webnovel

Sinusubukan mo bang sirain ang reputasyon ko?

編輯: LiberReverieGroup

Tingin ko naipit na si Ye Bai kaya siya kumilos ng sobrang desperado, huh?

Pero sa katunayan, hindi ito nakakagulat - kung hindi makuha ni Luo Chen ang role na ito, lahat ng ginawa ni Ye Bai ay masasayang.

Sinabi ko na ito dati - hanggat parte ako ng Dazzling, babalik si Luo Chen pabalik sa akin kahit anong mangyari!

Nag-iisip hangang sa puntong ito, naging masiyahin si Zhou Wen Bin habang siya ay naglalakad. "Ye Bai, anong ginagawa mo dito? Pinayagan na ng mga tao sa production na si Gong Xu ang gaganap bilang Lin Luo Chen; hindi ba't masama kung gagawa ka ng eksena dito?"

Matapos marinig ang pangungutya ni Zhou Wen Bin, nanlamig bigla ang mukha ni Gong Xu

Nag ekis ang binti ni Ye Wan Wan, sumandal ang kanyang noo sa kanyang kamay at panuyang ngumiti kay Zhou Wen Bin. "Oh? Nakuha ni Gong Xu ang role na Lin Luo Chen? Paano at hindi ko ito narinig?"

Sa panahong iyon, Zhou Wen Bin, ay natutuwa pa, hindi niya napansin ang pagkakaiba kay Gong Xu. Nang makita niya na hindi ito matanggap ni Ye Bai, inirapan niya ito. "Ang aming Gong Xu ay abala sa paghahanda para maging parte ng 'Terrifying Dragon 2.' Wala siyang oras para pansinin ang mga pangaasar mo!"

Ngayong walang kwenta na si Luo Chen, hindi na siya makalaban pa at sa mata ni Chu Hong Guang, wala na siyang halaga. Subalit, mayroon siyang Gong Xu - siya ay hangal ngunit mayamang bata ng second generation - na magtatanggol sa kanya. Kung kaya ngayon, wala siyang pakialam sa batang ito na mataas ang tingin sa sarili.

Matapos magsalita si Zhou Wen Bin, mabilis siyang tumigin sa mga security guard at nag-utos: "Security, ano pa ang inaantay niyo? Paalisin niyo ang lalaking ito palabas ng opisina! Binabayaran ba kayo para tumunganga lamang? Kung magugulo ang preparasyon niya para sa palabas, papalayasin din kayo tulad ng lalaking ito!"

Bago pa man makakilos ang mga security guard, tumalon si Gong Xu sa kanyang upuan. Ng may kasamang "bang", hinampas niya ang makeup table. Umabot na sa dulo ang pasensya niya at nagalit sa kanya: "Zhou Wen Bin, tumahimik ka na! Sino ang nagsabing ako ang gaganap sa 'Terrifying Dragon 2'? Sino ang nagsabing ako ang magiging Lin Luo Chen?"

Hangang sa ngayon, masayang nagyayabang si Zhou Wen Bin, ngunit matapos niyang marinig ito, nanigas siya bigla. Hindi niya inisip ang ibig sabihin ng sinabi ni Gong Xu at tumugon: "Uh… Gong Xu, ano ibig mong sabihin? Hindi ba't ikaw ang pumayag sakin na..."

Kinunot ni Gong Xu ang kanyang kilay. Lumitaw ang pagiging arogante sa kanyang kilay, na nagbigay ng kagwapuhan sa kanya. "Anong pinayagan? Sino ang nagbigay ng patnubay na kukunin ko ang role na Lin Luo Chen? Si Luo Chen ang orihinal na aktor para kay Lin Luo Chen. Ang pagganap niya ay mahusay at sinusuportahan siya ng publiko, ngunit nangialam ka at kinuha ang role mula sa artista sa parehong kumpanya. Anong malisyosong intensyong meron ka? Meron ka bang kahit kakaunting team spirit? Ngayon sinubukan mo talagang iputan sa ulo ang aking little master - gusto mo bang sirain ang reputasyon ko?"

"..." Tumayo ng tuwid si Zhou Wen Bin. Nagulat siya at nahirapan siyang bumalik sa kanyang katinuan ng matagal, natulala sa mga sinabi ni Gong Xu.

Ang dalawang assistant ay naguluhan din ng makita nila ang matuwid na inasal ni Gong Xu.

Si Gong Xu… sinasapian ba siya ngayon?

Nga pala, anong ibig sabihin niya na sirain ang kanyang repustasyon

Ang kilalalang young master na ito ay sinira na ang kanyang sariling reputasyon; sino ang makakasira pa nito lalo?

Napangiwi ang labi ni Ye Wan Wan, paano pa kaya ang ibang tao.

Sino ang nagsasabing pangit ang acting ni Gong Xu?

Ang acting ng lalaking ito… ay napakahusay...

Ang mga hindi nakakaalam sa nangyari ay aakalain napakabait niyang bata na may limang stresses at apat na babae [1]!

Matagal ang inabot bago siya makabalik sa kanyang katinuan. Sa parehong oras, namalayaan niyang may mali. Lumingon siya kay Gong Xu ng may kaunting pagbabago sa kanyang ekspresyon. "Gong Xu, ano ba ang nangyayari dito? Hindi ba't pinagusapan na natin ito? Hindi ba't ikaw ang nagsabi na kailangan mong makuha ang role ni Lin Luo Chen, kung kaya ako..."

下一章