webnovel

Chapter 182

編輯: LiberReverieGroup

Nandilim ang mukha ni Yan Xun. Itinungo na niya ang ulo para humingi ng paumanhin, ngunit isinantabi lang ito ng babae na may walang kibong agresyon. Naiinis niyang sinabi, "AhChu, masyado ba kitang pinalaki sa layaw nitong nakaraan? Hindi ka ganito dati."

Natatawa nalang si Chu Qiao. Pinalaki siya sa layaw? Sa buong buhay niya, at kahit sa nakalipas niyang buhay, hindi niya naisip na mailalapit siya sa salitang ito. Nakangisi, ni hindi nga siya sigurado kung si Yan Xun o ang sarili niya ang pinagtatawanan niya. Hindi ako karaniwang ganito? Ganito ka ba lagi? Sino ba talaga ang nagbago?

"Sa papalapit na digmaan, ito ang oras kung saan desperadong kailangan ng Yan Bei ng tauhan. Ang ganitong oras ay may malaking kahalagahan, dapat tayong mag-isip ng ganting-pagsalakay sa hukbo ng Xia, hindi tungkol sa personal mong sama ng loob. Dapat kang maglaan ng oras para pagnilayan ang iyong sarili!" may pilantik ng kanyang roba, nilisan ni Yan Xun ang tolda. Nanatiling nakatayo si Chu Qiao sa lupa, habang ang kanyang tingin ay lumamig. Lahat ng galit sa kanyang puso nitong nakalipas na mga araw ay naging isang malamig na karagatan.

Talaga nga bang desperadong nangangailangan ng tauhan ang Yan Bei? Kung ganoon nga, bakit ang mga orihinal na heneral ng Unang Hukbo ay napalitan? Iyong mga opisyales na tinuruan ni Ginoong Wu nitong mga taon ay nailipat sa likurang hanay, at ang iba pa nga ay natanggal. Bakit naatasan si Lady Yu ng gayon trabaho na walang inaalala? Bakit inilipat si AhJing? Para naman kay Chu Qiao mismo, bakit binigyan lamang siya ng impormasyon na halos hindi mahalaga, gayumpaman ay hindi niya alam na si Zhuge Yue ang pinaka opisyales na may hawak ng lohistika?

Sa wakas ay magkaisa na ang hukbo ng Yan Bei sa ilalim ng iisang watawat. Ngunit Yan Xun, bakit nagsimula kang pagdudahan ako?

Nadama niya ang sakit na ganoon kasidhi, na hindi pa niya nararamdaman dati. Ang katotohanan na siya ay itinakwil ay isang bagay na nagpalungkot sa kanya. Nakaupo sa upuan, sunod-sunod na alon ng lamig ang bumugbog sa katawan niya. Sinundan ba ni Zhuge Yue ang mga sundalo ng kaaway? Kung ganoon nga, masamang balita ito para sa hukbo ng Yan Bei. Ang kadalubhasaan niya sa militar ay hindi mas mahina kay Zhao Che, at siya ang isa sa pinakamalapit na disipolo ni Ginoong Wolong, ang parehong guro nila Ginoong Wu at Lady Yu. Suportado ng kakayahang pinansyal ng pamilya Zhuge, ang buong tribo ng Zhuge ay nakatayo sa likod ni Zhuge Yue. Ang presensya niya ay naghatid din ng senyales tungkol sa pakikitungo ng iba't-ibang pamilya ng Xia tungkol sa digmaang ito. Ang pagdating ba niya sa lugar ng labanan ay premonisyon ng panggugulo ng malalaking pamilya sa laban na ito?

Sa magandang banda, ibig sabihin noon ay hindi na siya itinatakwil ng kanyang pamilya. Kahit na nasa digmaan ang Yan Bei at imperyo ng Xia, ang ilang balita mula sa syudad ng Zhen Huang ay paminsan-minsan niya pa ring naririnig. Malaking impluwensiya ang nawala ni Zhuge Yue sa pamilya ng Zhuge dahil sa insidente sa imperyo ng Tang, at labis na napigilan ng Elder Council at ang Royal Family. Hindi lang siya tinanggalan ng ranggo at posisyon, napasailalim din siya sa house arrest, hindi magawang makaalis ng syudad ng Zhen Huang. Tapos ay inutusan pa siya ni Zhuge Muqing na huwag tatapak sa labas ng residensya ng Zhuge, sa ilang sandali, pinagtawanan siya ng mga aristokrata ng Xia.

