webnovel

Chapter 263

編輯: LiberReverieGroup

Nagulat, sumagot si Jiang Wu, "Masusunod, Master!", bago tahimik na nagpaalam, na parang walang nangyari.

Sa liham na mariing nakaselyo, walang paraan na mangahas siyang sumilip sa nilalaman nito. Habang naglalakad siya sa pasilyo, nagtataka siya kung may katotohanan tungo sa tsismis na may intensyon ang pamilya ng hari na bumuo ng isang pagkakaisa sa Yan Bei sa pamamagitan ng kasal. Kung totoo ito, ang hinaharap na angkan ba ng Song ay may apelyidong Nalan o Yan? Ang pagpatay ba sa hari ng Taiping ay matagumpay pagkatapos ng lahat?

Walang patutunguhan sa paghula sa saloobin ng mga nakakataas. Hindi nagtagal bago natukso si Jiang Wu ng halimuyak na lumalabas mula sa kusina, nagpasyang iwanan muna ang trabaho.

Sa silid ng pag-aaral, nakasandal si Xuan Mo sa upuan na may mga disenyong dragon na nakaukit dito, dahan-dahang pumikit. Ang balita ng kasunduan sa pagitan ng Yan Bei at Song ay kumalat sa lalong madaling panahon sa West Meng. Hindi kataka-taka na sa ganoong kaguluhan, ang dalawang bansa ay bubuo ng alyansa. Hindi nagtagal bago sinakop ng hukbong-dagat ng Song ang dagat Huangfu, nag-aabang sa Xia, handang magsimula ng aksyon militar kasabay ng Yan Bei.

Nang gabing iyon, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa Baizhi Pass. Mula nang sakupin ito ng pwersa ng Yan Bei, ang lugar ay matagal nang nawala ang kinang.

Sa mga unang oras ng gabi, isang pormasyon ng mga sudnalo na nakasuot ng itim na may mga marka ng langis sa kanilang mukha bilang balatkayo ay lumapit sa tarangkahan sa kadiliman. Nakatayo si Chu Qiao sa gitna ng pormasyon, kung saan inulit niya ang mga patakaran ng pagsasagawa para sa paparating na operasyon.

"Una, huwag mag-atubiling patayin ang sinumang nagpresenta ng kanilang sarili bilang isang potensyal na banta o maaaring balaan ang iba tungkol sa ating presensya.

"Pangalawa, ang unang grupo ay dapat na magdulot ng maraming kaguluhan hangga't maaari sa loob ng syudad. Ang pangalawang grupo ay pupunta sa hilagang-silangan at manggugulo ang pangkat ng mga kabayo doon, lilikha ng ilusyon ng magaganap na pag-atake ng Xia upang magdulot ng pagkataranta sa mga gwardya sa syudad.

"Pangatlo, ang iba ay maghihintay sa labas ng syudad, handa na tanggapin ang kanilang mga kasama para sa mabilis na tugon, para ligtas na makadaan ang lahat."

Lumilipas ang mga segundo. Sa sandaling ang mga tambol na senyales sa ika-11 oras ng gabi ay tumunog, ang unang grupo na pinamumunuan ni He Qi ay tatakbo patungo sa Baizhi Pass. Kasabay nito, sisimulan ng pangalawang grupo ang kanilang paglalakbay patungong hilagang-silangan kung saan nakahanda na ang pangkat ng mga kabayo.

Pinangungunahan ang ilan sa kanyang pinaka-piling sundalo, hindi nagtagal ay naglaho na sina He Qi at ang kanyang grupo sa kadiliman. Sinamahan ng ilan sa kanyang mga personal na gwardya, pumasok si Chu Qiao sa masukal na kagubatan at tahimik na umupo, paulit-ulit na iniisip ang kanyang madetalyeng mga plano sa kanyang isip, naghahanap ng anumang posibleng mga pagkukulang at kahinaan.

Isa, dalawang, tatlong beses.

"Sige, ayos lang ito." Huminga siya ng malalim habang tahimik na hinihintay ang susunod senyales.

Makalipas ang isang oras nang ang nakakabinging, malakulog na tunog ng mga yabag ng kabayo, nahahaluan ng mga sigaw ng mga sundalo, ang umalingawngaw sa hangin. Ang napakadaming alikabok, sinipa ng mga kabayo na nakatali sa mga puno na nagtatangkang tumakas, sa lalong madaling panahon ay hinarang ang liwanag ng buwan, nagbibigay ng ilusyon na isang malaking hukbo na nakasakay sa kabayo ang papalapit. Ang syudad ng Baizhi Pass ay natigil, ang kanilang pansin ay nakatuon sa hilagang-silangan.

