webnovel

Mayroon Akong Gustong Sabihin

編輯: LiberReverieGroup

"Kung set-up man ito ay hindi ay wala na akong pakialam. Narito lamang ako para ipatupad ang batas; maaari ninyong dalhin ang inyong pagtutol sa hukom ng hukumang militar. Men, hulihin ngayon din si Xi Mubai!"

"Gusto kong makita kung sino ang nangangahas na gawin iyan!" Malakas na hiyaw ni Lolo Xi sa sandaling natapos mag-utos ni Saohuang. Mayroon pa din itong malaharing presensiya, ang isang sigaw na ito ang nagpatigil sa lahat ng tauhan ni Saohuang.

Lumakad ng dalawang hakbang na maawtoridad si Lolo Xi at masungit na pinandilatan si Saohuang. "Dahil lang sa lumantad ang mga armas militar sa aming mga pier, nangangahulungan na agad na sa aming Xi family ito? Marahil ay may naglagay ng mga ito doon para i-frame ang aming Xi family!"

Siyempre, naintindihan agad ni Saohuang ang lihim na pakahulugan ni Lolo Xi; ang tinutukoy nito ay siya mismo. Pero paano kung siya talaga ang may gawa nito? Wala namang magagawa laban sa kanya ang Xi family.

Mayabang na tumawa si Saohuang. "Elder Xi, sinabi ko na sa iyo kanina, kung set-up man ito o hindi ay wala na akong pakialam. Ginagawa ko ang lahat ayon sa batas o intensyon mo ba na pigilan ang hustisya?!"

Ang marahas at direktang tanong niya ay nagpagalit ng husto kay Lolo Xi.

Hindi natatakot si Saohuang dito. Ang mga mata nito ay nagbabaga sa matinding galit. "Kung gusto kami talagang pigilan ni Elder Xi, walang kaso sa akin na hulihin ka din!"

"Feng Saohuang, sumosobra ka na!" Humakbang sa harap ni Lolo Xi si Jiangnian para maging panangga nito. "Ang Xi family namin ay hindi lugar para maghari-harian ka dito!"

"Ginagamit ba ni General Xi ang kanyang ranggo sa akin?" Nagdagdag ng isa pang kaso si Saohuang sa kanilang pangalan. Maaaring may mas mataas na ranggo si Jiangnian kaysa kay Saohuang pero nasa panig ni Saohuang ang batas; walang sinuman ang makakapigil sa kanya. May matibay na ebidensiya si Saohuang para panindigan ang kanyang kayabangan.

Tinapunan niya ng malamig na tingin ang buong Xi family at walang awang sinabi, "Nasa aking mga kamay ang mga kriminal na gawain ni Xi Mubai at nasa akin ang lahat ng karapatan na ibinigay ng batas ng bansang ito para hulihin siya. Sino sa inyong mga Xi ang nangangahas na magkaroon ng anumang opinyon? Sino ang nangangahas na makipagtalo sa batas?!"

"Ikaw…" galit na galit si Jiangnian pero nakatali ang kanilang mga kamay. Maaari nilang maimpluwensiyahan ang mga bagay sa dilim pero ang sinasabing ebidensiya na ito ay dapat mailantad at hindi nila pupwedeng hayagang suwayin ang batas. Ang ibig sabihin nito ay wala silang magagawa kundi tumayo lamang at panoorin na dakpin nila si Xi Mubai. Gayunpaman, kung parehong nahuli sina Munan at Mubai, ay talagang nangangahulugan ito ng pagbagsak ng Xi family.

"Perpekto, dahil mayroon nga akong opinyon!" Bigla, ang maliwanag na boses ni Xinghe ay umalingawngaw sa loob ng silid.

Ang lahat ay nagulat at bumaling sa kanya ng agad-agad—

Sinalubong ni Saohuang ang kanyang tingin at nasorpresa siya. Ang matalim na tingin na ito… ay masyadong pamilyar…

"Mayroon kang opinyon?" Magalang na tanong ni Saohuang pero ang mga mata niya ay puno ng pagbabanta. Pero habang kaharap ito, wala man lamang bahid ng takot kay Xinghe.

"Tama iyon, narinig mo ako ng tama." Ginantihan siya ni Xinghe ng kaparehong masamang titig at diniinan ang kanyang mga salita isa-isa.

Tumayo si Mubai sa tabi ni Xinghe at tinitigan si Saohuang na tila isa itong patay na tao. "Feng Saohuang, ang totoo niyan ay may malakas na opinyon ako tungkol sa pagnanais mo na hulihin ako."

Tumawa ng malakas si Saohuang habang lumalamig ang mga mata nito. "Isa kang kriminal at isa lamang siyang babae. Sa kasamaang-palad, kailangan ay mas kwalipikado ka pa para magkaroon ng opinyon."

"Tingnan mo muna ang sarili mo bago mo punahin ang iba," sagot ni Xinghe ng may ngiti, "Dahil hindi ko nakikita kung paano ka naging kwalipikado para sumugod dito at manghuli ng mga tao."

Naningkit ng may babala ang mga mata ni Saohuang. "Sinabi mo na hindi ako kwalipikado."

"Tama, hindi nga," walang emosyong sagot ni Xinghe na tila wala itong halaga na dapat seryosohin.

下一章