Ginawa ni Chu Qiao ang lahat para hindi maisip ang mga bagay na ito, dahil alam niya na kahit anong gawin niya, wala itong kabuluhan. Hindi siya makakabawi dito sa kahit anong paraan, o ipakita ang kanyang pasasalamat. Siya ay isang tao na laging matigas ang ulong gusto na lakaran ang landas na napagpasyahan na niya, kahit na ito ay puno ng hirap at panganib. Gayumpaman, paminsan-minsan, maaalala niya pa rin ang pares ng determinadong mata na iyon, kasama ang paos nitong boses. "Hindi mo pa ba napapagtanto? Kailangan din kita!" maganda kung ang tanging tungkulin niya ay pangasiwaan ang lohistiks, at hindi sila magtatagpo. Sana, ganoon ang mga bagay.

Pagod na pagod na si Chu Qiao at ayaw nang basahin pa ang walang kwentang impormasyon na iyon. Kinakaladkad ang pagod niyang katawan pabalik ng kanyang tolda, gusto niya lamang matulog. Nang naglalakd siya sa kanlurang kampo, dalawang boses ng gwardya ang narinig ng tainga niya.

"Pusta ko ay nais ng Kamahalan na mamatay sila. Kahit si Heneral Liu na sumalungat lang sa Kamahalan sa pagpupulong ay misteryosong naglaho sa lugar ng labanan. Ang lugar na nakatalaga kay Heneral Liu ay ang likurang hanay, at walang mga kalaban. Hula ko, siguro ay napatay na siya."

"Tama. Gumawa sila ng gulo. Kung hindi kay Master Chu mula sa Military Staff Office na nagpoprotekta sa kanila, pusta ko ay napadala na silang lahat sa gumawa sa kanila."

Isang matandang sundalo ang bumuntong-hininga. "Iba ang ugali ng Kamahalan mula sa ating dating Master. Mabalik-tanaw, tila ang mga araw kung saan si Ginoong Wu pa ang nangangasiwa ay mas maganda, at kahit si Master Chu ay mas may katwiran."

"Tama," may sumang-ayon. "Hindi lang siya maganda, malambing din ang kanyang boses. Idagdag pa, makatwiran siya at makatarungan. Hindi nakakagulat na magiging matapat sila sa kanya."

Nakasimangot na tumikhim si Chu Qiao at marahang naglakad. Iyong mga lalaking iyon ay ang mga bantay ngayong gabi. Nang marinig ang kanyang yabag, nagulat sila, habang hinagilap nila ang kanilang mga sandata bago gulat na tumingin sa kanya.

"Ang pribadong pag-usapan ang Kamahalan ay isang kasalanan."

"Master, Master, alam namin ang mali namin. Paki-usap patawarin mo kami at hayaang mabuhay." Napaluhod ang mga lalaki sa lupa habang nagmamakaawa sila sa pagpapatawad niya.

Tumingin si Chu Qiao sa kanila at marahang ipinahayag, "Mayroon lamang isang komander sa hukbo, at isang pinuno lang ang maaaring magkaroon sa Yan Bei. Ang Kamahalan ay anak ni Old Master Yan, at ang amo ng Yan Bei. Naiintindihan niyo dapat kung kanino kayo nangako ng katapatan. Isa itong hukbo, hindi organisasyon ng pagkakawanggawa. Ang mali ay dapat maparusahan, at mamamatay ang mga tao sa labanan. Pangkaraniwan na ito. Kapag nahuli ko kayo na pinagtsitsismisan ang Kamahalan sa kanyang likod muli, sisiguraduhin ko na parurusahan ko kayo ng ukol sa batas militar!"

Lumuhod ang mga lalaking iyon sa lupa at mabilis na sumagot, "Opo, opo, naiintindihan namin."

"Matapos ngayong gabi, tumungo kayo sa Military Punishment Department, at humingi ng 30 palo bawat isa sa inyo. Sabihin niyo lang na inutusan ko kayo."

"Opo, opo."

Hindi binabago ang kanyang mukha, tumalikod si Chu Qiao at umalis. Gayumpaman, hindi siya nagmadaling bumalik ng kanyang tolda bagkus ay diretsong tumungo sa kampo ng Southwest Emissary Garrison.

