Chapter 1495: Walang Mas Importante Kesa Sa Apo Ko
Patuloy ang pagtatalo ng mag-ina, pero hindi kumibo si Tang Shan. Wala siyang sariling opinyon. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung ano dapat niyang gawin.
Tiningnan niya ang asawa niya nang tanungin siya ng anak niya, tapos nabulol siya, "Xiao Nuo, actually, may point ang mama mo. Hindi mo naman kailangan pumunta sa Imperial. Maraming magandang schools diyan. Pwede ka naman makahanap ng university sa city na malapit sa Imperial…"
Nagalit at nadismaya si Tang Nuo. "Kayong dalawa… Kahit anong mangyari, hindi ko babaguhin ang first choice ko! Gusto ko pumunta sa Imperial! Walang makakapigil sakin!"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者