webnovel

Zombie in my country

Tác giả: IRONBONE
Khoa huyễn
Đang thực hiện · 1.4K Lượt xem
  • 3 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • N/A
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

To save my love ones and fight my weaknesses.

Chapter 1Chapter 1

Main Character POV

February 23, 2023 na ngayong araw nandito ako ngayon sa isa mga siksik na lugar ng Sagana sa Quezon City.

"Friday na ngayon...bukas wala ng pasok....hmmmmp! PPE subject sasakit na naman muscle ko nito" Bulong ko habang na-unat ako ng aking katawan para magising-gising ako kahit papaano.

Gigising na naman ako ng maaga para pumasok sa school para sa gayon magkaroon daw ng magandang trabaho.

Yan naman lagi ang sinasabi ng kahit sinong magulang, Ok lang naman dahil at least pag-may natapos ako ay mas malaki ang chance ko sa matino at stable na trabaho.

Ayos lang, ganyan talaga ang tipikal na buhay ng ordinaryong tao tulad ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko na may pangalan ko na Delio at ang oras.

Kailangan ko ng mag-ayos para pumasok.

Inayos ko ang aking kama na pinaghigaan, Uminum, Nagluto, Kumain syempre inum uli then naligo, maglabas ng milagro sa banyo tapos nagtoothbrush, nagsuklay at handa na akong lumayas dito sa aking apartment para mag-aral.

Medyo tinatamad pa ako dahil napuyat ako ng kaunti sa kakapanood ng palabas pati kakabasa nadin.

Sarap talaga manood ng mga movie, anime, novel, short story tungkol sa Zombies.

Hindi ko mapigilan kahit alam kong gasgas na ang story ng tungkol sa Zombie.

Mga istorya ng mga taong bida sa kwento kung paano ang pipiliin nilang desisyon, katangahan nila, kagalingan nila, paraan nila kung paano sila traydorin o ipakain sa Zombie.

Tulad nalang paborito kong palabas ang Resident Evil.

Yan ang pinaka kilala na Zombie Apocalypse mapa movie man o laro na sumikat sa buong mundo noon. Well sumikat din ang Walking Dead Series pero mas gusto ko talaga ang Resident Evil na may pagka-fantasy at may pagka-scientific.

Kaya nag search ako tungkol sa kung ano ba talaga sila.

Kung ano ba talaga ang Zombie?

Sabi sa google ay nagawa lang ang salitang 'Zombie' noong 1810, Pero noon pa ay marami ng naniniwala tungkol sa kanila na mas kilala noon sa tawag na 'Undead' sa tagalog ay Patay na Buhay.

Base din sa nalalaman ko ay galing nga sila sa kwento ng Greek Mythology at kung Chinese story naman ay Iron Corpse ang tawag.

Ano ang Greek Mythology?

Sila Zeus, Medussa, Hercules, Hades, Poseidon ang kanilang kwento ang isa sa pinaka sumikat sa buong mundo.

Hindi pa buhay si Panginoong Jesus Cristo noon ay may ganito ng kwento.

Sa pagkakatanda ko ang Zombie ang mga halimaw na walang buhay at pinapagalaw lang ng isang peste na insekto sa utak para pumatay ng lahat ng may buhay na gumagalaw sa mundo.

Tulad ng tao o hayop mapa isda, ibon pa man iyan ay kakainin nila.

Depende sa napasok ng maliit na insekto galing sa katawan nila kaya nilang mangontrol, Sa pamamagitan ng pagkalmot o pagkagat ay malilipat ang insekto at kokontrolin nito ang utak ng nilalang na inatake nila at papatayin hanggang ang insekto na ito na ang magpapagalaw sa katawan.

Parang sakit na nakakahawa.

Hindi maipaliwanag ng syensya/science kung paano ba ito nangyayari.

Bakit gumagalaw parin sila kahit hindi na tumitibok ang puso?

Paanong nakakagalaw kung patay na ang kanilang utak?

Bakit hindi sila nakakakita?

Bakit hindi sila nakakaramdam?

Nakaka amoy, nakakalasa pero nakakarinig naman sila?

Bakit mas malakas sila ng halos dalawang beses sa isang ordinaryong tao?

