webnovel

Gawing Kalaban ang Mundo

編輯: LiberReverieGroup

Ang tawa nito ay tila nakakahawa dahil ang lahat ay nagsimula ng gayahin siya. Tila ba ang tagumpay ay nasa kanila nang mga kamay at hindi na sila natatakot sa kahit na ano.

Matalim na tinitigan ni Xinghe si He Lan Long at nagtanong, "Ano ang ibig ninyong sabihin na sinira namin ang lahat?"

Mala-demonyong tumawa si He Lan Long. "Hindi magtatagal at maiintindihan din ninyong lahat! Pagdusahan ninyo ang kahihinatnan ng pagkalaban sa amin! Ang kahinatnang ito ay isang bagay na hindi ninyo makakayang akuin!"

"Tama iyon, ang konsikuwensiya ay hindi isang bagay na makakaya ninyong akuin! Kaya maghanda na kayong magsisi."

"Hindi magtatagal, ang buong mundo ay malalaman kung gaano kami makapangyarihan at papatayin kayong lahat para lamang sagipin ang kanilang mga sarili."

"Mga tanga, manginig kayo sa takot!"

"Hintayin ninyo ang kamatayan!"

Ang lahat ng mga taong ito ay tinatapunan sila ng masama at may nababaliw na tingin sa kanilang mga mata, at hindi sila mapakali. Sa tingin ni Xinghe ay hindi lang nanlalansi ang mga ito. Maaaring may alam ang mga ito na hindi nila alam at may malaking bagay na mangyayari sa nalalapit na hinaharap. Gayunpaman, hindi na sila makakaatras pa dahil malayo na ang naratig nila. Hindi na nila mahahayaang hindi maparusahan ang mga taong ito. Ang pagpipilian ay nagawa na kaya naman kailangan na nilang harapin ito kahit na ano ang mangyari.

"Ganoon ba? Gusto ko nga na makita kung sino ang may malaking kakayahan na magagawa niyang bantaan ang buong mundo. Maliban kung isa siyang diyos, sa tingin ko ay hindi ito isang posibilidad!" Masungit na tugon ni Xinghe, hindi siya natatakot sa mga banta ng mga ito.

Madilim na tumawa si He Lan Long. "Bata, pinapayuhan kita na huwag masyadong mayabang. Palaging may mas mahusay kaysa sa iyo at may mga bagay na mas angat sa imahinasyon mo ang palaging nangyayari. Hindi ko na gusto pang aksayahin ang oras ko na makipag-usap sa iyo, dahil malalaman mo din naman ang konsikuwensiya sa loob ng ilang araw."

"Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang mga konsikuwensiya ngayon at kung sino ang magdadala ng mga iyon?" Walang takot na tanong ni Xinghe.

Umiling si He Lan Long ng may ngiti. "Hindi ko maaaring gawin iyan; ang plano niya ay hindi isang bagay na maibubunyag ng mga taong tulad natin. Malalaman mo ang tungkol sa kanya kung nanaisin niya."

"Kung gayon, nasaan siya?" Tanong ulit ni Xinghe.

Nagsimulang tumawa ng malakas si He Lan Long. "Sa tingin mo talaga ay sasabihin ko iyan sa iyo? Huwag ka na mag-aksaya pa ng laway; hindi namin sasabihin ang kahit ano sa iyo, pero huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal at ang lahat ay mabubunyag."

"Fine, maghihintay na lamang ako. Dalhin na ninyo sila at ituloy ang interigasyon," utos ni Xinghe sa kumandante.

"Oo." Naintindihan ng kumandante ang bigat ng sitwasyon. Matapos niyang dakpin ang mga taong ito, agad niya itong binalita kay Chui Qian. Ang launch site ay isinara at ang mga eksperto ay pinapasok para suriin ito ng husto.

Ang grupo ni Xinghe ay nakatayo sa gilid, iniisip ang mga salitang binitawan ni He Lan Long.

"Lahat ba kayo ay iniisip na seryoso siya, na magugunaw na talaga ang mundo?" Tanong ni Ee Chen sa grupo sa isang seryosong hitsura.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Sa tingin ko nga ay nagsasabi siya ng totoo, pero sa tingin ko ay hindi pa magugunaw ang mundo. Kahit na gaano pa makapangyarihan ang taong ito, ang mundo ay hindi mapapabagsak ng ganoon kadali."

"Pero mukhang sobrang tiwala sila…"

"Kahit pa, hindi ibig sabihin nito ay wala na tayong laban. Kapag binantaan niya ang mundo, gagawin niyang kaaway ang buong mundo," sabi ni Xinghe ng diretsahan, ang kanyang tingin ay kasing talas ng itak. Ang kanyang hindi mapasuko na ugali ay lumalabas na naman.

Habang nakikita ito, napakalma ng husto si Ee Chen. Sinabi nito ng may ngiti, :Tama ka, hindi naman tayo lubos na walang laban. Hindi ako naniniwala na, kapag magtutulong-tulong ang buong mundo, hindi natin magagawang pabagsakin ang isang nagbabanta!"

Puno ng kasabikan si Sam. "Pero gusto kong malaman kung sino ang taong ito na maaaring magbanta sa buong mundo. Sa ibang kadahilanan, gusto ko talagang makita ang taong ito."

Agad na pinagalitan siya ni Ali, "Ano'ng kalokohan ba ang pinagsasasabi mo? Wala tayong paghahanda, ang harapin siya ngayon ay maaaring kamatayan ang kalalabasan. Pwede bang gamitin mo kahit minsan iyang utak mo?"

下一章