webnovel

Chapter 167

編輯: LiberReverieGroup

Anim na oras ang makalipas, si Zhao Yang, na naantala dahil sa sunog sa Chidu, ay giniliran ang syudad kasama ang 500 libong sundalo, binubuo ng Northwestern Army at mga ligaw na sundalo mula sa Southwestern Army!

Sa bulwagan na pinagpupulungan, umupo si Chu Qiao sa posisyon ni Cao Mengtong. Nakasuot siya ng itim, diretsong nakaupo sa upuan nito habang nakatingin sa mga tao sa harap niya. Ang mga pamilyar na mukha dati ay nawala. Higit sampung kumandante, na naramdamang hindi pabor sa kanila ang sitwasyon, ay tumakas kasama ang kanilang sariling hukbo. Ang mga kumandante ng Ikalawang Hukbo ay hindi makita kahit saan, habang ang pinuno ng Ikatlong Hukbo ay sinuko ang sarili sa Xia, kasama ang hukbo niya ng 50,000. Ang heneral ng Beishuo, si Xia An, nakitang napipinto na ang pagkatalo, ay tumakas tungo sa loob na malaking lupain ng Yan Bei kasama ang mga sundalong pangdepensa ng Beishuo, sinasabing hahabulin ang mga tumakas.

Ang mga taong nakaupo sa bulwagan na ito ay mga kumandante ngayon na nasa gitna hanggang mababang ranggo. Sa upuan na para sa pinuno ng ika-pitong seksyon na kabilang sa ika-walong pulutong ng Pangawalang Hukbo ay nakaupo ang matabang tagaluto. Tumakas sa lugar ng labanan ang pinuno nila kasama ang 5,000 tauhan. Ayaw niyang umalis, sinusubukang hikayatin ang iba pa niyang kakampi na ipagtanggol ang Beishuo kasama siya. Gayumpaman, halos mamatay na siya sa bugbog bilang kapalit. Sa kasalukuyan, lahat ng kakampi niya ay namatay na at iniwan siyang mag-isa. Nang sinabihan ni Chu Qiao ang mga kinatawan ng mga departamento ng militar na dumalo sa pagpupulong na ito, wala nang iba pa sa seksyon na ito kung hindi ang tagaluto lang. Kung kaya, ni hindi man lang natanggal ang kanyang apron, nagmadali siyang daluhan ang pagpupulong na ito.

Sa magulong panahon ng bansa, kung saan ang eksistensya nito ay nanganganib, ang pinakamatapat na tauhan ay hindi iyong matataas ang ranggo na opisyales na namuhay sa karangyaan. Okyupado sila ng pagtangkang tumakas at sumuko, sinusubukang pagtaksilan ang kanilang kabayan para makahanap ng matatakasan nilang ruta. Sa oras na ito, ang mga maliliit na pigura na itinuturing na hindi mahalaga ang naglakas-loob na akuin ang responsibilidad ng pagprotekta sa kanilang bansa gamit ang sarili nilang balikat at utak. Ang mga pangyayari sa mundong ito ay tunay na pangungutya.

"Heneral, anong dapat nating gawin?" Isang iskolar si Yin Liangyu sa Military Supplies Department noong nakaraan. Ang trabaho niya ay itala ang paggalaw ng mga rasyon. Nang tumakas ang nakakataas sa kanya, tinapon nito ang trabaho nito sa kanya, sinasabi na tataas ang ranggo niya kapag inako niya ang pwesto nito. Bago pa man makatanggi si Yin Liangyu, naglaho na parang bula ang lalaki. Pagkatapos, tumaas ang ranggo ni Yin Liangyu ng higit sa 20 ranggo sa dalawang araw, naging vice-commander ng Ikalawang Hukbo at ang pangalawang pinakamataas na pigura ng awtoridad sa syudad ng Beishuo.

Lumingon si Chu Qiao at kalmadong sinabi, "Maaaring ipahayag ng lahat ang kanilang pananaw."

Nanatiling tahimik ang mga tao, maingat na tumitingin sa isa't-isa. Sila ay hindi kilalang mga pigura na lumaban sa harapang hanay noong nakaraan. Paano sila magkakaroon ng kahit anong ideya? Matapos ang maiksing sandali, isang inosente tignan na pinilit magsundalo ang tumayo. Nakasuot siya ng simpleng kasuotan na namamantsahan ng dugo, habang ang iba ay hindi sigurado kung sa kanya ba talaga ang damit.

