genius array" sa Clan.

Sa oras na ito, ang apat ay lumingon sa kanya. Maging ang pinunong si Huang Yun, na sinubukang patayin si Zhao Feng noon, ay masiglang ngumiti.

"Kung tatawag ako ng tulong mula sa Clan, hindi ako makakukuha nang magandang bagay mula sa Inheritance na ito."

May sariling plano si Huang Yun. Ang tanging magagawa niya lamang ngayon ay ipasira kay Zhan Feng ang array upang makapasok sa lugar. Matatapos niya ang misyon at makakukuha siya ng gantimpala mula sa Inheritance.

Sa 30% na kayamanan na ipinangako niya kay Zhao Feng, hindi ito totoo. Malamig na tumawa si Huang Yun sa kanyang puso; ang kanyang orihinal na plano ay patayin si Zhao Feng. Kung mapapatay niya ito sa lupain ng Inheritance, ito ay pagpatay ng 2 ibon gamit ang isang bato!

Tumayo si Zhao Feng sa tapat ng burol at sinuri niga ito gamit ang kanyang mga mata.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章