webnovel

Nagtaksil si Mr. Xi sa Kanya

編輯: LiberReverieGroup

Sino ang mag-aakala, na sa mga nakaraang buwan, ang kanilang interaksyon ay magiging palagian. Habang nakahiga sa dilim, hinayaan ni Xinghe na maglakbay ang kanyang isip.

Kung hindi niya nakita ito at si Tianxin ilang buwan na ang nakakaraan, nagtataka siya kung paano na ang nangyari sa kanyang buhay. Hindi niya mababawi ang kaniyang alaala at wala na ding kinalaman ito sa kanya…

Pero, kung hindi nawala ang kanyang alaala maraming taon na ang nakalipas, hindi din niya ito papakasalan sa una pa lamang. Marahil ang lahat ay nakasulat na sa mga bituin. Nagdesisyon si Xinghe na hayaan ang relasyong ito sa kapalaran, dahil hindi naman niya maaaring hawakan ito ng sarili niya, hahayaan niyang ang lahat ay mabagal na mangyari.

Ngayong buo na ang kanyang desisyon, nilinis na ni Xinghe ang kanyang kaisipan at unti-unting natulog na.

Nang makatulog na ito, mabagal na iminulat ni Mubai ang kanyang mga mata. Tumagilid siya at pinagmasdan ang hitsura ni Xinghe. Hindi niya gustong makita ang sarili na nag-iisa sa kama matapos niyang magising kaya naman sinigurado niyang talagang natulog na si Xinghe at hindi umalis nang gabing iyon, sa wakas ay nakapag-relax na siya na siyang sapat para makatulog siya…

Sa labas ay sumisikat na ang araw.

Nagsisimula nang magising ang lahat. Hindi sinasadyang nagdesisyon ang mga ito na magtipon sa computer room. Nang dumating na sila, nakita na nilang nagtatrabaho ng husto si Xinghe.

Si Ali ang unang rumesponde. "Xinghe, hindi ka natulog?"

"Dapat ay natulog ka!" Masuyo siyang pinagalitan ni Sam.

"Miss Xia, ang totoo hindi mo naman kailangang magmadali ng husto ng ganito…" lumapit si Philip para payuhan siya pero habang lumalapit ito, biglang ipinasa sa kanya ni Xinghe ang isang bungkos ng mga dokumento.

"Ang lokasyon ng pinakakuta ng IV Syndicate ay natagpuan na. Ito ang address, maaari mo nang utusan ang mga tauhan mo para tingnan ito ngayon."

Nagulat si Philip. "Nahanap mo na ito>" mabilis siyang nakabawi at masayang tinanggap ang mga dokumento. "Hindi ko inisip na mabilis mo itong mahahanap."

"Ang totoo, nahanap ko na ang lokasyon ng kanilang server kagabi pero hindi ang pisikal na lokasyon dahil umidlip ako ng ilang oras."

"Huwag kang mag-alala, kailangan mong magpahinga din. Salamat sa tulong mo, uutusan ko na ang mga tauhan ko na mag-follow-up dito. Perpekto ito, ibig sabihin ay maaari ko nang ibigay ang papel ng pagkandidato ko ngayon," tumingin si Philip kay Xinghe, punung-puno ng pagpapasalamat.

Matapos nito, ay tumalikod na ito para umalis. Sa oras na iyon, nakita niya si Mubai na nakatayo sa may pintuan. Nang dumaan si Philip sa tapat nito, tinapik niya si Mubai sa balikat at nagkomento, "Ang binibini mo ay talagang kakaiba."

Nagmamalaking ngumiti si Mubai.

"Pero, bakit ka ba niya diniborsyo?" Tanong ni Philip nang may nagtatakang hitsura.

"..." Sa loob ay nagrereklamo si Mubai dito, Kailangan mo pa talagang ungkatin iyan dito?

"Ano, diborsyado na kayong dalawa? Ibig sabihin nito ay dati kayong kasal sa isa't isa?!" Nanlalaki ang mga mata ni Ali sa pagkabigla. Sina Sam at ang iba pa ay ganoon din. Kasal ang mga ito sa isa't isa, paanong wala silang palatandaan dito?!

Si Philip na nakakaalam ng kalahati ng istorya ay nagpaliwanag alang-alang kay Mubai, pero lalo lamang nitong pinalala ito, "Well, ang isang lalaki ay talagang makakagawa ng ilang pagkakamali dito at doon. Ang diborsyo ay hindi naman isang bagay na malaki, ang importanteng bagay ay alam na niya kung saan siya nagkamali."

Si Ali na isang babae ay naunawaan ang ipinapahiwatig ni Philip, "Sa madaling salita, nagtaksil si Mr. Xi kay Xinghe?!"

Tila ba may hudyat, ang mga lalaki ay sabay-sabay na pinandilatan si Mubai.

"Paano mong nagawa na magtaksil sa isang taong tulad ni Xinghe matapos mo siyang pakasalan?" Galit si Sam. Ang lalaking ito ay hindi talaga mabuti tulad ng kanyang iniisip. "Ali, ito ba ang sinasabi mong mabuting lalaki?" Galit na baling ni Sam kay Ali.

Si Ali, Wolf, at Cairn ay agad na tiningnan ng may pagkadisgusto si Mubai. Pakiramdam ni Ali ay pinagtaksilan siya ng husto dahil siya ang pinakasumusuporta kay Xinghe na makipagbalikan kay Mubai. Binigo siya nito ng husto!

Muli ay sumabad si Philip para magpaliwanag, "Nakaraan na iyon, bumabawi na naman si Mubai sa ngayon, hindi ba?"

"Walang makakaisip na pipi ka kung hindi ka magsasalita," biglang sabad ni Mubai dito, at matiim niyang pinandilatan si Philip. "Hindi ba't sinabi mong may ihahanda ka pa? Bakit naririto ka pa?"

下一章