Anong nangyari? Anong pinag-uusapan ng mga gwardyang iyon? Anong klaseng misyon ang ipinagawa sa kanila ng Cheng Yuan na iyon? Lahat ng ito ay malalaman kapag tumungo siya sa kampo nila.

"Master?" nagliwanag sa saya ang mukha ng batang sundalo pagkakita kay Chu Qiao, at masayang lumapit habang nagtatanong, "Master, paano ka nagkaoras na bisitahin kami?"

"Nasaan si He Xiao? Sabihan mo siya na puntahan ako," madaling utos ni He Xiao.

Nagulat ang sundalong iyon at sumagot, "Dinala ni Commander He ang mga tauhan natin para sa isang misyon."

"Nasa misyon? Anong ginagawa nila?"

"Kulang sa tao ang kampo ng tagamanman, kaya naitalaga kami sa ilalim ng kanilang kampo."

Nakasimangot na tahimik na sumagot si Chu Qiao, "Sino ang nagbigay ng utos?"

Puno ng paghamak ang mukha ng sundalong iyon nang sumagot siya, "Sino pa ba bukod sa Heneral Cheng na iyon na desperado sa resulta?"

"Saan sila tumungo ngayong gabi?"

"Narinig ko na tumungo sila sa Xiongxi Slope."

Katulad ng inaasahan! Tumalas ang tingin ni Chu Qiao. Cheng Yuan, kapag nangahas kang kumilos ng padalos-dalos, sisiguraduhin ko na hindi mo na makikita ang araw bukas.

Kumuha ng isang sundalo mula sa Southwest Emissary Garrison, sinakyan ito ni Chu Qiao, at tahimik na nag-utos, "Dalhin ang natitirang mga tauhan at sundan ako."

Sa tagos-butong hangin, ang grupo ng mga kabayo ay tumatakbo sa nyebe sa kadiliman. Gayumpaman, sa oras na ito, sa Xiongxi Slope na 40 kilometro ang layo, ang buong tanawin ay nadaig ng kaguluhan.

"Umaatake ang kaaway!" nagmamadaling itinaas ng mga gwardya ang siga at tumakbo tungo sa mga kabayo habang malakas na sinasabi, "Maghanda! Maghanda!"

"Sino? Sino ang mga umaatake?" mapulang mata na nagtanong si He Xiao. Kahit na nagtayo sila ng kampo dito, isa lang silang maliit na grupo ng 1,000 kabalyero. Kakatanggap lang nila ng utos na magpahinga dito, paano nalaman kaagad ng kalaban ang kanilang posisyon?

"Hindi ko alam Heneral," malakas na sagot ng mga sundalo, "Nanggaling ang kalaban mula sa hilagang-kanlurang direksyon, at mahirap malaman kung kakampi o kalaban sila. Anong gagawin natin?"

Mas maraming hawak na impormasyon ang pangungusap na iyon kung titignan. Hilagang-kanlurang direksyon? Mas magiging mahirap makilala kung ang padating na kalaban ay mga sundalo ng Xia o sundalo ng Yan Bei. Ikokonsidera ang balisang sitwasyon na kinalalagyan ng Southwest Emissary Garrison ngayon, posible ang parehong sitwasyon, at sa totoo lang, mas maaari ang huli. Ang panunuya na ito! Sumimangot si He Xiao at may malalim na boses na nag-utos, "Magtipon at higpitan ang ating pormasyon. Hindi natin lalabanan ang kaaway hangga't hindi malinaw ang pagkakakilanlan nila."

"Master, sumugod si Officer Gu kasama ang unang hanay!"

Umakyat ng dalisdis si He Xiao, para lang makita na kalat na ang apoy, habang ang tunog ng labanan at pagkaalerto ay pumuno sa buong tanawin. Ang mga sundalo ay mag-isang lumalaban, na walang pormasyon. Kung hindi dahil sa katotohanan na ang Southwest Emissary Garrison ay binubuo ng mga sundalong may lubos na kasanayan, siguradong nahayaan na nila ang kaaway na makapasok.

May pagkakataon pa, may pagkakataon pa. Sumimangot si He Xiao habang nagninilay-nilay siya at nagtanong, "Nasaan si Heneral Cheng at ang mga tauhan niya?"

"Umalis siya dalawang oras na ang nakakalipas."

