"Ate Yue'er." Lalaksan na dapat ni Xiao Ba ang boses nya ngunit agad-agad niyang tinakpan ang bibig nya.
Malinaw ang mata ng mga bata na tumingin sa paligid bago lumapit. Inilabas nya ang hawak-hawak na bag na may burda at inilagay ito sa mga kamay ni Xiao Ba at bumulong, "Xiao Ba, wala nang oras. Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa. Kapag hindi ako nakapunta sa iyo bukas bago maghapunan, kailangan mo nang tumakas, sa likuran ng silungan ng mga kabayo kung saan iniimbak ang mga pagkain nila. Gagawa ako ng paraan para iwanan ng gwardya ang poste nya bukas. Walang magbabantay sa gate bukas ng dalawang oras bago maghapunan. Ito ang kaunting pera at ang pekeng pagkakakilanlan. Hawakan mo lang ito at umalis ng syudad. Huwag mo na akong hintayin."
"Ate Yue'er?" Agad hinawakan ni Xiao Ba ang kamay ni Chu Qiao at sinabing, "Anong plano mong gawin? Maghihiganti ka ba? Gusto rin tumulong ni Xiao Ba. Hindi ako maaaring umalis mag-isa."
"Maging mabait at makinig ka." Hinimas ni Chu Qiao ang ulo nito at sinabing, "Dalawa nalang tayong natitira sa pamilya Jing. Ate mo ako kaya kailangan mong makinig sa akin. Hangga't mayroong nabubuhay, makakasurvive ang pamilya natin. Kung ano man ang mangyari sa akin, matutulungan mo pa rin ako para maghiganti."
"Pero ate Yue'er…"
"Makinig ka sa akin Xiao Ba. Pag nakaalis ka ng syudad, tumungo ka pa-hilaga. Kapag umabot ka sa syudad ng San Yi na matatagpuan sa hangganan ng Xia at Tang empire, maghintay ka sa akin ng tatlong araw. Kapag hindi pa rin ako dumating sa loob ng tatlong araw, kailangan mo nang umalis mag-isa. Huwag ka mag-alala, back up plan lang naman ito. Pag nakalabas ako, siguradong hahabol ako sayo."
Namumula ang mga mata na ipinalibot ni Xiao Ba ang mga kamay sa bewang ni Chu Qiao. "Alam ko na masosolusyunan ni ate Yue'er ang kahit na anong problema. Walang mangyayari sayo."
Nakangiti nyang niyakap ang balikat ng bata at sinabing, "Wag ka mag-alala, makakaalis din tayo sa lugar na ito. Wala nang magtatangkang manakit sa atin sa hinaharap."
Ang buwan ay hugis suklay sa malamig na taglamig. Ang hangin na umiihip sa nyebe ay gumagawa ng isang malungkot na kapaligiran.
Noong pangalawang araw, tulad ng dati ay maagang nagising si Chu Qiao at pumunta sa silid ni Zhuge Yue upang magsilbi. Subalit sinabihan sya na wala na doon ang Fourth Young Master dahil maaga itong umalis.
Napaisip si Chu Qiao na pati ang mga diyos ay tinutulungan sya. Tumalikod sya at tumungo sa pangunahing bakuran. Habang naglalakad sya sa Green Pavillon, pinigil sya ng personal na gwardya ni Zhuge Yue na si Yue Qi. Malamig syang tinignan ng gwardya na wala pang labing-limang taong gulang at bawat salitang sinabi na, "Utos ni Young Master na hindi maaaring lumabas ng bakuran si Xing'er."
Nagulat si Chu Qiao at hindi sigurado kung ano ang binabalak ni Zhuge Yue. Iniangat nya ang ulo at sinabi na may cute na mga ngiti sa kanyang mukha ang, "Kuya, hindi naman ako lalabas ng bakuran. Gusto ko lang pumunta sa kusina upang suriin kung sariwa ba ang mga bagong dating na mga dahon para sa tsaa." Pagkatapos noon ay tumalikod na sya at nagpatuloy sa kusina.