Hindi nagtagal ay nagbukas ang hilagang-silangang tarangkahan ng syudad. Dalawang grupo ng tagamanman ang nagmadaling lumabas, para lamang mabilis na patayin ng mga piling sundalo ng hukbong Xiuli na naghihintay sa kanila sa labas.

Isang oras lang ang lumipas bago nilamon ng apoy ang syudad. Tumayo si Chu Qiao at iniutos, "Oras na! Tayo na!"

Ang mga paunang pinosisyon na pontoon ay itinulak sa pampang ng ilog Chishui, kung saan nagtungo si Chu Qiao at ang kanyang mga sundalo patungo sa direksyon ng Tang.

Ang hukbo ng Yan Bei ay binubuo ng ganap na magaang kabalyerong mga sundalo at mabibigat na baluting mga pangkat, na walang pwersa ng hukbong-dagat o magaling sa tubig. Dahil minadali nilang sinakop ang Baizhi Pass, imposibleng ganap na makontrol ang napakaraming tubig. Sa kaaway na umaatake mula sa loob at labas, kinakatawan ng ilog Chishui ang perpektong daanan patungo sa Tang sa sandaling ito.

Naglakbay sila ng kulang kalahating oras bago sila nakarinig ng ilang ingay sa ilog. Kumuha ng palaso at pinakawalan ito mula sa kanyang pana sa pinaka malakas, isang namuong hiyaw sa kadiliman ang nangyari. Halos kaagad, ang kalangitan ng gabi ay nailawan ng ilang daang mga sulo, nagpapakita ng higit sa 500 mga barkong pandigma na nakakubli sa kadiliman, kung saan dosenang mga mahahabang sibat ang diretsong nakatutok sa kanila.

Nakatayo sa arko ng punong barko, isang opisyal mula sa Yan Bei ang nagtaas ng kanyang kutsilyo habang iniutos niya, "Kamatayan sa mga traydor!" Sa kanilang mga palasong nakalagak sa chamber ng kanilang mga pana, nang inunday ng opisyal ang kanyang espada, pinindot ng kanyang mga sundalo ang kanilang gatilyo, pinakawalan ang madaming mga palaso patungo kay Chu Qiao at sa kanyang mga sundalo.

"Talon!" Biglang bigkas ni He Xiao. Sa isang iglap, ang mga sundalo ng hukbong Xiuli ay tumalon sa ilog, habang libu-libong mga palaso ang tumama sa kanilang pontoon na hindi nag-iiwan ng bakas ng dugo sa kanilang libing.

"Kumandante, lahat sila ay tumalon sa ilog!" isang boses ang sumigaw.

Halos agad, isa pang kawal ang natatarantang nagbulalas, "Heneral! Tumatagas ang ating barko!"

Hindi nagtagal bago maraming mga barko ang nasira ang katawan ng kanilang barko, habang tumatagas sa loob ang tubig. Sa isang iglap, tatlong barko pandigma ang lumubog habang ang kanilang mga tripulante ay bumagsak sa ilog. Ang mga sundalo ng Yan Bei na hindi marunong lumangoy ay natatarantang hinawakan ang mga lumulutang na labi; ang kanilang paghingi ng tulong ay umaalingawngaw sa buong ilog, na dumagdag sa kaguluhan.

"Nasa ilalim natin sila!"

Ang heneral, nanggagalaiti sa galit, ay buong lakas na nag-utos, "Gamitin ang mga batong tirador! Gumamit ng mga sibat! Dugurin sila! Saksakin sila hanggang mamatay!"

"Heneral! May ilan sa ating mga sundalo na nasa ilog! Hindi natin magagawa iyan!"

"Layas!"

Galit, naisip ng kawal na sumigaw pabalik, para lamang hilahin sa tabi ng kanyang kasama. Galit na sinabi ng sundalo, "Ngunit ang utos ng Kamahalan ay hulihin ng buhay ang kaaaway!"

Mabilis na tumugon ang iba, "Buhay? Hindi natin alam kung mahuhuli natin sila ng patay, paano pa kung buhay!"

Hindi nagtagal ay lumitaw ang mga malalaking bato, sinasalamin ang ilaw mula sa mga nakasinding sulo. Galit, inutusan ng heneral ang kanyang mga sudnalo na magmadali sa pagsasaayos ng mga batong tirador na ito, ang mga hanay ng sundalo na armado ng sibat ay pumunta sa kanilang posisyon. Sa sumunod na segundo, ang malalaking bato ay nagsimulang lumapag sa tubig habang sunod-sunod na sibat ang pumuno sa kalangitan, tumutusok sa tubig. Nagsimulang maging pula ang tubig ng ilog.