"Bwisit!" mura ni He Xiao. Sumigaw siya, "Maghanda kayo ng kabayo para sa akin! Madali!" ngunit, sa pinak oras na ito, isang palaso ang tumagos sa hangin. Tulad ng uhaw sa dugong hayop, diretso itong lumipad tungo sa ulo ni He Xiao! Wala siyang oras para tumugon, at hindi siya makasalag o umilag. Napakabilis nito, kasama ang nanlalamon na awra ng pagka-uhaw sa dugo, diretso itong patungo sa kanya. Para bang ang buong lugar ay nagdilim, at mayroon lamang palasong iyon na lumilipad sa ere. Ang madilim na gabi ay puno ng magulong tunog ng pagtama ng bakal, tulad ng isang nakakatakot na madugong salo-salo.

Lumaki ang iris ni He Xiao habang tumalas ang kanyang tingin. Nangati ang kanyang balat na para bang nahiwa na siya. Siya mismo ay dalubhasa sa pana, at minsan lang makahanap ng karapat-dapat na kalaban pagdating sa kahusayan sa pamamana. Gayumpaman, kaharap ang palasong ito, pakiramdam niya ay isa lang siyang bata, walang kahit isang paraan na gumanti. Para itong magsasaka na kaharap ang mahusay na swordsman. Maiwawasiwas ng magsasaka ang mga kamao niya gamit ang buong lakas niya, ngunit makakatama lang sa hangin. Gayumpaman ang kailangan lang ng swordsman ay isang simple ngunit mahirap na unday para pabagsakin ang magsasaka.

Napaka bilis. Bago pa man siya makatugon, nasa mukha na niya ang palaso. Nararamdaman niya ang irit ng mga tauhan niya, at ang sigaw ng mga nakapalibot na sundalo. Mulat na mulat ang mata na hindi siya makapagsalita. Gayumpaman, nag-iisip pa rin siya, sino ang tumira ng palasong ito na makakalaban kahit ang kahusayan ni Master sa pamamana? Ang mamatay sa kamay ng dalubhasa sa pamamana, hindi siya magsisisi.

Ping! Isang matalas na pagsalpok ang umalingawngaw sa buong lugar. Kasunod noon, mayroong nakakabinging katahimikan. Dumating si Chu Qiao sakay ng kabayo niya, at may pasirko siyang tumayo sa harap ni He Xiao, ang kanyang pana ang nasa kanyang gilid. Sa lupa bago ang kanyang kabayo, mayroong pares ng palaso na ang mga dulo ay magkasalikop, nagmumukhang dalawang bulaklak na kaharap ang isa't-isa.

"Master!" ang mga tauhan ng Southwest Emissary Garrison ay nagalak, "Nandito na ang Master!"

Hindi inaasahan na tumigil ang kalaban. Ang dalawang panig ay nagsimulang higpitan ang kanilang pormasyon, at tumayong kaharap ang isa't-isa sa dilim, may apoy na nililiwanagan ang buong lugar ng labanan.

Napasimangot si Chu Qiao. Ang paraan ng paglipad ng palasong iyon ay napaka pamilyar. Nagsimulang tumibok ang puso niya sa antisipasyon, ngunit ang kanyang kilay ay magkadikit sa parehong pag-aalala at takot, kasama ang bahid ng kagalakan. Kung tama ang hula niya, kung tama siya, ngayong gabi ay may tsansang... umatras na hindi na makikipaglaban pa...

Nahati si dalawa ang kalaban, habang may puting kabayo ang naglakad palabas mula sa likod ng mga sundalo. Ang lalaki sa likod ng kabayo ay nakasuot ng lilang roba, kasama ang malasutlang kasuotan, at wala man lang kahit isang hitsura ng pagiging sundalo. Ang kanyang tingin ay payapa tulad ng hindi naiistorbong lawa, at tumingin siya kay Chu Qiao at sa iba. May lubos na kayabangan sa kanyang mukha, naghintay siya ng ilang sandali bago ibinuka ang kanyang bibig. "Isa lang silang grupo ng mga takas. Atras."

"Master!" isang opisyal ang madaling nagtanong, "Paano sila mga takas? Nakapahusay nila sa pakikipaglaban, at siguradong pwersa sila ng piling mga sundalo ng hukbo ng Yan Bei."

Nang marinig iyon, bahagyang nagtaas ng kilay ang lalaki. Nakatingin mula sa kanyang kabayo, tumingin ang lalaking iyon sa opisyal mula sa gilid ng kanyang mata bago nagtanong, "May problema ka ba sa paghusga ko?"

下一章