webnovel

Binigyan ng trabaho ang grupo ng limang tao

編輯: LiberReverieGroup

Nagsalita ang dayuhan na nagbubuhat ng bricks: "Hello, sino ito? Kailangan mo ba ng tagabuhat ng bricks?"

Ye Wan Wan: "..." Tagabuhat ng bricks?

"Ako si Famous Ye." Pinisil ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. Ang weird naman nito.

"Ah… boss Ye, iniba mo na pala ang propesyon mo? Kailangan ko bang magbuhat ng bricks para sayo?" Para bang agrabyado ang tono ng boses ng tagabuhat ng bricks.

"Hin-hindi, tatanungin lang sana kita kung ito yung number mo…" Bumuntong hininga si Ye wan Wan - sinusubukan niyang kontakin ang batang deboto.

"Ah, hindi sa akin ang phone na ito." Sumigaw ang dayuhan na nagbubuhat ng bricks, "Dakilang Rod, may tumatawag sayo!"

"Ano ba yan?! Bakit hawak mo ang phone ko?! Paano kung nawawala ang phone ko at may kliyente akong gustong magpahula! Katumbas ng isang buwan na sahod mo sa pagbuhat ng bricks ang isang kliyenteng tatalikuran ako - kaya mo bang bayaran yun, huh?!"

"Hello, ako po ang munting deboto. Nais niyo bang malaman ang kapalaran niyo o feng shui? Pupunta ka pa dito o pupuntahan kita diyan? May extrang kabayaran kapag pupuntahan kita diyan." inagaw ng deboto ang phone niya at malinaw niyang pinaalam ang mga nais niyang sabihin.

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan pero kinaya niyang ayusin ang kanyang magulong kaisipan. "Ayokong magpahula ng kapalaran ko at hindi rin ako interesado sa feng shui."

Sumagot ang munting deboto: "Baliw ka ba? Bakit mo pala ako tinawag?"

Bumuntong hininga ng malalim si Ye Wan Wan at sumagot siya sa deboto, "Ako si Famous Ye."

"Oh, si Sis na Sikat pala ito!" Mabilis na iniba ng deboto ang tono ng pananalita niya. "Anong maitutulong ko sayo, Boss Ye?"

Ang deboto ay inalagaan ni Famous Ye habang nagaganap ang filming noon at kumita siya ng $100 sa pag-aarte niyang patay - mabilis at madali itong paraan kung paano kumita.

Inakala ng deboto na may trabaho na naman siyang makukuha kay Famous Ye, dahil tinawagan siya nito.

Tumawa si Ye Wan Wan. "Andiyan ba kayong lahat?"

"Opo opo opo! 'Wag kang mag-alala, boss Ye; kahit hindi kami magkakasama ngayon, magtitipon kami para sayo. Hindi naman abala si Kapitan ngayon. Sabihin mo sa amin kung anong kailangan naming gampanan na karakter! May pagkain na ihahanda sa amin sa pagkakataong ito 'di ba?"

"En…" Nag-isip muna si Ye Wan Wan bago siya sumagot. "May trabaho akong ibibigay sa inyong lahat pero kailangan niyang pumunta sa ibang bansa."

"Sa ibang bansa?" Nagulat ang deboto nang sumigaw siya, "May trabaho na ibibigay sa atin si Boss Ye at kailangan nating pumunta sa ibang bansa - kunin ba natin o hindi?"

Pagkatapos niyang makarinig ng ingay sa kabilang panig ng tawagan, sumagot na ang deboto, "Anong bansa ang pupuntahan namin, Boss Ye? Kukuhanan ba ng film crew mo ang scenic shot sa ibang bansa?"

"Parang ganoon na nga… sa city H ng Maynmar. Paki-check na lang kung makakasama kayo," sinabi ni Ye Wan Wan.

"Pupunta raw sa Myanmar… pupunta ba tayo Kapitan?!"

Matapos ang ilang minuto, sumagot na ang deboto, "Ganito yun, Boss Ye. Gustuhin man naming kunin ang trabaho, wala naman kaming pera para sa sasakyan naming eroplano papunta sa Myanmar. Sa isang tao, $3,000 ang return trip. Gagastos ka ng halos $15,000 sa aming lima…"

"Isasauli ko sa inyo ang gagastusin niyo." Sumagot si Ye Wan Wan.

"Wala kaming pera para sumakay ng eroplano… kaya hindi mo rin maibabalik ang wala. Ganito na lang, ipadala mo na lang muna ang $15,000…'wag kang mag-alala, Miss Ye, matagal na kaming magkakakilala kaya hindi kami magsisinungaling sayo."

Prangka si Ye Wan Wan. Sinulat niya ang bank account number ng deboto at pinadala niya ang pera para sa flight ng lima.

"Saglit… boss Ye, kailangan namin ng ekstra na pera para sa byahe. Maliban pa sa re-imbursement ng ticket para sa eroplano, kailangan mo rin bayaran anv pagkain at pagtutulugan namin. At tsaka, kailangan namin ng $1,000 kada isang tao. Hindi kami pupunta kung hindi ito masusunod." Mayabang na nagsalita ang deboto.

Kumibo ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan. "..."

Tinaasan niya pa ang bayad kung kailan pinadala ko na ang pera para sa ticket nila sa eroplano, wala talaga akong magagawa...

下一章