Madaming akong tanong.

Kaya nga ang mga palabas ngayon ay nagbago narin na hindi na insekto ang kumakalat kundi mga virus o sa tagalog ay katumbas ng salitang mikrobyo na hindi nakikita pa ng atin mga mata dahil sa sobrang liit nila.

Mga halimaw na walang buhay na pinapagalaw lang ng isang mikrobyo ang utak para pumatay ng lahat ng may buhay na gumagalaw.

Minsan nga iniisip ko na lang kung ano kaya ang mangyayari sa akin pag nagkaroon ng Zombie sa tunay na buhay?

Isa ba ko sa mamamatay agad?

Magiging Zombie agad ako?

Paano ako makakaligtas?

Paano ba ang tunay na kaligtasan?

Kung wala na lahat ng Zombie?

Pag nasagip na ako ng gobyerno?

Hindi ko alam.

Mga imahinasyon ko noon na gusto kong mangyari.

Pero pag-nagkatotoo ay parang impyerno sa lupa.

Ang inaalala ko nalang ngayon ay ang naririnig kong balita ngayong araw sa internet na meron daw Zombie sa ibang bansa.

At ganoon din dito...

Sa Pilipinas.

"Sinubukan ko lang magcheck ng FB tapos ganito na bubungad sa akin?" Bulong ko sa aking sarili na ako na handa ng lumabas ano mang oras ng aking apartment.

Medyo na focus ang aking atensyon sa cellphone ko ngayon.

Base sa balita ay para silang adik na naglalakad sa daan na may dugo na akala mo may ketchup lang sa bunganga, Puti ang kanilang mga mata na parang bulag at bigla-biglang nangangagat.

Kinakagat nila ang mga tao sa paligid sa mga Mall, Palengke, School at marami pang iba. Mga lugar na maraming tao ang nabibiktima.

Ang daming nagkalat na balita at napapaisip nalang ako kung tunay ba talaga ang mga ito?

Prank? Scripted? 3D? Animated? CGI?

Kaya lumabas ako mula sa aking maliit na apartment at nagtingin-tingin sa daan para tingnan ang sitwasyon.

Mga abala na tricycle driver lang na naghahanap ng mga pasahero ang bumungad sa akin. Tindahan na abala sa pagbebenta ng mga pangangailangan ng mga estudyante. Canteen o Karenderya na abala sa pagsupot ng mga ulam, Manong na nag bebenta ng Ice Cream at mga batang nagtatakbuhan para pumunta sa Computer Shop para maglaro.

Napataas nalang ang kilay ko na peke nga ata ang nangyayari na balita. Kaya pumunta nalang ako sa isang karenderya at nag-agahan muna.

Kumain na ako kanina pero para hindi nakakahiyang nakatambay ako dito at nakaupo pa eh syempre bibili ako.

Bumili ako ng hotdog saka itlog lang syempre two rice tapos may sabaw.

Mabilis lang akong kumain matakaw kasi ako, Kaso natigil ako ng saglit ng nakita ko sa TV sa Unang Hirit ang isang balita na may Zombie daw na kumakalat.

Ano daw?

Magulo talaga ang GMA laging safe play sa salita.

Sasabihin lagi na 'Daw' o 'Ayon'

"Serybisyong totoo daw" Bulong ko ng mahina sa panget nilang balita.

Kaya walang kasiguraduhan ang balita nila pag ganyan sila sa mga saling binubuga nila.

Kahit ganoon pa man ay nakinig at nanood ako ng mga balita nila, Tungkol sa mga kumakalat na video ng mga netizens na may Zombie daw sa palengke at nakagat daw ang kanyang kaibigan. Meron din sa Mall na nakagat naman daw ang kasintahan nya at marami pang mga video na kumakalat sa Facebook o ibang social media platforms.

"Tunay ba yun?" Narinig ko ang usapan ng dalawang trabahador na nakahelmet di kalayuan sa lamesa ko.

"Ewan pre, Pero nabalita eh baka tunay nga" At nagtuloy lang sila sa pagkain.

"Parang peke hahaha" Tawa ng isa at humigup nalang ng sabaw.

Napapaisip isip tuloy ako na baka nga...Tunay?

