webnovel

Paghahanap kay Xia Meng

編輯: LiberReverieGroup

Habang nagpapagaling siya, ginugol ni Xinghe ang bawat oras na gising siya na umisip ng paraan kung paano lalabanan ang Lin family.

Pinasadahan niya ang lahat ng impormasyong nakalap tungkol sa Lin family; kinutuban siya sa data ni Lin Xuan dahil napakasimple nito. Lumaki ito sa isang normal na paraan, nag-aral, at nagtrabaho sa ibang bansa…

Ang buhay nito ay kahalintulad sa milyong normal na tao. Ang biograpiya nito ay masyadong maayos at direkta, na sa sobrang direkta at pagkakaayos ay nakakaduda dahil mayroon bang isang tao na katulad ng kanyang katauhan ay magdadala ng maliit na bomba at patayin ang kanyang pinsan ng hindi man lamang kumukurap?

Kaya naman, mayroon pang mas malalim na katauhan ito sa ibabaw ng hindi nakakahangang katauhan nito!

Kahit ano pa ito, kung si Xinghe ang nasa kaso niya, ay hindi magtatagal at mabubunyag din siya!

Isang buwan ang lumipas. Halos magaling na si Xinghe. Ganoon pa din si Mubai tulad ng dati. Ang kanilang pag-asa ay nagbago mula sa paggaling nito mula sa kanyang mga kondisyon patungo sa pananatili at hindi paglala ng kondisyon nito.

Sa loob ng isang buwang ito, maliban sa pagsasaliksik sa Lin family, ay binisita din ni Xinghe si Xia Meng. Ito ang unang beses na nagkita sila matapos na naisauli na ang kanilang mga katauhan.

Gayunpaman, ang kasalukuyang Xia Meng ay hindi na ang dating Xia Meng. Mayroon na siyang bagong katauhan at bagong pangalan, siya na ngayon si Liu Xiaoxiao.

Ito ang pangalan ng kanyang host. Isa siyang ulila na wala nang aasahan pa sa kanya. Sa madaling salita, si Xiaoxiao ay isang karaniwang dalaga na nabubuhay sa laylayan ng lipunan. Matapos na maging siya si Xia Meng, hindi niya ginamit ni isang sentimo ng malaking pera na ibinigay sa kanya ni Mubai.

Nang mahanap ni Xinghe si Xia Meng, nagtatrabaho ito sa isang restawran. Ang kanyang trabaho ay isang waitress na tumutulong sa mga customer na makuha ang kanilang mga order at maglinis. Matrabaho ito ngunit nasisiyahan siya sa kanyang trabaho.

Naghintay ng kalahating oras si Xinghe bago nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga sa oras ni Xia Meng.

Naupo sa tapat ni Xinghe si Xia Meng at ninenerbiyos na nagtanong, "May kailangan ka ba sa akin?"

Kahit gaano pa katagal, natatakot at nakakaramdam pa din ito ng hiya kay Xinghe.

Katulad pa din ng dati si Xinghe. Direkta siyang nagtanong, "Hindi ba't binigyan ka ni Mubai ng malaking halaga ng pera?"

Nahihiyang tumango si Xia Meng. "Ginawa nga ni Mr. Xi iyon, pero hindi ko pa ginagamit."

"Bakit hindi?"

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Xia Meng na ang Xinghe sa kanyang harapan ay mas lalong tumahimik. Tila ba nawawala na sa kalikasan si Xinghe, tulad ng isang madre na nakita na ang mundo at wala nang pakialam pa dito.

Kaya naman, alam ni Xia Meng na paggalang lamang ito. Pero kahit pa ganito ay sumagot siya ng matapat, "Dahil gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na magbago. Nalaman ko na masyado akong naive at masyadong umaasa sa iba na nagdulot sa akin na makagawa ng mga maling desisyon sa nauna kong buhay. Matagal at mahaba kong pinag-isipan ito; kung makakatayo ako sa sarili kong mga paa, naniniwala ako na magiging iba ang buhay ko. Kaya naman, ayokong gamitin ang pera ni Mr. Xi; gusto kong lumaban sa buhay ko gamit ang sarili kong lakas…" masayang patuloy ni Xia Meng, "Matapos ang ilan pang buwan ng pagtatrabaho, may sapat na akong naipon para magbalik sa paaralan. Bibigyan ko ang sarili ko ng bagong panimula gamit ang bagong katauhan."

"Binabati kita," ito na lamang ang nasabi ni Xinghe. Bahagyang namula si Xia Meng bago nagtanong muli, "Kung ganoon ay bakit mo ako hinahanap?"

"Gusto kong mahanap ang iyong ama." Sa wakas ay sinabi na ni Xinghe ang layunin niya.

Nasorpresa si Xia Meng. "Ang ama ko? Bakit mo naman gustong mahanap siya, ito ba ay dahil sa mga memory cells?"

"Ang medical skills niya ay napakahusay, hindi ba?"

下一章