Matapos ang walang katapusang mga pag-atake, ang ibabaw ng ilog ay nagsimulang kumalma, ipinapakita ang kumpletong pagkawasak ng mga pontoon na ginamit ng pwersa ni Chu Qiao. Ang mga labi ng halos 1,000 nawasak na mga pontoon ay nag-kumpol sa paligid ng mga barkong pandigma ng Yan Bei, nagsasalansan upang makabuo ng isang tulay sa pagitan ng mga barko.

Nang tumigil ang kaguluhan, nalilitong tumingin ang mga sundalo ng Yan Bei sa isa't-isa habang nagtatanong sila, "Hindi ba't patay na silang lahat? Bakit hindi lumulutang ang mga katawan nila sa ibabaw?"

"Tingnan mo!"

Lahat ay lumingon sa direksyon ng tinig, para lang makita ang hindi mabilang na mga ulong lumilitaw mula sa ilog sa likuran nila. Sa sandaling nasa ibabaw na sila, hinubad nilang lahat ang kanilang mga kamiseta at pinagsama-sama, ginamit ang mabilis na mga alon ng ilog upang mabilis na maglakbay sa pababa ng ilog.

Natigilan ngunit galit pa rin, nagtanong ang heneral, "Ano iyon?"

Isang beterano ang sumagot na may pahiwatig ng pag-aalinlangan sa kanyang tinig, "Tila ito ay mga pontoon na binubuo ng balat ng tupa."

"Sundan sila!"

"Heneral, masyadong makapal ang mga labi para makagalaw tayo. Pansamantala tayong hindi makakaalis dito."

Lubos na nagulat ang heneral, natigilan. Sa kabila ng kalamangan ng kanyang parte, nagawa ng kaaway kahit papaano na makataas mula sa kanya. Halos 60,000 sundalo ng Yan Bei sa mga barko ang tulalang pinanood ang mga pigura sa ilog na dahan-dahang naglaho sa kadiliman.

Matapos makita muli sina He Qi at ang kanyang mga pwersa, kaagad nagsimulang magbilang si Chu Qiao ng kanyang natitirang pwersa, kung saan nalaman niyang mahigit 3,000 sundalo ang namatay sa labanan, kung saan ang 2,000 ay napatay ng mga malalaking bato at sibat na ginamit ng mga sundalo ng Yan Bei.

Gayunpaman, ito ay maliit na presyong babayaran bilang karamihan sa kanyang mga kasama ay nagawang makalagpas sa Baizhi Pass, na isang malaking nagawa. Kahit na sila ay nakalagpas na sila mula sa Baizhi Pass, malayo pang matapos ang labanan. Una, nahuli nila ang atensyon ng buong militar ng Yan Bei, at ang malaking lupain sa likuran ng Baizhi Pass ay nasa ilalim ng kontrol ng hukbo ng Yan Bei.

Desididong pinangunahan ni Chu Qiao ang kanyang mga sundalo sa kagubatan, kung saan ay nilabanan nila ang kanilang unang laban sa kaaway makalipas ang dalawang araw. Ang dalawang panig ay lalaban ng higit 20 laban sa susunod na tatlong araw pagkatapos, karamihan sa mga tagumpay ay naangkin ng hukbong Xiuli ni Chu Qiao. Matapos ng lahat, mas magaling sila sa malapitang labanan at gerilyang pakikidigma, samantalang ang hukbo ng Yan Bei ay mas sanay sa mga kabalyerong labanan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakipaglaban si Chu Qiao at ang kanyang pwersa habang nagmamadali patungo sa rehiyon sa ilalim ng kontrol ng pamilya ng Tang.

Gayunpaman, nang papalabas na sila ng kagubatan upang mapasok ang hangganang Hanshui, hindi inaasahang sinunog ito ng Yan Bei. Maglalagablab ang apoy sa loob ng apat na araw, nilalamon ang buong kabundukan ng Qiutang, pinatay at pininsala ang maraming sibilyan na hindi nakaalis sa lugar.

Walang magawa, napilitang ilabas ng mas maaga ni Chu Qiao ang kanyang hukbo sa kabundukan. Dahil naligaw sila dulot ng apoy, lumihis sila mula sa orihinal nilang landas ng 150 kilometro. Kahit na may gabay ng mga beterano ng hukbong Wolf na pamilyar sa lupain, nakaharap pa rin nila ang hukbo ng Yan Bei kinaumagahan.

Ang magkabilang panig ay magtatamo ng matinding kasawian sa labanan sa kapatagang Likang. Pinangunahan ni Chu Qiao ang pwersa ng 3,000 mga piling sundalo na pasukin ang base ng kaaway habang ang heneral ng pwersa ng kaaway ay malubhang nasugatan ng naliligaw na palaso. Gayunpaman, nanatiling kalmado at organisado ang pwersa ng Yan Bei, nagbibigay ng matigas na pagtutol, sapagkat hindi sila isang hukbo na susuko kapag wala ang pinakamataas na ranggo nilang heneral.