Kinutuban na ako kaya mabilis kong inubos ang aking pagkain at umalis papunta sa isang tindahan at tinawagan ko ang aking magulang ng pagkaload ko sa tindahan.

"Ma!?"

"Oh anak napatawag ka, Kamusta pag-aaral mo sa Quezon City?" Kamusta sa akin ng babaeng boses ang nanay ko.

"Ayos lang po Ma, Mama hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko at hindi rin ako sigurado pero may Zombie na kumakalat ngayon"

"Zombie?" Takang tanong nya.

"Kausapin ko po si Papa" Namamadali na ako.

"Ako nalang magsasa-"

"Ma! Kausapin ko po si Papa dali na!" Halos di ko mapakaling nailakas ang boses ko sa pagmamadali.

"S-sige saglit lang anak....tawag ka ng anak mo... oo...kakausapin ka daw...." Natarantang binigay ng nanay ko ang cellphone sa aking tatay.

Ilang saglit pa ay sumagot na ang aking tatay "Hello Anak?"

"Pa?"

"Ano yun anak bakit parang hinihingal ka?" Alala nyang tanong.

"Papa, Maniwala po kayo sa sasabihin ko. Bumili na kayo ng maraming pagkain dyan pati tubig, Mga dilata at iba pa. May mga Zombie ng kumakalat, Hindi ako naniniwala sa simula pero may mga kumakalat na sa balita panuurin nyo rin sa Unang Hirit o sa ibang TV channel"

"Tunay ba yan?" Seryosong tanong ng tatay ko.

"Hindi ako sigurado pero mas mabuti ng handa, Mag-imbak na kayo babye po. Mama! Naririnig nyo ako!? Ingat po kayo ah! I love you po!" Sigaw ko bago ko binaba ang cellphone ko dahil nagmamadali na din ako.

"Ito ang mga pinamili mo...Ang dami mo ata binili ah?" Sabi ng ginang na nasa edad 30-32 sa akin.

Nasa harap kasi ako ng tindahan ngayon.

"Hehehe para hindi na ako panay pa labas ng labas, Magkano po?"

"3035 pesos, Puro bigas, chocolate, yan pati delata, Bakit hindi ka nalang namili sa palengke?" Takang tanong ni ate na tindera sa akin.

"Natamad po ako lumayo hahaha ito po ang bayad" Dahilan ko sa kanya.

Binigay ko ang bayad at mabilis kong dinala sa apartment ko ang mga ito, Bumili din ako ng maraming galon ng mineral water at inuwi ko rin agad.

Sa pagbalik ko sa compound ng inuupahan ko ay nakita ako ang may-ari ng bahay si Mang Ben kaya kinamusta ko sya at nag tanong ako kung saan ako makakabili ng palakol.

Nagtaka sya kung ano daw gagawin ko sa palakol kaya sinabi ko na kailangan ko ito sa Project sa isang subject namin.

Kaya sinabi nya ang address ng pwedeng pagbilhan hindi kalayuan dito, Nag tricycle narin ako para mabilis akong makapunta.

Hindi ko alam kung bakit pero marami na akong Zombie Apocalypse na napanuod o nabasa. Sandamakmak din yan sa mga libro, Wattpad, Chinese novel, Japanese, Korean novel lampas milyon na kwento yan at ang mga sikat ay alam ko ang naging paraan nila para makaligtas.

Ang palakol.

Pero ninirbyos ako ngayon.

Paano nalang kung peke lang pala ang lahat ng hinala ko?

Masasayang ba ang lahat paghahanda ko?

Medyo masasayang, Pero pagkain naman ang mga binili ko gamit ang allowance na binigay sa akin ng aking magulang. Marahil ang pagbili lang ng palakol ang masasayang pagmali ako ng hinala.

Tulad ngayon nasa harapan na ako ng isang hardware. Sabi ko kailangan ko ng palakol na mahaba at mas malaki kumpara sa palakol na makikita sa school emergency na katabi ang fire extinguisher.

Bakit hindi espada? Itak? O butcher Knife ang bilhin ko?

Una, Mahina ang pwersa nila sa pagsira ng buto sa isang atake, Di gaya ng palakol na malakas ang bwelo salamat sa taglay nitong bigat at desenyo.

