webnovel

Malagim na Balita

編輯: LiberReverieGroup

Tuwang-tuwa si Elder Shen nang makita niya ang 3D model.

"Anak ko iyan, ayan na siya!" Itinuro ni Elder Shen ang modelo at napapalatak. Naguluhan si Xinghe, paano siya nakakasiguro?

SInagot ni Madam Presidente ang kalituhan niya ng may ngiti. "Xinghe, ang nanay mo ay kamukhang-kamukha ng tiyahin ko."

"Tila ba iisang tao sila!" Kaparehong sabik na sinabi ni Old Madam Shen.

Masayang tumawa si Elder Shen. "Hindi na nakakapagtaka ang kasabihan nila na ang pamangkin ay nagmamana sa kanyang tiyahin. Wala na akong dapat pang ipagduda ngayong nakita ko na ang hitsura ng iyong ina. Totoo nga, ang iyong ina ay isang Shen!"

Pareho nang tinanggap nina Madam Presidente at Old Madam Shen ang balitang ito. Ito ay dahil kahawig talaga ng ina ni Xinghe ang kapatid na babae ni Elder Shen noong ito ay bata pa. Naresolbahan nito ang isa sa mga bagay na ikinalilito ni Xinghe dahil ang kanyang ina ay walang kamukha sa Shen family na kilala niya. Iyon pala, ang kamukha ng kanyang ina ay ang tiyahin nito.

"Maaari mo bang i-print ito para sa akin?" Tanong ni Old Madam Shen sa isang tono na tila nagmamakaawa. Wala silang kahit anong larawan ng ina ni Xinghe. Gayunpaman, tinanggihan ni Xinghe ang tila maliit na pakiusap na ito.

"Hindi ngayon dahil maaaring magdulot ito sa kanya ng pisikal na panganib," paliwanag niya sa mahinang tinig.

Nabigla si Elder Shen. "Bakit?"

Tumingin si XInghe sa kanila at nabuo ang desisyon sa kanyang puso. Nagpasya siya na sabihin na sa kanila ang lahat ng alam niya tungkol sa Project Galaxy!

Sa kaparehong oras, si Chui Ying ay nasa telepono kausap si He Lan Qi.

"Qi, pumalpak ang plano. Gusto mong sirain ko ang Shen family at masira ang pangalan nila, pero pumalpak ang plano," balita sa kanya ni Chui Ying sa tinig na puno ng kabiguan.

Hindi nagpakita ng kahit anong senyales ng galit si He Lan Qi. Ang tono nito ay nakakaintindi pa rin tulad ng dati, pero may mababanaag na pagbaba sa temperatura nang nagsalita itong muli sa kanya, "Bakit ito pumalpak?"

Inilahad sa kanya ni Chui Ying ang sitwasyon. "Sa una ay plano kong gamitin ang away ni Shen Ru at Tong Yan kay Xia Xinghe para sirain ang pangalan ng Shen family at hayaang mawala ang reputasyon ng Old Man Shen, pero ang babae ay lumabas palang bayolohikal niyang apo, kaya naman talagang nasira nito ang plano ko."

"Ano ang sinabi mo?" Ang tono ni He Lan Qi ay biglang naging malamig. "Si Xia Xinghe ang bayolohikal na apo ng matandang hukluban na iyon?"

"Tama iyon. Pumunta pa nga siya na may dalang DNA report, kaya naman mukhang hindi ito nagsisinungaling."

"Sino ang kanyang ina kung ganoon? Ang Madam Presidente ng Hwa Xia?" Walang katiyakang tanong ni He Lan.

Tumawa ng kaunti si Chui Ying. "Paano iyon naging posible? Natural ay siya ang anak ng isa pang anak ni Old Man Shen."

Natigilan si He Lan Qi sa balitang ito. Si Xia Xinghe ay… ang anak ng ikalawang Shen Miss, paano iyon naging posile?! Wala ni isa mula sa ampunang iyon ang dapat na makita sa mundong ito, kaya paanong ang isa sa kanila ay nanganak ng isang anak na babae?

Isa itong malagim na balita para kay He Lan Qi.

Seryoso niyang iniutos, "Mula sa ngayon, sundan mo ang bawat galaw ni Xia Xinghe, tandaan mong ibalita ito sa akin araw-araw."

"Okay, naiintindihan ko. Pero kailan ako pwedeng bumalik? Nami-miss na kita ng husto," hindi maiwasan ni Chui Ying na humingi ng kaunting atensiyon.

Nang-aakit na tumawa si He Lan Qi. "Matapos ang ilang araw, pagkatapos kong maayos ang lahat ng naririto, maaari ka nang bumalik."

"Okay, pero bakit bigla kang naging interesado sa mga nangyayari sa Shen family?" Tanong ni Chui Ying.

"Isa itong sikreto na hindi ko maaaring ibunyag pa sa iyo."

"Naiintindihan ko. Kailangan mong maintindihan na susundin ko ang mga inuutos mo dahil napaibig mo na ako ng husto…" matamis na pag-amin ni Chui Ying mula sa kabilang linya ng telepono, pero hindi na nakikinig si He Lan Qi.

下一章