Maya-maya lang, lumabas si Huan'er galing kusina. Napasimangot si Yue Qi at naguguluhang nagtanong, "Nasaan si Xing'er?"
"Namimili ng tsaa sa loob kasama nung iba."
Napasimangot naman si Yue Qi, "Sa estado nya ngayon, bakit kailangan pa nyang gawin ang ganitong trabaho?"
"Ha? Sa tingin mo ba ay hindi mamamansin si Xing'er katulad nila Jin Zhu at Jin Cai?" Taas-kilay na tinignan ng taga silbi si Yue Qi. Harap-harapan nyang ipinahayag ang pagkainis, "Ikaw ang masungit!"
Puting mga ulap ang lumulutang sa kalangitan, kay gandang araw!
Nakahanap ng dahilan si Chu Qiao para makaalis sa Qing Shan court. Takot syang makita ng iba kaya napagpasyahang tahakin ang natatagong daan. Nang nakarating sya sa Plum Woods, isang anino ang biglang lumitaw. Gulat man ay nakita nyang isa pala itong binata, na may magandang itsura at mapungay na mata. Pamilyar ang itsura nya.
"Wag kang matakot. Isa akong utusan ni Prince Yan, si Feng Mian. Pinadala ako ni Prince Yan dahil may mensahe syang nais iparating."
"Mensahe?" Kunot noong tinignan ni Chu Qiao ang katawan ni Feng Mian. "Paano mo ako nahanap dito?"
Marahang napatawa si Feng Mian at sinabing, "Ang sabi ng master ko, kung hindi daw ako makapasok sa Qing Shan court, dapat ay magtago ako sa pinakaliblib na landas at siguradong mahahanap kita."
"Mukhang alam ng master mo ang lahat." Inis na saad ni Chu Qiao.
"Oo. Sobra syang matalino," sagot ni Feng Mian habang ipinapakita ang kanyang mga ngipin.
"Ano bang gusto nyang sabihin? Madali! Madami ko ginagawa."
Medyo nagulat si Feng Mian at napaisip, talaga ngang iba ang pag-uugali ng batang alipin na ito. Hindi nakakapagtakang ang kanyang Royal Highness at ang Fourth Young Master Zhuge Yue ay nag-uukol ng maraming pansin sa kanya. Madaling sumagot si Feng Mian, "Nais niyang sabihin na kailangan nyang bumalik sa Yan Bei kinaumagahan at gusto nyang magpaalam sayo mamayang gabi. Kaya gusto niyang magkita sa parehong lugar noong nakaraang gabi."
"Babalik ng Yan Bei?" ang tanong ni Chu Qiao habang naguguluhan. "Ang prinsipe ay bihag sa kapitolyo. Bakit bigla siyang babalik sa Yan Bei?"
"Hindi ako sigurado sa eksaktong rason, pero ang aming hari ng Yan Bei ay nagpadala ng mensahero sa kapitolyo at hiniling na bumalik ang prinsipe sa Yan Bei. May mahalaga sigurong nangyari. Naaprubahan na ng mga nakakatanda ang pagbalik ng prinsipe bukas ng umaga."
Tumango si Chu Qiao at sinabing, "Sabihin mo sa prinsipe mo, ang pagiging tagapagsilbi ko ay hindi pinahihintulutan na makaalis sa Qing Shan court kahit kailan ko gusto. Isa pa, kahit bumalik ang prinsipe sa Yan Bei o hindi, ay walang kinalaman sa akin. Wala akong karapatan upang magpaalam sa kanya."