Ang mahinang madaling pagkilos at maliit na kakayahang umangkop bilang isang pinagsamang pwersa, kasama ang malaking bilang ng mga kabayong nahuli sa laban, ang dahilan upang gumawa si Chu Qiao ng bagong taktika pagkatapos ng labanan sa kapatagang Likang. Isinaayos niya ang hukbo sa sampung maliit na grupo na may 4,000 sundalo bawat isa. Ang bawat pangkat ay nakaistasyon nang mas mababa sa isang kilometro ang layo sa bawat isa habang sila ay patungo sa Hanshui Pass sa hugis ng isang pamaypay.

Gayunpaman, nang nakapasok sila sa probinsyang Nanli, biglang nagkasakit si Chu Qiao. Nakakaramdam siya ng pisikal na kawalang-ginhawa sa nakalipas na limang araw nang isang matalas na sakit ang humiwa sa kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng pagkahilo at nanghina ang mga binti, tapos ay nagkalagnat siya. Sa init at kahalagahan ng labanan kaya nagpatuloy siya ng puro tiyaga at kagustuhan. Kasalukuyan, sa pahinga mula sa labanan sa Yan Bei, nagsimulang sumuko ang kanyang katawan, pinalala kapwa sa pisikal at pag-iisip. Sa kabila ng pagtutol niya, naglagay si He Xiao ng mga sundalo sa labas ng tarangkahan ng syudad Nanli, habang pumasok sila sa loob upang magpagaling siya.

Doon, sa kabila ng mga kaguluhang sibil sa nakaraang presensya ng Tang at Yan Bei, ang pagkasira at pagkawasak sa syudad ay hindi malapit sa kung ano ang nasa Xia. Karamihan sa mga syudad ay nagawang mapanatili ang kanilang sigla, ang tanging epekto ng salungatan ay ang implasyon ng ilang mga produkto.

Nang nagpadala si He Xiao ng kanyang mga tao upang maghanap ng manggagamot, ang orihinal na inaantok at pagod na si Chu Qiao ay natagpuan ang kanyang sarili na hindi makatulog. Humiga siya sa isang malinis na higaan at tumitig patungo sa kalangitan, habang nadadama niya ang kanyang pokus na nawawala na tulad ng mga ulap sa itaas.

Nang hinabol sila ng mga puwersa ng Yan Bei, paulit-ulit silang binansagan na mga traydor. Nangangahulugan ito na ang kanyang pagkakakilanlan ay kilala sa mga sundalo. Maliwanag, sa kanyang talino, nahulaan ni Yan Xun na siya lamang ang tanging taong may kakayahang maglunsad ng pangahas na operasyon ng pagsagip upang mapasok ang Baizhi Pass.

Ibig sabihin din nito ay nais siyang patayin ni Yan Xun.

Makatwiran ito matapos ang lahat. Bumuo ng alyansa si Yan Xun at Prinsesa Jingan, habang ang kanyang layunin ay tulungan si Li Xiuyi. Bilang pinuno ng Baizhi Pass, makatuwiran lamang na tulungan nito ang kanyang kaalyado na pigilan siyang makalagpas sa Baizhi Pass. Walang bagay tulad ng pamilya sa digmaan, paano pa ang kanilang relasyon.

Naintindihan niya ang lahat ng ito.

Hindi na si Yan Xun ang bata na dati ay mahina ang loob na sumisiksik sa isang sulok ng palasyong Sheng Jin. Hindi na kailangang magdusa sa ilalim ng kamay ng iba, naging mas matapang siya at walang awa sa kanyang mga pagpapasya habang pinagtitibay niya ang kanyang posisyon ng kapangyarihan.

Hindi nagtagal bago dumating ang manggagamot at sinuri ang kanyang pulso, si He Xiao balisang nanonood mula sa likuran. Ang matandang, may puting balbas na doktor ay nanatiling tahimik nang matagal bago ngumiti at sinabi kay He Xiao, "Binabati kita, buntis ang iyong asawa."

Naguluhan si He Xiao habang mabilis na itinama ang manggagamot, "Walang katuturan. Hindi niya ako asawa, isa lang ako sa mga gwardya niya."

Nang marinig ito, paulit-ulit na humihingi ng tawad ang manggagamot at humingi ng kapatawaran kay He Xiao, ipinapaliwanag na nagkamali siya ng akala na siya ang ama ng bata dahil nakita niya ang kanyang pagkabalisa niya.

Ang pag-uusap ay nagpatuloy sa pagitan ni He Xiao at ng matandang doktor, habang si Chu Qiao ay hindi makapagsalita sa kanyang bibig na bahagyang nakabukas.

Ano ang sinabi niya? Binabati kita? Buntis ako?

下一章