webnovel

Walang karapatang magreklamo ang makupad

編輯: LiberReverieGroup

Kung gusto niyang mabawi 'yung desisyon ng paaralan na mapatanggal siya, magiging kumplikado na ngayon ang maipasa ang eksaminasyon.

Kahit naging maikli lang ang panahon niya para makapag-aral, naging sapat pa rin iyon para sa kanya.

Itinigil muna ni Ye Wan Wan ang pagiisip ng ibang bagay at nagsimula magpokus muna na pagaralan ang laman ng libro niya.

Nagising ang lalaking katabi niya sa klase sa tunog ng pagbubuklat ng mga pahina ng libro at tumingin sa kanya.

Nang buksan niya ang mga mata niya, nakita niyang nagbabasa si Ye Wan Wan.

Ang babaeng 'to...nagbago na pagkatapos ng tromang nangyari sa kanya? 

Patuloy pa rin siyang nagiisip hanggang sa lalo niyang napansin ang ginagawa ni Ye Wan Wan. Nagiba bigla ang ekspresyon ng mukha niya.

Mas mabilis na pagbubuklat ng mga pahina ng libro ni Ye Wan Wan ngayon kumpara kanina. 

Anong klaseng pagbabasa 'to? 

Kung hindi siya nagbabasa, anong ginagawa niya? Bagot lang ba siya kaya ganyan na lang siya magbuklat ng mga pahina? 

"Ang ingay." Napalitan ng pagkayamot ang ekspresyon ng gwapong mukha ng binata. 

Bahagyang nakaramdam din ng inis si Ye Wan Wan sa inasal ng katabi niya sa klase. Itong siraulong 'to, may gana pang mang-asar ha!

Maniwala ka man o hindi, gagamitin ko seniority ko para durugin ka! 

Nakasaad sa seniority code, dapat niyang igalang at tawagin akong 9th aunt!

Noong buhay pa 'yung dating siya, nalaman niyang ang lalaking itinuturing na hunk ng Qing He High School ay pamangkin pala ni Si Ye Han.

Nagtaas lang ng kilay si Ye Wan Wan, "Talaga, ako pa maingay? Kung matalino ka talaga, edi galingan mo sa exam mo at doon ka sa harapan pumwesto! Tandaan mo na ang mga mahihina ang natatalo sa mga malalakas at ang malalakas ang pinakanakakakuha ng respeto. Kaya walang karapatang magreklamo ang mga tamad at walang kwentang katulad mo!"

"..." Natahimik at nagulat ang binata sa narinig niya.

Tinawag niya ba akong walang kwentang estudyante sa eskwelahang 'to? 

Magaling.

Sa eksaminasyong ito, patutunayan niya kung anong ibigsabihin ng sinasabi niyang ang mahihina ang nauuwing talunan sa mga malalakas. 

Mabilis na dumaan ang oras matapos ang huling tunog ng school bell.

Masayang gawin ang pagliliban ng klase samantalang ang pag-aaral ay parang kremahan, nakakabagot. 

Sa buong araw, inobserbahan lang ni Ye Wan Wan ang mga tao gamit ang double vision niya. May mga salitang lumulutang sa mga ulo nila at nakikita niyang lahat iyon. 

Walang klase sa susunod na linggo kaya naman ang lahat ay makakapagpokus na sa pag-aarala sa darating na eksaminasyon nila.

Ginamit ng Qing He High School ang paraan nila ng pagtuturo, maliban na lang sa mahahalgang okasyon, kapag kinailangan ng bawat estudyante ang sumunod sa panuntunan ng paaralan.

Pagkatapos ng klase, bumalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang hostel. Dala-dala ang kanyang bagahe, sumunod lang si Ye Wan Wan sa paglalakad papunta sa hostel.

Ang bawat dormitoryo ay kayang makaokyupa ng apat na tao. Kaya lang iniwan siyang magisa ng mga kasama niya sa kwarto. 

Isa pa, wala namang nakakaalam sa relasyon niya kay Si Ye Han kaya magandang nangyari na ring magisa lang siya sa kwarto. 

Marahang itinulak ng magaganda at malalambot niyang mga daliri ang pintuan ng kwarto at pagpasok ay agad niyang naamoy ang isang pamilyar na pabango sa loob. 

Maliit lang ang silid pero sapat na 'yun para sa kanya. Kumapara sa napalawak at napakalaking hardin ng Jin, mas ramdam niyang ligtas siya dito. 

At saka, ang Qing He naman ay masagana talaga sa pondong ibinibigay ng mga may-ari ng negosyo at kasamang lider ng paaralan kaya maganda at disente ang napagawang hostel.

Bukod sa aircon, ang bawat kwarto ay may nakalaan na banyo rin.

Ibinaba na ni Ye Wan Wan ang kanyang bagahe at nagsimula nang magayos. 

Nang matapos na, sisimulan na niyang mag-aral nang biglang may kumatok sa kanyang pinto. 

Nang buksan niya ang pinto, nakita niyang nakatayo sa harapan si Shen Meng Qi na nakasuot ng kulay rosas na puntas na bestida.

Agad na bumagsak ang luha ng babae ng makita niya si Ye Wan Wan, "Wan Wan! Sa wakas nasa school ka na! Sobrang nagalala ako! Sobrang saya ko na makita kang maayos!"

Mula sa mapagalalang reaksyon ni Shen Meng Qi, hindi napigilang matuwa ni Ye Wan Wan. Sa ganung klase ng pagarte niya, mahirap maiba ang ekspresyon ni Shen Meng Qi lalo pa't galing siya sa entertainment business.

Umupo si Ye Wan Wan at medyo nayamot nang maantala siya, "May problema ba? Kung anuman 'yan, kung pwede lang sa isang linggo ka na lang bumalik, wala akong oras ngayon."

Inakala ni Shen Meng Qi na nagaway sila ni Gu Yue Ze kaya nasa masama ang mood ngayon ni Ye Wan Wan, "Sa tingin ko hindi siguro naintindihan ni Mr. Gu ang relasyon niyong dalawa ni Si Ye Han pero ang totoo, mahal ka niya talaga at kaya kang panindigan! Nasa puso ka pa rin niya--kung hindi man, hindi ka niya tutulungan! Kung mapapaliwanag mo naman 'yung hindi niyo napagunawaan, magiging maayos ang lahat!"

Walang oras si Ye Wan Wan para pagaksayahan ng panahon ang artistang babaeng ito at kanina pa nakatuon ang isip niya sa librong pagaaralan niya. 

Napansin ni Shen Meng Qi na hindi tumigil si Ye Wan Wan sa paglilipat ng mga pahina dahil pagkayamot at sa tingin ay hindi niya ito mapapakalma kaya tumigil na siya pagkumbinsi pa sa kanya. 

"Kung ganun Wan Wan, mauuna na akong umalis dahil malapit na ang exams natin. Kailangan ko na ring magaral. Pangako ng dad ko na bibigyan niya ako ng bagong phone kapag nanatili akong nasa top 3 ng klase. Kung magkaproblema ka man, nandito lang ako. Hanapin mo lang ako!"

"Sige." sagot lang ni Ye Wan Wan na hindi man lang tumingala sa kanya.

Bahagyang kumulubot ang noo ni Shen Meng Qi dahil nanibago siya sa malamig na reaksyon sa kanya ni Ye Wan Wan.

Bago pa siya umalis, may napansin siyang magandang papel sa silid ni Ye Wan Wan. Isang love letter.  

下一章