Nang makitang nakatuon sa kanya ang atensyon ng lahat, nahiya ang lalaki. Matagal siyang nagdalawang isip bago inipon ang kanyang tapang na bumulong, "Isa akong sundalo mula sa nayon ng Xitao. Ang mga nakakatanda sa nayon namin ay nasugatan, kung kaya sinabihan nila akong pumunta. Gusto nilang tanungin kung aatras ka Heneral? Aabandunahin mo ba kami?"

"Tama iyon!" May isang nagsalita. "Heneral, magiging katulad ka ba ni Heneral Xia An? Sinabi niya na hahabulin ang mga tumakas ngunit hindi na bumalik."

Kalmadong sumagot si Chu Qiao, "Wag kayo mag-alala. Kahit na umatras tayo, ako ang huling tatapak palabas ng tarangkahan ng Beishuo."

"Mabuti naman!" Lahat ay maginhawang napabuntong-hininga.

Isang lalaki na balbas-sarado ang biglang nagbulalas, "Wala akong alam na kahit anong taktika. Kung anong gustong ipagawa sa akin ng Heneral, gagawin ko."

"Oo!"

"Oo, makikinig kami sa Heneral!"

Matagal na nag-isip si Chu Qiao bago siya tumayo at sinabi, "Kung ganoon, pakiusap bumalik na kayo kaagad at mag-ipon ng mga sundalo. Kapag sumapit ang bukang-liwayway, lalabanan natin hanggang kamatayan ang hukbo ng Xia!"

Lahat nang nasa bulwagan ay sumunod, mukhang mas payag silang sundin ang utos kaysa sabihin ang kanilang opinyon. Sa maiksing sandali, tumahimik ang bulwagan. Umupo si Yin Liangyu sa kanyang upuan na parang may gusto siyang itanong.

"Heneral Yi, sabihin mo ang iniisip mo."

Matagal na nag-isip si Yin Liangyu bago nagsalita, "Heneral, wala ako masyadong alam sa pakikidigma. Subalit, tatlong araw ang nakakalipas, nang tumakas si Heneral Yu Zeqi na mula sa Ikatlong Hukbo, sinunog niya ang karamihan sa imbakan ng rasyon. Kasalukuyan, mayroong kulang sa 40,000 sinanay sa pakikipaglaban na mga sundalo sa syudad. Kahit sa 30,000 mga sundalong dinala mo pabalik, mayroong kulang 70,000 pinagsamang mga sundalo. Ang karamihan sa kanila ay pinilit magsundalo. Ang pwersa mula sa Xia ay malakas. Matatalo ba natin sila kapag nakipaglaban tayo ng harapan?"

Napasimangot si Chu Qiao. Nang magsasalita na siya, madaling nagpaliwanag si Yin Liangyu, "Hindi ko intensyon ang tumakas. Medyo...medyo nag-aalala lang ako."

Ngumiti si Chu Qiao at sumagot, "Heneral Yi, alam ko na hindi mo intensyon tumakas, pero hindi mo kailangan maging pesimista. Kung handa akong manatili dito, mayroon akong kumpyansang maipanalo ang labanan."

Tumayo si Yin Lianyu at nagagalak na sinabi, "May siguradong paraan ka ba Heneral para manalo?"

"Wala akong paraan para masigurado ang panalo, ngunit may piraso ako ng balita na gugustuhin niyong mapakinggan."

"Anong balita?"

"Ang Unang Hukbo na pinangungunahan ng Kamahalan, kasama ang mga sundalo ng Luori na pinangungunahan ni Lady Yu, ay pabalik na para tulungan tayo. Hangga't tumagal tayo ng sampung araw, darating sila."

Hindi na mapigilan pa ni Yin Liangyu ang kanyang saya at nagtanong, "Totoo ba iyan? Totoo ba iyan, Heneral?"

"Oo," ngumiti si Chu Qiao. "Humayo kayo at ikalat ang balita sa lahat!"

Nagagalak na madaling lumabas si Yin Liangyu sa pinto. Nakatingin sa anino nitong nawawala sa malayo, ang ngiti sa mukha ni Chu Qiao ay naglaho; ang walang pakiramdam niyang emosyon ang pumalit. Walang nakakaalam na tinipon ni Yan Xun ang Unang Hukbo at ang mga sundalo ng Luori para atakihin ang loob na malaking lupain ng Xia. Una, nag-iingat siya sa mga traydor sa hukbo. Oras na kumalat ang mga salitang iyon kay Zhao Yang, kahut na ang krisis ng Beishuo ay maiiwasan, ang ruta ni Yan Xun ay mahaharangan, mapupunta siya sa mapanganib na sitwasyon. Ito ang pinaka pinag-aalala niya.

