webnovel

Ang Pinakamalaki Niyang Pusta

編輯: LiberReverieGroup

"Dahil wala na kaming ibang pagpipilian, bakit hindi tayo gumawa ng malaking pusta? Siyempre, kung ang duda namin ay mali, handa kaming harapin ang mga konsikuwensiya," masiglang sambit ni Xinghe at nagawa niyang mapahanga ang presidente.

Kung noong una ay walang tiwala sa kanya si Chui Qian, napahanga na siya nito ngayon. Ito ay hindi dahil iisang babae ang nangahas na ipakita ang kumpiyansa nito sa sarili. Ang paraan ng pagdadala niya sa sarili niya ay sapat na para mapahanga ang kahit na sino.

"Talagang kakaiba si Miss Xia, pero ano ang plano mo para mapaniwala ako? Isa pa, hindi ko maipapangako sa iyo ang kahit na ano, kaya paano ka maniniwala sa akin?"

Mahinang tumawa si Xinghe. "Walang saysay na pagdudahan ang iyong kakampi. Isa pa, tulad ng sinabi ko, hindi ako natatakot na mabigo. Tungkol sa kung dapat mo kaming pagkatiwalaan, malaya kang bantayan ang aming mga galaw. Makakapagpasya ka na kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagtulungan sa amin o hindi matapos ang ilan pang konsiderasyon. Ngayon, hindi ko na iistorbohin pa ang pamamahinga mo, magandang gabi."

Ibinaba na ni Xinghe ang tawag pagkatapos nito. Pagkatapos ay lumingon siya para makita ang nag-uusisang hitsura ni Mubai. Tila may gusto itong sabihin sa kanya.

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Xinghe, "Ano ang naiisip mo?'

Malakas na tumawa si Mubai. "Gusto ko lamagn sabihin na napakatapang mo. Hindi ka ba natatakot na si Chui Qian at ang He Lan family ay magkasabwat at inilantad mo ang sarili mo? Hindi ka ba natatakot na magpapadala ang He Lan family ng mga assassin laban sa iyo?"

Tumango si Xinghe. "Kung tatapatin kita, natatakot nga ako."

Itinaas ng lalaki ang kanyang kilay. "Kung gayon ay paano ka nangahas na maging direkta?"

Ang malinaw na mga mata ni Xinghe ay tumingin sa kanya at sinabi, "Paano ko makukuha ang anumang oportunidad kung hindi ako didirekta? Hindi ko na gustong maghintay pa. Kung magiging kabiguan o tagumpay man ito, hanggang may progreso, masisiyahan na ako dahil ang pagdadala ng pagbabago sa laro ay siya lamang magdadala ng panibagong bukas at ng tayo ay makakilos na."

Nangulit si Mubai. "Paano kung wala nang bagong bukas?"

Tumawa si Xinghe. "Paano iyon magiging posible? Kahit na walang panibagong butas dito, hanggang hindi pa nawawala ang buhay ko sa bansang ito, marami akong bagay na magagawa matapos nating bumalik sa Hwa Xia."

Hindi mapigilan ni Mubai na hindi matawa kasabay nito. Ginulo nito ang kanyang buhok at tinapik siya ng bahagya. "Tama ka, marami pa tayong rutang pwedeng atrasan, kaya walang mangyayari sa iyo, gawin mo ang gusto mo, magdala ka pa ng malaking bagyo kung gusto mo."

Hanggang nabubuhay siya, hindi siya makakapayag na may masamang mangyari sa kanya. Nakita ni Xinghe ang mga iniisip nito pero hindi niya sinabi dito na hanggang nabubuhay siya, hindi siya papayag na may masama ding mangyari dito.

Isa pa, hindi siya nangsisimula ng digmaan na hindi niya maipapanalo. Nangahas siyang maglantad at maging diretsahan dahil naghanda siya ng husto. Ang isa sa kanyang pinakamalaking alas ay si He Bin.

Gayunpaman, ito rin ang pinakamalaki niyang banta dahil si He Bin ay isang bagay na hindi niya magagawang kontrolin. Wala nang oras si Xinghe para magbagal, matapos niyang makontak si Chui Qian, mabilis siyang kumilos para tingnan si He Bin.

Matapos nilang dumating sa airport, si He Bin ay dinala na ng kapulisan ng Country R. Gayunpaman, matapos ang paghahanap, napagtanto niya na misteryoso itong pinakawalan at ineskortan ng isang misteryosong partido. Hindi na kailangan pang sabihin na ang misteryosong partido na ito ay ang He Lan family.

Sa sandaling nakalulan si He Bin sa kotse, ang tsuper ay nagtanong dito ng pabulong, "Ayos ka lamang ba?"

"Ayos lang ako," mahinang sagot ni He Bin.

Nagpatuloy ang tsuper, "Nag-aalala ang old master tungkol sa iyo, kaya naman pinapunta niya ako para personal na sunduin ka. Gusto niyang sabihin ko sa iyo na huwag kang mag-alala, aayusin niya ang lahat."

Nasorpresa si He Bin; ito ang unang beses na naramdaman niya ang pag-aalala ni He Lan Chang. Inisip niya na ang ama niya ay hindi kailanman magpapakita ng pag-aalala sa kanya sa buhay niyang ito…

Bigla, nakahinga ng maluwag si He Bin dahil tama ang pinili niyang desisyon. Kumampi siya sa He Lan family at hindi sila inilaglag.

下一章