You can always count on me. Always. My bestfriend.
"Ang sakit! Gago siya! Napakawalang hiya niya!" nakatingin lang ako sa kaniya habang sumisigaw siya at umiiyak.
"Wala kang kwenta! Ang kapal ng mukha mong saktan ako! Itong ganda kong to tapos sasaktan mo lang! Mamatay ka na!"
Ewan ko ba naman kasi sa babaeng to, ilang beses ko na siyang sinabihan na sasaktan lang siya ng gagong yun pero hindi parin siya nakikinig.
Nilingon niya ko at umiiyak parin siya. "Sabihin mo nga sakin, dude, pangit ba ko?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Ngayon ba? Oo, ang pangit mo ngayon." tanging sagot ko.
Mas sumama naman ang timpla ng mukha niya. "Ang sama mo!" nakasimangot na sabi niya.
Tumawa naman ako. "Bakit? Diba nagtanong ka? Edi sinagot ko. Wag ka na kasi umiiyak, mas lalo ka lang pumapangit." kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang kaniyang ilong. "Tignan mo nga! Kadiri ka na rin, may sipon sipon ka pa!" kunwaring nandidiring sabi ko.
"Heh! Mas pangit ka!" hinila niya ang panyo na hawak ko at siya ang nagpunas ng sarili niya.
Tumingin ako sa harapan. "Ang iyakin mo talaga, dude. Bat di mo na lang kaya i-appreciate itong ganda ng tanawin?"
Nasa pinakamataas na parte kami ng siyudad ngayon. Kitang kita mula dito ang mga ilaw na iba't ibang kulay, mga bituin at pati ang buwan. Tambayan na talaga namin tong lugar na to simula nung magkakilala kami. Sobrang tahimik kasi at ang ganda rin sa gabi. Madalas dito kami nagpapalipas ng oras, tumatambay at minsan nga dito rin kami natutulog.
"Buti na lang talaga andito ka." napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harapan. "Paniguradong hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." siya naman ang lumingon sa akin.
"Thanks, dude. I own you a lot."
Tsaka siya ngumiti. Sa wakas.
"Ngumiti ka na rin sa wakas!! Akala ko aabutin pa tayo ng umaga bago kita mapangiti." tumatawang banggit ko.
Hindi ko inaasahan ng hinahin niya ko papunta sa silong ng punong madalas naming tinutulugan.
Umupo kami doon, magkatalikuran. Nakasandal siya sa likuran ko. Her favorite position.
"Thank you talaga sa lahat lahat, dude. Ang dami mo ng nagawa para sa akin. Hilingin ko man o hindi, binibigay mo parin. Pag may kailangan ako, hindi ko man sabihin, alam mo na agad. Pag may gusto ako, mayroon ka man nun o wala, gumagawa ka parin ng paraan para maibigay sakin yun. Hulog ka ng langit sakin, dude. Sobrang salamat dahil nakilala kita."
Nakapikit akong nakinig sa kaniya. Hindi ko napigilan ang ngiting gustong lumabas sa labi ko.
"Nag eemote ka na naman, dude! Tigil mo nga yan!" binatukan niya naman ako. "Aray!"
"Naman kasi! Minsan na nga lang ako magthank you sayo tapos yan pa sasabihin mo!" halata ang inis sa boses niya. Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya at hinarap siya. Ganon din ang ginawa niya.
Pinitik ko ang noo niya. "Anong minsan?! Tumigil ka nga! Lagi kang ganyan tuwing umiiyak ka dahil diyan sa gago mong ex!"
She frown kaya mas natawa ako. "Bad ka!" nakasimangot na naman siya habang hinahaplos ang kaniyang noo. "Sumandal ka diyan sa puno, inaantok ako."
Napailing ako. She's unbelievable. Grabe talaga ang mood niya kung magbago. Pero sanay na rin ako. Sa tagal ba naman na naming magkasama. 17 freaking long years. I'm 24 and I was just 7 years old when I meet her.
Sumandal ako sa puno. Naka extend ang paa ko at doon siya umunan. This is how we sleep here. Hihiga siya sa hita ko at nakasandal naman ako sa may puno, minsan naman nagpapalit kami.
Tinanggal ko ang jacket na aking suot at ipinatong sa may paa niya. Malamig kasi at nakaslipper lang siya. Pinagrurubber shoes ko nga pero ang kulit niya. Tsk!
"Night, dude." bulong niya at pumikit.
I caress her hair. "Goodnight." bulong ko pabalik. Unti unti kung naramdaman ang mabibigat niyang paghinga. Mukhang tulog na siya.
Sana lang makatulog siya ng mahimbing. Pagod talaga tong babaeng to eh. Buong gabi ba namang nagsisigaw at umiyak. Hindi kasi nakinig sakin. Nagpaloko sa gago niyang boyfriend.
Patuloy kong hinahaplos ang buhok niya habang nakatitig sa kaniya.
"Masaya rin akong nakilala kita, dude. Masayang masaya." then I smiled.
Iba talaga ang dulot mo sakin, Chloe. Ibang iba.