Ngumiti si Feng Mian at sinabing, "Ang sabi ng amo ko, kung gusto mo pumunta ay walang makakapigil sayo. Kung may kinalaman man ito sayo o wala, wala ako sa lugar para magbigay ng opinyon ko. At dahil ikaw ay abala, ako ay aalis na." Nakangiti pa rin nang umalis si Feng Mian at naglaho sa gubat. Hindi maiwasang maisip ni Chu Qiao na ang residente ng mga Zhuge Yue ay may maluwag na seguridad kaya't ang binatang katulad ni Feng Mian ay malayang nakakapasok.
Pagkatapos ng isang oras na maingat paglalakad, nakarating rin sa wakas si Chu Qiao sa gilid ng pangharap na bakuran. Ang bakuran ni Zhu Shun, ang tagapangasiwa sa pamilya Zhuge, ay nasa harapan nya at walang kabantay-bantay. Sa pagkakataong ito, may malungkot na ekspresyon si Zhu Shun habang hawak ang isang kahon. Nabubulok na kamah ang laman nito. Nakakadiri!
Noong oras na iyon, may biglang kumalabog. Gulat na gulat si Zhu Shun. Kumuha sya ng dagger at nagmadaling pumunta sa pinanggalingan ng tunog. Mulat na mulat syang nagtanong, "Sinong nandyan?"
Tahimik. Walang kahit sino doon.
Nang tumalikod si Zhu Shun ay may nakita syang puting sobre sa lupa. Ang itaas ng sulat ay may nakakonektang sinulid, na nakatali sa bato. May nakapintang peach sa envelop at may kaunti pang pabango ito. Pagkatapos basahin ang sulat, lumiwanag ang mga mata ng lalaki na may nakakadiri at malaswang pagnanais sa utak nya. Ngunit, pagkatapos pag-isipan, napabuntong-hininga sya, bumalik sa upuan nya at hindi umalis.
Maya-maya pa, isa nanamang bag ang itinapon papasok galing sa bintana. Binuksan ito ni Zhu Shun at nakita ang pulang binder ng babae. Sa ibabaw nito, ay ang litrato ng magkayakap na hubad na lalaki at babae. Bumilis ang tibok ng puso nya.
Napatawa sya. Yumuko at inamoy ito. "Hindi man lang sya nakahintay maggabi! B*tch!" Ang sabi nya habang hawak ito. Tapos ay umalis na sya pagkasuot ng coat nya.
Ang residensya ng Zhuge ay matatagpuan sa silangan ng syudad ng Zhen Huang. Nasa likod nito ang Mount Chi Song at nasa kanan naman ang lawa ng Chi Shui. Ang residensya ay nakaharap sa timog at may malawak na espasyo. May tatlong gate ang gusali. Ang pinakaloob na bakuran ay malalim at maraming seguridad. Mayroon itong bente-kwatro oras na walang tigil na pagpapatrol. Apat na panibagong gusali at isang maliit na trench fire ang pumapalibot dito. Kung magkakaroon man ng gyera, maituturing na rin itong maliit na syudad.
Kahit ang silid ng mga babae ay matatagpuan sa pinakaligtas na parte sa ilalim ng bundok. Para sa mga gustong pumasok sa prefecture, bukod sa pintuan sa harap, wala nang iba pang daan papasok dito. Bumukas ang pinto sa gilid at malakas na bumati ang gwardya, "Kayo pala Zhu Shun! Bakit kayo napadpad dito?"
"Kahapon, mayroong tagas sa Tao Ran court dahil sa natunaw na nyebe sa ikalawang palapag na tumagas sa ibaba. Nandito ako para suriin ito."
Ngumiti ang gwardya at sinabi, "Paano ko kayo aabalahin para gawin ang mga bagay na ito, ako na lamang ang gagawa noon."
Ngumiti si Zhu Shun at umiiling na sinabing, "Wala naman akong ginagawa, nasa residensya ba ang First Young Master ngayon?"
"Ang First Young Master at ang Fourth Young Master ay nagdidiskusyon ng mga bagay-bagay sa study room simula pa kaninang umaga. Sa tingin ko ay hindi pa sila matatapos."