Pangalawa, Limitado lang ang lakas ng tao lalo na ang tulad ko na hindi mahilig sa ehersisyo at pangatlo matigas ang buto ng tao tulad sa pag katay sa buhay na baka.

Kahit leeg pa hatawin ko ay hindi agad ito mapuputol, Sa movie lang yun madali pero mahirap gawin sa tunay na buhay.

Ulo ang kahinaan ng Zombie kaya kailangan ko ang ganitong uri ng sandata pangwasak.

Kaya nang ipadesenyo ko ang palakol ay inabot ito ng halos kalahating oras. Hinawakan ko ito at nagustuhan ko ang bigat para sa akin. Ganoon din ang tibay ng hawakang kahoy at ang kapit salamat sa gomang hawakan.

1900 daw.

Hindi ko na inalala ang gastos at binigay ko agad ang bayad. May 2100 pa ako kaya inisip ko ang pwede pang bilhin. Bumili na rin ako ng makapal na gloves pati makapal na ducktape.

Nag-iisip pa sana ako ng kailangan na gamit kaso wala na akong maisip na bilhin dito. Kaya bumalik nalang ako pauwi sa aking apartment ng sumakay ako sa tricycle.

Bakit hindi nalang ako pumunta na sa gobyerno?

Magandang plano yan, Naiisip ko pa nga na umuwi nalang kaya ako sa amin probinsya?

Pero paano ako uuwi kung may mga kumakalat ng Zombie?

Paano nalang habang papunta ako ay ma-trap ako sa kalagitnaan?

Papaano nalang kung mali lang ako ng akala?

Habang iniisip ko ang mga bagay-bagay na ito ay biglang may humarang sa dinadaanan namin ng tricycle na sinasakyan ko.

To be Continue...

Bạn cũng có thể thích

A Vocalist Diary

Ito po ay isang One Shot Story na sariling likha ng aking malawak na pag iisip. Ang mga lugar, pangalan ng mga tauhan , pangyayari sa kwentong ito ay pawang likha lamang at walang katotohanan . Kung sakali mang ito ay may pagkakatulad sa mga nabanggit ay maaring nagkataon lamang at walang kinalaman sa aktuwal na kwento. Ano man ang maging opinyon at saloobin nyo matapos mabasa ang kwentong ito ay aking tinatanggap. ******** Sypnosis ******** Ninais ni Melvin na tapusin na ang kanyang buhay upang magwakas na ang kanyang paghihirap. Pero sa di maipaliwanag na dahilan dinala sya ng kanyang kamatayan sa nakaraan. Sa lugar na kung saan ipapakita sa kanya ang kanyang naging buhay. Sa papaanong paraan kaya niya matatanggap ang mga bagay bagay na pilit nyang tinatakasan, ang mga bagay na kung saan pinilit nya na itong wakasan. At ano nga ba ang dahilan kung bakit sya humantong na tapusin ang kanyang buhay ? A Sci-Fiction Romance Drama Story at base sa mga literal na nangyayari sa buhay . Layunin ng lumikha na gumawa ng mga kwento na kung saan magkakaroon ng aral ang mga magbabasa, at pagiisip kung paano tumatakbo ang realidad ng mundo . Kwento ito ng isang tao na may pangarap sa buhay . Pangarap sa kanyang magulang. Hilig at talento . Pero sa kabilang banda nariyan ang realidad ng mundo , mga pagsubok at mga paghihirap na magpapabago sa takbo ng kanyang pananaw sa buhay . Ipapakita naten kung gaano kahalaga ang pangarap sa buhay ng isang tao. Nawa'y masuportahan nyo ang aking gawa. Salamat. ----------------- Panulat ng may akda : Keleyan Jun Pyo

MyNameIsKeleyan · Khoa huyễn
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

số lượng người đọc

  • Đánh giá xếp hạng tổng thể
  • Chất lượng bài viết
  • Cập nhật độ ổn định
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới
Các đánh giá
Ôi! Bạn sẽ là người đánh giá đầu tiên nếu bạn để lại đánh giá của bạn ngay bây giờ!

HỖ TRỢ