webnovel

Isang nakakainis na pagkikita

編輯: LiberReverieGroup

Matapos masigawan ni Eleven, nasindak ang maliit na brat at hindi pa rin humingi ng tawad. Direktang tumalikod siya ng mukhang naapi at sumunggab sa braso ng ginang.

"Mommy! Sinigawan niya ako!"

"Anong ginagawa mo?!" nang makita na inaaway ang kanyang anak, wala ng pakialam ang ginang kung sino ang may mali at kaagad na tumayo. Hinawi niya ang kaliwang balikat ni Eleven. "Matanda kana na. Anong karapatan mong mang-away ng bata! Anak ng p*ta!"

Anong maliit bata? Ang batang ito ay higit sampung taon na! Paanong naging maliit na bata 'yan?

"Minsan pang itulak mo ako at sasaktan kita!" isang malamig na ilaw ang dumaan sa mga ni Eleven. Kahit na hindi siya kahit kailan nanakit ng babae, itong nasa kanyang harapan ay hindi dapat kilalanin na isang babae, diba?

Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari, dapat narenta na siya ng isang privet jet, ngunit pinapatatag pa rin ni Miss Wan Wan ang kanyang lugar sa kumpanya at simusubok umani ng pabor, kaya hindi siya pwedeng maging mapili. Kung hindi man, magdudulot ito ng tsismis.

"Saktan mo ako?" sigaw ng ginang, "lahat kayong malalaking lalaki ay talagang gustong manakit ng isang walang laban na babae at bata? Mga wala ba akong hiya o ano?! Halika, subukan mong saktan ako, yeah?"

"Ang sama mong tao - nangaaway ng isang babae at isang bata?! Ang ginoo na nanahimik lang ay biglang tumayo at winagayway ang kanyang kamao na para bang sasapakin niya si Eleven.

Gayunpaman, bago pa tumama ang kanyang kamao kay Eleven, higit sampung gwardiya ng Dark Team sa eroplano ang tumayo.

Kasama ang higit isang dosenang malalaki at matatangkad na lalaki ang tumayo ng sabay-sabay sa limitadong eroplano, ito ay kapansin-pansin.

Sa isang sandali, nanigas ang ginoo at higit sa sampung pares ng mga mata ang direktang nakatinginsa kany. Ito ay para bang siya ay naka upo sa mga pin at karayum - natigil sa hangin ang kamao ng ginoo at bigo pang gumalaw.

Ang kanilang pakikipagtalo ay kaagad na nakaagaw ng atensyon ng isang flight attendant.

Nang makita na mayroong nangyayari sa eroplano, nagmadaling pumunta ang flight attendant at malumanay na inawat sila, tinigil ang away.

Ang galit at aroganteng mag-asawa ay hindi inaasahan na maraming tao ang pumuprotekta kay Ye Wan Wan at hindi na tinangkang ituloy ang pagdulot ng kaguluhan, sinamantala nila ang pag-awat ng flight attendant, iniwas ang kanilang sarili mula sa nakakahiyang sitwasyon at bumalik sa kanilang upuan.

"Bwisit. Kakausapin natin ang mga taong ito kapag dumating na tayo Myanmar." umupo ang ginoo ngunit nanatili pa ring nagaapoy sa galit. Tumingin siya kila Ye Wan Wan at sa iba at nangutya, "mga aroganteng tanga. Ang lakas ng loob galitin ako! Sisiguraduhin kong mamamatay kayong lahat!"

Hindi nag-alinglangan si Eleven na maikpag-away sa nakakainis na pamilyang ito. Matapos niyang ibigay ang libro kay Ye Wan Wan, pinaupo na ang ibang mga gwardiya. Mula simula hanggang dulo, si Xue Li at ang grupo ng mga expert ay hindi nagsalita kahit isa at tanging malamig na nanuod sa kalokohang ito.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang libro at wala ganong sinabi tungkol dito - walang sino man ang may pakialam sa maliit na palabas tulad nito.

Dumating na sa wakas ang eroplano sa kanilang destinasyon ng hapon sa parehong araw.

Myanmar, H city:

Lumabas na sa eroplano si Ye Wan Wan at ang iba nang nagpakita ulit ang tatlo sa pamilya.

"Ang dami ninyo pero big deal, huh! Maghinta lang kayo at makikita ninyo!"

Seryosong nakatingin ang mag-asawa kay Ye Wan Wan saka umalis.

Hindi nag-aalala si Ye Wan Wan sa mababang pamilyang ito at walang pakilam sa kanila. Kinuha niya ang kanyan bagahe kasama si Eleven at ang lahat at naglakad patungo sa exit ng airport.

Bago pa lumabas si Ye Wan Wan at ang iba sa airport, isang lalaking nakasuot ng isang pares ng itim na shades at itim na pang taas ay matulin na naglakad patungo sa kanila na may isang card sa kanyang kamay.

下一章