webnovel
0
EX_DE_CALIBRE

EX_DE_CALIBRE

Lv2

I write under PHR as Xandria and under MSV as Eunice Xyra.

2020-05-18 đã tham giaPhilippines
-d

Bài viết

0.4h

đang đọc

10

Đọc sách

Huy hiệu
5
Khoảnh khắc
4

LIGHTS, CAMERA, SCANDAL?

Biglang nagtrending ang tambalang Krisstine Sandoval at Blitzen Claus nang tumabo sa takilya ang pelikulang pinagbidahan nila. Dahil doon ay halos araw araw pinag-uusapan ang tambalan nila sa twitter at facebook. Naging top searched artists din sila sa google! Ang dahilan? Tumabo din kasi sa social media ang kumakalat na sex video diumano nila. Dahil doon ay nag-ala circus ang career nilang dalawa. Paano nila ngayon isasalba ang mga career na pareho nilang iniingatan? May dapat pa siyang patunayan sa kanyang pamilya habang si Blitzen naman ay kailangan pang hanapin ang pinakaimportanteng babae sa buhay nito! Inakala ni Krisstine na dahil sa pagkakadawit niya sa pangalan ni Blitzen ay career lang ang manganganib sa kanya ngunit nagkamali siya. Dahil sa dalawang linggong nakasama niya ito ay maging ang puso niya'y nanganganib na ring makuha ng binata. Hanggang sa dumating siya sa puntong kailangan na niyang mamili sa dalawa. Alin nga ba ang mas matimbang sa kanya? Ang puso o ang career niya? A/N : Pagtyagaan po, hindi ko maipopost ito ng isang bagsakan dahil kailangan ko pang i-edit. hehehe. Update sched? As long as hindi busy at nakapag-edit ako, post na yaaaan! hihihih :) Salamat agad sa magbabasa. Kung may feedback, may gustong ipagwelga, may gustong ipaalis sa Last Will and Testament ninyo o kung may gusto kayong ipatumba, sige, comment lang! HAHAHAHAH. Wabyu all! :*

EX_DE_CALIBRE · Thành phố sách
Không đủ số lượng người đọc
10 Chs

IN PAPA BEAR'S ARMS (MSV)

Here's a cutesy whirlwind romance between a modern day Goldilocks who ran off to the woods to avoid the wolves who wanted to kill her and her sexy and dangerously handsome mysterious "Papa Bear" who actually lived in the woods together with his cute little twin bears. FULL TEASER: CHI-CHI WOKE UP FROM A VERY STRANGE DREAM. Napadpad daw siya sa isang liblib na lugar dahil tinakasan niya ang mga halimaw na gusto siyang kainin! Halos maubusan siya ng hangin sa kakatakbo. Mabuti nalang at nakakita siya ng isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan. Pumasok daw siya sa loob. Dahil sa sobrang kagutuman ay kinain niya ang masarap na tinolang manok na nakahain sa mesa. Mabilis niyang naubos ang kanin sa tatlong plato. Dahil mainit, naisipan niyang maligo. Pagkatapos maligo ay naisipan niyang matulog. Pagod na pagod siya. May tatlong kwarto sa loob ng bahay na may tatlong magkakaibang size ng kama! Siyempre pa ay mas pinili niya ang pinakamalaki, mas masarap matulog sa mala-queen sized bed na gaya ng kama niya sa bahay. Napakalambot. Tuwang tuwang niyakap niya ang mga asul na unan. Hanggang sa tuluyan siyang gupuin ng antok. Pamilyar ang kwento huh? Gusto niyang matawa, para siyang si Goldilocks! Kapag may dumating na papa bear, iisipin niyang siya na talaga si Goldilocks. She grinned. Muli niyang niyakap ang asul na unan. A-asul na unan? Naalimpungatan siya. "Who are you?" gulat na napatitig siya sa mala-greek god na lalaking iyon. Oh my papa! Nakakatakam ang pawisang katawan nito na puro abs ang tiyan at may nagtitigasang muscles sa braso! At noon niya naalala ang lahat—na hindi nga siya si Goldilocks! Mas lalong hindi iyon isang panaginip lamang! Dahil kitang kita niya ang nagbabagang mga titig ni Papa Bear sa hubad niyang katawan at ang pagsinghap ng dalawang batang nasa likuran nito! A/N: All rights reserved to My Special Valentine. Published on February 19, 2012.  This story gave birth to Eunice Xyra of MSV. :-D

EX_DE_CALIBRE · Thành phố
Không đủ số lượng người đọc
15 Chs

DETECTIVE CONAN - HAPPY BIRTHDAY SHINICHI

Kay tagal na panahong inasam ni Shinichi na muling makabalik sa kanyang dating anyo—sa binatang si Shinichi. Ilang beses niyang sinubukang tuklasin ang paraan upang makalaya siya mula sa katawan ng pitong taong gulang na si Conan Edogawa, pero sa tuwina ay bigo siya. It was all because of that darned Black Organization! Kung hindi lang sana siya pinainom ng APTX4869 ay hindi sana siya nagkagayon. Balak niyang huliin at pagbayarin sina Gin at Vodka upang maibalik niya sa dati ang kanyang katawan at katauhan. Pero mukhang hindi iyon ang nararapat niyang unahing pag-ukulan ng pansin sa ngayon. Why, his bestfriend Ran, will be going out on a date! Anak ng tinapa! Sa mismong araw pa ng birthday niya? Hindi siya makakapayag! Hindi pa ito pwedeng makipagdate sa iba hanggat hindi niya naibabalik ang dating katawan. Pero may magagawa kaya siya, lalo na kung isang pitong taong gulang na bata lang ang tingin nito sa kanya? Of course, he’s a genius. Hindi siya kinilala bilang isang sikat na Detective kung wala siyang magagawa. Handa niyang itaya ang lahat huwag lang mapunta sa iba si Ran. Magtagumpay naman kaya siya sa binabalak niya? A/N : FAN - FIC lang po ito (first ever fan-fic na ginawa ko)...at super short story lang... Ang kwentong ito ay sinulat ko para sa kaawaran ni SHINICHI KUDO, noong May 4. wahahahahah! RANSHIN LOVE STORY! ^___^ Ang kwentong ito ay para sa lahat ng Shincihi Kudo, Conan Edogawa at Detective Conan Fanatics. Lalong lalo na sa mga Ran-Shinichi fans. HOHOHO. Nagtapat na si Shinichi kay Ran dito! HAHAHAHAHAH. Totoong pagtatapat. =))))

EX_DE_CALIBRE · Anime & Truyện tranh
Không đủ số lượng người đọc
2 Chs