"..."
"May perpektong pagkakataon ka na makaganti pero alas, ang buong pamilya mo ay pinili ang kamatayan…" nagpatuloy si Saohuang habang napadako ang kanyang tingin kay Xinghe. Ang ibig nitong sabihin ay agad na naintindihan. Sa pagpili na tulungan si Xinghe, mas pinili ng Xi family ang kamatayan. Kung pinili ng Xi family na putulin ang kaugnayan sa kanya ay malaki ang kasiguraduhan na makakaligtas sila dito ng walang nasasaktan. Gayunpaman, hindi nila ito ginawa at hindi masabi ni Saohuang na hindi niya napapahulugan ito.
Lalong lumaki ang ngiti nito. "Gayunpaman, kailangan kong sabihin, na napahanga ako ng Xi family, na isinakripisyo ang lahat para lamang iligtas ang isang babae. Napakadalang nito, hindi mo ba ramdam ang karangalang ito, Miss Xia?"
Malamig siyang tinitigan ni Xinghe at ang malinaw niyang boses ay pumainlang, "Isang karangalan na may taong magsasakripisyo ng malaki para lamang i-frame ako, iyon ang totoo."
"Kakaiba si Miss Xia kaya naman karapat-dapat lamang na tamasahin mo ang karangalang ibinibigay sa iyo ng iba," sagot ni Saohuang ng may bahagyang ngiti.
"Sinisigurado ko sa iyo, susuklian ko ang ilang tao ng kapantay na pagkilala."
"Oh, ano naman kaya iyon?" Tanong ni Saohuang ng walang pakialam. Mula sa kanyang pananaw, sina Xinghe at ang Xi family ay nasa bibitayin na. Ang lahat sa kanila ay mga talunan, hindi siya natatakot sa mga ito.
Malamig na sumagot si Xinghe, "Hindi nagtatagal ay malalaman mo din. Hindi man ito agad-agad pero siguradong darating din ito."
Biglang tumawa si Saohuang. "Miss Xia, alam mo ba? Hinahangaan ko ang paraan ng pagsasalita mo dahil hindi nito hinahayaan ang ibang tao na maliitin ka."
"Tama iyon pero ang nakakalungkot, masyado mo akong minamaliit." Tinapunan siya ni Xinghe ng huling tingin bago sumakay ng kotse. Tapos na siyang makipag-usap dito. Hindi siya ang isang tao na mahilig makipagpalitan ng salita sa kanyang mga kaaway. Para sa kanya, mas matimbang ang gawa kaysa sa salita at ang isang sampal sa mukha ay mas matimbang pa sa isang libong salita!
Payag siyang bigyan ng sandaliang karangalan si Saohuang pero hindi magtatagal at ang katapusan nito ay matutulad sa lahat ng kumalaban sa kanya dati. Nawalan na din ng interes pa si Munan na makipagpalitan pa ng salita kay Saohuang, kaya naman sumakay na din siya ng kotse.
"Umalis na tayo," utos niya sa tsuper at mabilis na umalis ang kotse. Pinanood ni Saohuang ang papaalis nilang kotse at ang mga mata nito ay punung-puno ng kalupitan at pagkasuklam.
…
"Gusto kong makausap si Mubai," sabi ni Xinghe kay Munan.
Nasorpresa si Munan. "Si Kuya? Siguro ay hindi mo siya makakausap ngayon."
"Bakit?"
"Pabalik na siya, kaya marahil ay nasa eroplano siya ngayon," Kahit na sa oras na ganito, ginagawa ni Munan na ilakad ang kuya niya. "Nalaman niya ang nangyari sa iyo kaya naman nagmamadali siyang bumalik sa lalong madaling panahon pero may kalayuan siya kaya naman natagalan siyang makabalik bago siya makarating dito."
Bahagyang kumislap ang mga mata ni Xinghe at ipinilig ang kanyang ulo. "Hindi na sana siya bumalik muna…"
"Hindi maiwasan ni kuya na hindi mag-alala tungkol sa iyo. Big Sister Xia, huwag kang mag-alala, matapos makauwi ni kuya, pananatilihin namin ang kaligtasan mo."
"Pero nag-aalala ako na madadamay ang pamilya mo sa pamamamagitan ng pagkampi ninyo sa akin."
Tumawa si Munan. "Ano ba ang sinasabi mo, nandito ka sa gulong ito dahil sa amin. Big Sister Xia, hindi man pinakamalinis ang aming pamilya pagdating sa moralidad pero hindi kami kasuklam-suklam para gamitin ka bilang sangkalan. Ang lahat ng ito ay nagsimula dahil sa aming Xi family kaya naman gagawin namin ang lahat para mapanatili ang kaligtasan mo. Huwag kang mag-alala sa amin, kung may panahon pa ay may paraan pa kami para mapigilan ito."
Ang ibig sabihin ba nito ay handa akong ipaglaban ng Xi family hanggang sa huli? Alam kong madadamay din ang kabuayan nila, pero kung iiwanan nila ako ay may mas malaking pagkakataon na makakaligtas sila. Bakit nila ako pipiliin? Talaga bang sulit itong lahat?