webnovel

Paghihiganti

編輯: LiberReverieGroup

Pinili ni Wushuang na magtiwala kay Chui Ming.

Pero, ano pa ba ang mga pagpipilian niya?

Isa pa, hindi siya nag-aalala na iiwanan siya ni Chui Ming dahil kung hindi, irereport niya ito sa Interpol.

Para sa mas magandang kinabukasan, nagdesisyon si Wushuang na sundan si Chui Ming palabas ng bansa at iwanan ang kanyang ina.

Naniniwala siya na ang bagong simulain ay posible.

Pero, minaliit niya ang kalupitan ni Chui Ming.

Hindi ito nagsisinungaling ng sabihin nito sa kanya na kailangan nitong humanap ng papatay kay Xia Xinghe, pero hindi nito sinabi ang importanteng detalye na nasa listahan din siya ng ipapapatay nito.

Habang nagmamadaling nagmamaneho si Wushuang patungo sa airport, hindi niya napansin na sumusunod sa kanya ang isang van.

Nang mapansin niya na tila may mali, binunggo na siya ng malakas ng van mula sa likuran. Napasigaw sa takot si Wushuang at lumipad pasulong ang kanyang kotse!

Nakaisip ng dalawang plano noong nakaraang gabi si Chui Ming, ang pagpipilian lamang ay nakadepende sa pagsisikap ni Wushuang na tapusin si Xia Xinghe. Kung matagumpay ang plano nito, tatanggapin siyang muli ni Chui Ming dahil ipinakita nito na may silbi ito.

Kung hindi, ang plano niya ay iwanan ang lahat at tumakas.

Naplano na niya ang rutang gagamitin sa pagtakas, at ang tanging kailangan niya ay ang kayamanan na nasa kamay ni Wushuang…

Matapos niyang lokohin si Wushuang, nagsimula ng mag-empake si Chui Ming. Isasara na lamang niya ang pintuan ng kanyang kotse ng isang itim na kotse ang huminto sa harapan niya at hinarangan ang dadaanan niya.

Bumaba si Xiao Mo mula rito. Kasunod nito ay dalawang bodyguards at ang lalaki na nasa kustodiya ng mga ito.

Ang lalaki ay isa sa tatlong pumasok sa bahay ni Xinghe.

Kaya natural na makilala ni Chui Ming ang lalaki.

Alam na niya sa sandaling pumasok si Wushuang at makita ang talunang anyo nito na maski ang plano niyang pagpatay ay pumalya pero nabigla pa rin siya na makumpirma ito ng gamit ang sarili niyang mga mata.

Akala niya ay perpekto na ang kanyang plano; hindi niya maintindihan kung bakit ito pumalpak.

Ngunit, kahit na makikita na ang pagkatalo sa kanyang mukha, hindi man lamang siya natinag.

Habang sinasalubong ang tingin ni Xiao Mo na puno ng pagkasuklam, tumawa siya. "Ano'ng problema? Mukhang hindi ka pumarito ng may magandang intensyon."

Tama si Chui Ming. Naroroon nga si Xiao Mo hindi para makipag-inuman ng tsaa at kumain ng biskwit kasama nito.

"Tama ka, Chui Ming. Naririto ako ngayon para singilin ang mga debt of blood mo!" Sabi ni Xiao Mo ng may nakakatakot na ngiti.

"Debt of blood?" Patuyang sagot ni Chui Ming, "Masyado ka namang bilib sa sarili mo. Sa anong dahilan ka naririto para angkinin iyon?"

Kinutya siya ni Xiao Mo. "Sa dahilang pagtatangkang pagpatay! Chui Ming, ang pusta ko ay hindi mo ito inaasahan. Ang plano mo ay pumalpak at ang mga tauhan mo ay sinabi na ang lahat sa pulis. Darating na sila dito mamaya, pero bago iyon, gusto kong personal na bumawi sa iyo."

Naningkit ang mga mata ni Chui Ming kay Xiao Mo. Naghamon siya, "At paano mo gustong gawin iyon?"

"Syempre, ito ay gawing impyerno ang buhay mo!" Sigaw ni Xiao Mo habang sumusugod ito kay Chui Ming.

Inilabas ni Chui Ming ang isang baril na itinago nito sa loob ng damit nito at nagpaputok—

Hindi man lang natinag si Xiao Mo o umilag. Tumama ang bala sa kanyang balikat at malakas niyang binangga si Chui Ming!

Tila ba wala siyang nararamdamang sakit, hindi man lang ito natinag ng tama ng bala. Pumaimbabaw siya kay Chui Ming at sinuntok ang mukha ni Chui Ming!

"F*ck…" malakas na pagmumura ni Chui Ming. Hindi niya inaasahan na walang kinatatakutan si Xiao Mo.

Nagpupumiglas siya para paputukan itong muli pero ang kanyang braso na may hawak na baril ay dinaganan ni Xiao Mo. Dumaloy ang poot kay Xiao Mo habang pinauulanan niya ng suntok ang mukha ni Chui Ming.

Bang!

Matapos ang isang malakas na suntok, nagsimula ng lumabo ang paningin ni Chui Ming.

Bang!

下一章