Pangalawa, oras na kumalat ang balita, malalaman ng lahat na tinraydor ni Yan Xun ang Yan Bei. Sa naapektuhang moral ng mga sundalo, wala nang saysay ang magpatuloy pang lumaban. Pinagtanggol niya ang Chidu nang nakaraan para protektahan ang pinakaloob na lupain ng Yan Bei. Kapag natalo ang mga sundalo ng Beishuo, mayroon pa ring rutang matatakasan. Gayumpaman, sa kasalukuyan, ang mga pwersa sa loob na lupain ay wala, habang walang dumidipensa sa kahabaan ng bundok ng Luori. Walang saysay ang tumakas paloob, dahil maaakit lang nila ang kaaway sa malaking lupain, hahayaan sila na mapansin ang kawalan ng mga sundalo doon. Sa isa madaling salita, ang buong lakas militar ng Yan Bei ay kasalukuyang nagtitipon sa syudad ng Beishuo. Kapag bumagsak ang Beishuo, babagsak ang Yan Bei. Kaya, binitawan niya ang Chidu at pumunta sa Beishuo.

Para naman kay Yan Xun, babalik ba siya? Bibitawan ba niya ang oportyunidad niyang masakop ang buong imperyo at makapaghiganti?

Lumakas ang nyebe sa labas. Umupo si Chu Qiao sa kanyang upuan habang sinalamin ng kanyang noo ang liwanag ng kandila. Isang paniniwala ang biglang nabuo sa kanyang puso, maliwanag na nagliliyab sa loob niya na parang isang apoy.

"Oo, babalik siya."

Nang sumapit ang bukang-liwayway, lumalapit ang hukbo ng Xia sa abot-tanaw sa walang hanggan na maayos na hanay. Maraming bangkay, kasama ang mga sandatang dala nila, ang nakahiga sa lugar ng labanan bilang resulta ng nakalipas na mga labanan. Sa kabila ng mabigat na pag-ulan ng nyebe, ang lupain sa harap ng syudad ng Beishuo ay namamantsahan pa rin ng matingkad na pula. Ang mga bulaklak, hindi natatakot sa malupit na kondisyon ng panahon, ay nagpatuloy na mamulaklak. Nagrepleksyon ang sinag ng araw sa lupa ng pinaglabanan, binigyang-diin ang mapula nitong itsura.

Mabilis na umabante ang digmaan. Si Zhao Yang, dahil nakaranas ng pagkatalo sa nakalipas na mga araw, ay nawalan ng pasensya. Ayaw na niyang maayos pang isaayos ang kanyang hukbo o mag-istratehiya. Ang hukbo niya ng 500 libo ay may ganang sumugod.

Ang 500,000 sundalo ay nagsimulang isaayos ang sarili nila sa lugar ng labanan, inilalabas ang kanilang sigaw ng digmaan. Ang mga sundalong nakatayo sa tuktok ng pader ng Beishuo ay nanginig sa takot, naramdaman ang lupang yumayanig sa ilalim nila.

Namutla ang mga sundalo ng Beishuo sa takot. Kumpara sa Timog-kanlurang hukbo ni Zhao Qi kung saan ay dumipende sa kalamangan ng tauhan sa kalaban, ang Hilagang-kanlurang hukbo ni Zhao Yang ay mas napapanahon at mabangis. Hindi nila maisip kung paanong si Chu Qiao, kasama ang kulang 10,000 sundalo mula sa Southwest Emissary Garrison, ay nagawa silang pigilan ng matagal. Gayumpaman, wala na silang oras para isipin pa ito ngayon. Mabilis na tumungo sa syudad ang mga sundalo ng Xia, tulad ng bugso ng tubig baha.

"Patayin ang kalaban!" Alingawngaw ng mga sundalo ng Xia, mukha silang bulkan na kakasabog lang.

"Sa aking hudyat!" Nakatayo si He Xiao sa tuktok ng pader ng syudad. Madami ang iginaling ng binata sa madaming laban na nilabanan niya. Hawak ang espada, nag-utos siya sa mababang boses, "Maghanda!"

