webnovel

ANG PANGALAN AY XIA XINGHE

編輯: LiberReverieGroup

Tao din ang mga security guards, nararapat na sila ay respetuhin din tulad ng pagrespeto sa mga manggagawang lalaki at babae. Masasabing hindi sila natuwa sa ipinakitang asal sa kanila ni Wu Rong.

"Mrs. Xia, bago ho kami kumilos, kailangan ho naming mapatunayan kung sino ang nasa tama at nasa mali. Saka kayo na ho ang nagsabi – bilang legal at tunay na may-ari, wala kayong dapat ipag-alala. Buksan ninyo ang case para patunayan na kayo ang tunay na nagmamay-ari ng villa at sasamahan na naming palabas si Ms. Xia."

"Tama ho iyon. Kung kayo ho talaga ang tunay na may-ari, bakit hindi ninyo buksan ang case?"

"Ikaw…" gigil na gigil na si Wu Rong. Kung alam lang niyang walang silbi ang security, hindi na sana niya ito ipinatawag pa.

Pero paano nga pala niya malalaman na ang namayapang si Xia Chengwen ay may lihim na taguan sa bahay?

Isa lamang itong property certificate. Bakit kailangan pa niya itong itago sa sikretong lokasyon?

Hindi ito sikreto ng bansa!

Kahit sobra na ang galit ni Wu Rong, hindi niya pupwedeng hayaan na mabuksan ni Xinghe ang case. Wala siyang alam kung ano ang laman niyon pero kung iyon nga ang property certificate mahihirapan siyang ipaglaban ang kaso.

"Xinghe, ikaw na buwisit ka! Hindi ka pinalaki ng maayos ng ama mo kaya tutulungan ko siyang turuan ka ng leksyon ngayon!"", Itinaas na ni Wu Rong ang kanyang mga braso. Gusto niyang bigyan ng malakas na sampal si Xinghe para matumba ito at mapahiga sa sahig. Nang sa ganoon ay makuha niya ang lagayan kapag natumba na ang babae.

Sino ang mag-aakala na mas mabilis si Xinghe sa kanya at sinipa siya sa kanyang tuhod.

Sumisigaw na natumba si Wu Rong.

Aakalain mong mahina ang sipa ni Xinghe pero halos mabasag nito ang tuhod ni Wu Rong.

Nakalimutan niyang dati ay kumuha ng karate classes si Xinghe noong ito ay bata pa.

"Xia Xinghe, buwisit ka! Ang kapal ng mukha mong sipain ako!" masamang tinitigan ni Wu Rong si Xinghe pero natigilan ito ng makitang binubuksan ni Xinghe ang lagayan.

Mula doon ay nakuha nito ang isang pula at maliit na aklat. Nakalimbag doon ang mga salitang Property's Certificate of Ownership.

Hindi na mapalagay si Wu Rong at nawala ang galit nito sa nakita.

Ang laman nga ng lalagyan na iyon… ay ang certificate.

Ibinaba ni Xinghe ang lagayan at binuksan ang libro para makita ng dalawang security. "Tingnan ninyo ang pangalang nakasulat dito, ang may-ari ay ako, si Xia Xinghe."

Tinitigan ng malapitan ng dalawa ang libro. Hindi nagsisinungaling si Xinghe.

"Peke iyan!" nagmamadaling tumayo si Wu Rong at akmang aagawin kay Xinghe ang papeles pero tulad ng dati, naiwasan na naman siya ni Xinghe. Pinigilan ni Xinghe ang sarili na huwag bigyan na isa pang sipa sa tuhod ang babaeng iyon.

"Wu Rong, ang sabi mo ay peke ito kaya bakit hindi mo ilabas ang tunay? Hahayaan nating ang mga pulis ang magsuri ng katunayan nito."

"Hindi ako papaya na linlangin mo akong ilabas ang tunay na papeles," nangangalit ang mga bagang na sawata ni Wu ROng. Naniniwala siya na hanggang itinatanggi niya ang katunayan ng papeles na nasa kamay ni Xinghe, hindi siya maiisahan ni Xinghe.

Pagkatapos ng lahat ng ito, madami siyang paraan para paghigantihan si Xinghe.

Pero hindi intensiyon ni Xinghe na tapusin ng madalian ang lahat. Hindi lamang iyon ang layunin ni Xinghe kung bakit niya hinanap si Wu Rong nang araw na iyon.

"Sa tingin ko ay hindi mo hawak ito o ang hawak mo ngayon ang peke. Kung hindi mo pa din ito ipapakita sa amin, ipapakiusap ko sa dalawang security guards na palayasin ka," pananakot ni Xinghe.

Naningkit ang mga mata ng security kay Wu Rong.

Pagkamatay ni Chengwu, nasanay na si Wu Rong sa marangyang pamumuhay. Hindi na siya ang dating babae na kayang tiisin ang lahat at maghintay ng magandang kinabukasan.

Kaya hindi niya matanggap ang pasaring ni Xinghe.

"Sige, kung gusto mo talagang makita ang tunay na kopya, ipapakita ko ito sa iyo ngayon!"

Umalis siya sa study at mabilis na bumalik na may hawak na Property's Certificate of Ownership book.

Katulad na katulad ito ng hawak ni Xinghe, ang ipinagkaiba nga lamang ay pangalan ni Wu Rong ang nakalimbag doon.

Nalito ngayon ang dalawang security guard. Alin sa dalawa ang tunay?

"Ang tunay ay natural lang na nasa kamay ko. Namatay ang tatay niya 6 na taon na ang nakaraan, at siya ay 19 lamang noon. Bakit iiwanan ng kanyang ama ang property sa isang bata at walang karanasang dalagita tulad niya?" mayabang na paliwanag ni Wu Rong, tila hinahamon ang mga tao sa kanyang katwiran.

Nakita ng dalawang guwardiya na may tama din ang punto nito sa argumento kaya bumalik ang paghihinala nila kay Xinghe.

下一章