webnovel

Mamamatay si Xia Xinghe

編輯: LiberReverieGroup

"Ang kondisyon ko ay simple lang, ibigay ninyo sa akin ang ulo ng dalawang taong ito sa loob ng tatlong araw at bibigyan ko kayo ng panibagong kalahating buwan para magdesisyon. Ang dalawang taong ito ay isang babae na tinatawag na Xia Xinghe at isang lalaki na nagngangalang Xi Mubai. Ito ang hitsura nilang dalawa, maging pamilyar kayo sa kanila."

Ang mga mukha nina Xinghe at Mubai sa control room ay lumitaw sa screen. Hindi sila natakot o napasimangot na makita ang mga sarili nila sa screen. Wala man lamang bahid ng takot sa kanilang mukha.

Agad na bumalik sa normal ang video. Ngumiti si He Lan Yuan. "Tandaan ninyo, tanging sa pagpatay sa dalawang ito ay saka lamang kayo magkakaroon ng maraming oras. Sige dito na ang pagtatapos ng pulong na ito, hihintayin ko ang mabuti niyong balita. Miss Xia, umaasa ako na hindi mo ako bibiguin at mabubuhay ka ng tatlong raw, kundi ay mabibigo mo ako."

Pagkatapos ay nawala na ang video kasama ang nakakakilabot na ngiti ni He Lan Yuan. Ang mga computer sa control room ay na-wipe out. Si He Lan Yuan, tulad ng inaasahan, ay may mga paraan para masira ang mga sistemang ito. Ang kanyang paglitaw ay nagpagulo na naman sa mundo.

Nagtataka ang mundo, hindi nila maintindihan kung bakit gusto ni He Lan Yuan na mamatay ang dalawang taong iyon. Gayunpaman, ang patayin sila ang tanging pag-asa ng mundo…

Nagkahalu-halo ang emosyon ng lahat. Sa kulungan sa Hwa Xia, ang bawat bilanggo ay nakita ang video na ito.

Sa bilangguan ng mga babae sa City T, matapos na mapanood ang maikling video na ito, sa una ay hindi makapaniwala si Chu Tianxin bago ito nagsimulang tumawa na tila baliw na babae. Pumunta ito sa may bintana at parang baliw na sumigaw, "Xia Xinghe, p*ta ka, sa wakas ay dumating na din ang oras mo! Kinakarma ka na ngayon; nararapat lamang ito sa pagkalaban kay He Lan Yuan! Mamamatay ka na din. Perpekto ito; mamamatay ka na at buhay pa ako! Hindi magtatagal, aalis na ako sa lugar na ito at sasayawan ko ang nitso mo dahil ako ang nagtagumpay! Hindi ako inabandona ng mga diyos, salamat Diyos ko! Ito ang pinakamagandang regalo na ibinigay mo sa akin! Isa pa, Xi Mubai, ito ang kabayaran ng malupit mong pagtrato sa akin. Nararapat lamang sa inyo na mamatay na pareho, mabulok sa impiyerno at sana ay paghiwalayin ng mga diyos ang mga kaluluwa ninyo para hindi kayo magkasama kahit sa kamatayan…"

Kahit ang mga magulang ni Tianxin ay nasiyahan sa balitang ito.

Si Xia Wushuang, na nakahiga sa isang kama sa loob ng matandang ospital, ay nababaliw na din sa kakatawa. Ang kanyang mukha ay nakakatakot pa din, dahil sa ang paggalaw ng kanyang mukha ng pagtawa niya, tila nahati sa dalawa ang kanyang mukha, na nagdagdag ng katatakutan dito. Kung may tao sa paligid niya, matatakot sila dito. Gayunpaman, ito ang unang beses na tumawa ng masaya si Wushuang matapos ang kanyang aksidente.

"Perpekto lamang ito, Xia Xinghe, pusta ko ay hindi mo nakita na darating ang araw na ito! Hindi ba't palagi ong iniisip na mas mataas ang antas mo sa lahat? Sa oras na ito, parating na ang karma mo, mas masahol pa ang magiging labas mo kaysa sa akin, perpekto talaga ito! Si Xia Xinghe ay mamamatay na, at magugunaw na ang mundo, ito ang pinakamagandang araw ng buhay ko…"

Ang isa pang grupo na nagdiriwang sa magandang balita na ito ay ang Lin family. Si Elder Lin ay walang paglagyan ng kasiyahan sa bilangguan. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang piitan at tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "HIndi pala tatapusin ng kapalaran ang Lin family! Ang Xi family at Shen family ay babagsak at ang Lin family ko ay babangong muli para kuhanin ang lugar nila!"

Ang bawat miyembro ng Lin family na nasa kulungan ay ito din ang iniisip. Kakampihan nila si He Lan Yuan para tulungan itong pagharian ang mundo!

Ito lamang ang tanging paraan nila para mabuhay.

Gayunpaman, mayroong ilang tao na nagdarasal para sa kaligtasan nina Xinghe at Mubai.

下一章