"Unang Pangkat, maghandang umatake!"

"Pangalawang Pangkat, maghandang umatake!"

"Pangatlong Pangkat, maghandang umatake!"

"Pang-apat na Pangkat, maghandang umatake!"

...

"Ika-17 na Pangkat, maghandang umatake!"

Paulit-ulit na narinig ang sigaw ng pakikidigma. Sa kasalukuyan, ang Southwest Emissary Garrison ay mayroon nalang kulang 3,000 mga sundalo. Ang 7,000 mga tao ay nakuha mula sa mga pinilit magsundalo sa Chidu para tulungan ang hukbo. Matapos ang kamatayan ni Cao Mengtong, ang piling mga sundalo ng Ikalawang Hukbo ay naging mga sariling sundalo ni Chu Qiao. Mayroong 30,000 tao na binuo ng pinaka pwersa ng laban na ito. Sa oras na ito, sa harap nila ay malalaking pana na umabot hanggang kalahati ng tangkad ng tao. Dinisenyo sila ni Chu Qiao at inatasan ang Military Supplies Department na buuin ang mga sandatang ito. Subalit, matapos niyang umalis, walang nakakaalam kung paano ayusin at gamitim ang mga sandata. Kaya, lahat ng 3,000 sandata ay prineserba at nasa magandang kondisyon.

Naisiksik sa mga lalagyan nila ang pana. Naglakbay sa oras ang mga sandatang ito at dinesenyo na may konsepto ng modernong teknolohiya. Kaya nilang sabay-sabay na tumira ng 28 palaso ng tatlong beses, at na-kalibrate sa apat na dimensyon. Sa isang hingahan, ang mga panang ito ay kayang tumira ng 84 na palaso sa apat na magkaibang direksyon na may malakas na pwersa. Maikukumpara sila sa isang submachine gun.

Patuloy na umalingawngaw ang ingay ng pana. Habang papalapit ang kalaban, ang mga kabalyero nila ay sinapawan ang mga sundalong-lakad at nagmadaling tumungo sa harapan. Sumigaw ang kumandante nila, "Patayin ang mga barbaro ng hilaga!" Sumugod ang mga sundalo, sumisigaw na patayin ang mga kaaway.

Hindi natinag si He Xiao. Matapos ang ilang sandali, matatag niyang sinabi, "Sugod!"

Swoosh! Dumilim ang kalangitan na parang isang malaking piraso ng itim na tela ang tinakpan ito. Tumira ang palaso mula sa 3,000 pana. Walang nabubuhay ang matatagalan ang ganoong pagsalakay. Walang pagtakas o pag-atras. Ang tanawin sa syudad ng Chidu ay inulit ang sarili niya habang ang higanteng hukbo ng kabalyero ay bumagsak sa ilalim ng pag-ulan ng palaso. Matapos mahinto ang pag-ulan ng palaso, walang naiwang nakatayo sa loob ng sakop na matatamaan nito na 400 hakbang.

Sa iglap na iyon, lahat ng mata ay nanlaki. Ang panga ng mga sundalo ng Xia ay bumagsak; walang nagtangkang lumapit, lalo na iyong mga nasa Timog-kanlurang hukbo na nasaksihan ang ganoong palabas. Si Zhao Yang, na nilamon ng galit, ay halos gusto nang sumugod hawak ang kanyang espada. Isang buong gabi siyang naglakbay patungo dito at isinaayos ang kanyang mga sundalo sa nagmamadaling paraan para umpisahan ang kanyang pagsalakay, sa takot na nakagawa si Chu Qiao ng mga sandata na may nakakahindik na kapangyarihan bago mag-umpisa ang labanan. Hindi niya inaasahan na mahuli ng isang hakbang. Hindi niya alam na nasa Beishuo na talaga ang mga sandatang ito. Syempre, hindi lang siya nag-iisa, pero maraming tao na ganito din ang naramdaman. Matapos ang lahat, kung nandito lang pala ang mga sandata, paano nakaranas si Cao Mengtong ng lubos na pagkatalo?

"Sugod! Lahat ng aatras ay mamamatay!" Ang sigaw ng pakikidigma ay umalingawngaw ulit mula sa kampo ng Xia. Ang nababalot ng baluti at kalasag na sundalo ay pumunta sa kanilang posisyon sa harapan, tinuloy ang pagsugod nila sa syudad.

下一章