Sa loob ng kalahating buwan, umabot si Zhao Feng sa ikasiyam na antas ng Consolidated Realm at hindi pa siya nakapokus sa cultivation. Kung nakatutok siya, nasa peak 9th rank na siya.
Ang kanyang pokus ay maka abot sa ikasampung lebel ng Silver Wall Technique at hindi ang cultivation, ngunit sa mga nakalipas na araw, nakakatanggap siya ng mga pills mula sa Grass-Wood Division, kaya mahirap ang hindi magkaroon nang progreso.
"Matindi ang kompetisyon sa Clan. Maging ang mga pinaka mababa at mahinang outer disciple ay mga henyo sa kanilang mga pinagmulan.
Naramdaman ni Zhao Feng ang matinding kompetisyon. Kung ang mga outer disciple ay ganito na, mahirap na isipin kung anong klaseng sitwasyon ang mayroon sa mga inner disciple.
Hanggang ngayon, tanging sila Bei Moi, Sun Yuanhao at Liu Yue'er ang naging inner disciples at alam ni Zhao Feng n kapag mas maaga kang naging inner disciple mas malaki ang lamang na mayroon ka.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者