Sa isang kisapmata, nagpalitan ng atake sina Lei Cong at Zhao Feng. Ang kapangyarihan ng bawat isa ang siyang nagpaatras agad sa mga kabataan palayo.
Star Finger!
Hindi umatras si Zhao Feng, sa halip sumugod pa siya sapagkat nakikita naman ng kanyang kaliwang mata ang lahat ng galaw at pagbabago ng Inner Strength pati na rin ang daloy ng dugo ng kalaban.
Boom! Boom! Boom…
Ang star finger ni Zhao Feng ay umabot na sa peak ng ikaapat na lebel, dahil dito, kaya na nitong maglabas ng sampung finger beams sa isang bigla. Iba't ibang guhit ng asul na liwanag ang makikita sa buong paligid, bawat finger attack ay perpekto at naghahangad ng pinsala.
Sa loob lamang nang napakaiksing sandali, magkapantay na ang lakas ni Lei Cong at Zhao Feng. Dahil mas nakatataas ang cultivation ni Lei Cong, kaya niyang gumamit ng mga wide range attack, samantalang si Zhao Feng ay mayroong Spatial Star Finger, na kaya namang tapatan ang mga atake ng isang nasa ikapitong antas.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者