"Ah. Ganun ba? Papasok na ako. Hindi na kailangan pang sabihin sa mga master na nandito ako. Tanghali na, baka umiidlip ang mga master. Wag nyo nang istorbohin ang pahinga nila." Tumatangong tugon ni Zhu Shun.
"Naiintidihan ko."
Tamang-tama lang ang pagkakataon. Isang maliit na pigura ang nagtatago sa mga puno. Maningning ang mga matang ngumiti sya.
Ang ika-pitong binibini ng Chun Hua Court na si Duanmu Huaning ay naghahanda nang umidlip. Dumulas ang balabal nya sa kanyang balikat. Ang kanyang dibdib ay malambot at ang bewang ay maliit; bilugan ang kanyang puwet at mahaba ang mga binti. Ang kanyang balat ay makinis at malambot, ang kuko ay kulay pula. Naglalabas siya ng kagandahan. Binuksan ng taga-silbi nya ang silk na kumot at tinulungan syang makahiga nang nakahubad, gaya ng dati.
Sa pagkakataong ito, tahimik na gumalaw ang tile sa bubong, ngunit walang nakakapansin habang may isang maliit na bag ang dahan-dahang ibinababa. Gumagalaw-galaw ang lalagyan na mukhang may kung anong buhay sa loob nito.
Nang lumabas ang taga-silbi ay naging tahimik ang silid at tanging paghinga ng babae ang maririnig.
Lumapag ang bag sa unan ng ika-pitong binibini. Kulay pink ito at may magandang pinta ng peach.
Habang mahimbing na natutulog ang ika-pitong binibini, naramdaman niya biglang may dumidila sa mabango nyang tainga at leeg. Bahagya niya itong hinawakan at nadamang mabalahibo ito. Akala nya panaginip lamang ito kaya hindi na sya nag-abala pang buksan ang mga mata. Kaya lang, bigla siyang nakaramdam ng kirot sa mukha nya. Kinusot nya ang mga mata at tinignan kung ano ito. Sa gulat, napasigaw sya at maririnig ito sa buong Chun Hua garden.
"Binibini! Binibini!" nagmamadaling tumakbo sa silid ang taga-silbi. Pagkatapak nya sa silid, nagulat sya sa kanyang dinatnan. Ang silid ng ika-pitong binibini ay puno ng malalaking daga. Sila ay maiitim, malalaki at matataba, at hindi takot sa tao. Mayroon din sa higaan at kinakagat ang roba niya.
"Ahh! Saan galing ang mga dagang ito!? Alisin nyo sila dito!"
Nang hapong iyon, nagkakagulo ang buong lugar sa kagustuhang malipon ang mga daga.
Higit na sa sampung tasa ng tsaa ang nainom ng ika-pitong binibini upang pakalmahin ang sarili, ngunit balisa pa rin sya at ang kanyang buong katawan ay nanginginig pa rin.
"Binibini, nakita ko ito sa higaan mo." Isang gwardya ang lumapit sa kanya na may hawak na isang pink na bag.
Kinuha ng ika-pitong binibini ang bag at tinignan ito. Nanglalaki ang mga matang napatayo sya at sinabing, "Little sl*t! Sinasabi ko na nga bang ikaw ang may pakana nito! Pumunta tayo ngayon sa Tao Ran court. Tignan nalang natin kung anong magagawa ko sa kanya."
Sinundan ng mga tauhan sa Chun Hua court ang ika-pitong binibini patungo sa Tao Ran court. Walang nakapansin sa batang nagtatago sa loob ng kabinet sa gilid. Hindi nagtagal, ang buong residensya pati ang Tao Ran court ay nagkagulo. Bumalik sa Qing Shan court si Chu Qiao gamit ang parehong landas noong papunta sya, at iniwan ang mga nagkakagulo.