webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
165 Chs

Ito Ang Parusa Ko Sayo

Sinarhan ni Lin Che ang pinto at pumasok. "Ano bang problema mo?"

Sumimangot lang ito at sumagot, "Sinabi ko na sa'yo na hindi ka pwedeng pumasok dito."

"Hindi ako aalis dito. Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang problema," sabi ni Lin Che at malalaki ang hakbang na lumapit sa direksiyon ni Gu Jingze.

Wala pa ring ekspresyon si Gu Jingze. "Pwede bang kumilos ka naman nang naaayon sa isang babae? Sinabi ko na sa'yo na hindi ka pwedeng pumasok dito!"

"Maraming beses na akong nilait at pinagsabihan ng mga tao na tumigil na sa pag-aartista, pero ano? Buhay pa rin ako ngayon at maganda ang buhay na nananatiling artista," umupo si Lin Che sa isang makinang hindi niya alam kung ano ang pangalan at sinuyod ng tingin ang maskuladong katawan ni Gu Jingze.

Mas lalo lang nagtagpo ang mga kilay ni Gu Jingze at ang maitim nitong mga mata ay puno ng apoy na katulad ng isang naglalagablab na bituin sa kalangitan; tahimik lang ito pero halata ang galit.

"Gusto mo bang itapon pa kita palabas ngayon?"

Nag-aalala si Lin Che sa tindi ng galit sa mukha nito pero nagmatigas pa rin siya. "Gu Jingze, nandito ako magpaliwanag ulit. Pumunta ako sa airport para sunduin ang kaibigan ko. Hindi mo kailangang magalit nang dahil lang doon. Oo asawa mo nga ako pero tao pa rin ako. May karapatan akong makipagkita sa kaibigan ko. Hindi ba't nagkasundo na tayo dati na hindi tayo makikialam sa buhay ng bawat isa?"

Sumabat si Gu Jingze, "Hindi makikialam? Oo, hindi ako makikialam sa karapatan mong makipagkita sa kaibigan mo pero dahil sa kaibigan mo, hindi mo na kailangang umuwi pa dito. Kaya pwede ka ng umalis ngayon din!"

"Ano…" Hindi na niya talaga maintindihan si Gu Jingze. Walang makakapantay sa ugali nito!

Nang sandali ding iyon ay hinablot siya ni Gu Jingze at pwersahang hinihila palabas.

"Gu Jingze, bitiwan mo nga ako! Ang sama-sama talaga ng ugali mo, ano…" Sobra na siyang naiinis kaya humarap siya dito at kinagat niya kamay nito na nakahawak sa braso niya.

Lasap pa niya ang pawis na nagmumula sa kamay nito.

Hindi pa rin nagpatinag si Gu Jingze. Para bang hindi ito tinablan ng sakit.

Tinanggal ni Lin Che ang kamay nito at tiningnan ang mukha nitong hindi maipinta.

Matigas pa rin na nagsalita siya. "Kapag sinabi kong hindi ako aalis, ibig sabihin ay hindi talaga ako aalis."

Dahil sa inis na nararamdaman niya ay hindi na siya nag-isip pa ng ibang bagay.

Nang hindi pa rin nagbabago ang mukha ay bigla nitong hinablot ang braso ni Lin Che at pabagsak itong pinaupo sa isang malambot na upuan ng isang kagamitang pang-gym.

Pagkatapos ay pumaibabaw ang maalat nitong katawan kay Lin Che.

Naaamoy ni Lin Che ang hininga nito. Basang-basa pa rin ang buong katawan nito. Ang suot nitong shorts ay basa rin sa pawis, kung kaya naging madulas ito sa pakiramdam nang dumikit sa katawan niya.

Halos maubos ang kanyang hininga dahil sa pagpipigil. Pero sa di niya malamang dahilan ay parang may hatid na kakaibang pakiramdam ang paraan ng pagtulak nito sa kanya pahiga sa upuang iyon.

Magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman at hindi niya mapigilan ang panginginig ng katawan. Ganoon pa man, parang gusto niya ng sumabog lalo na at dikit na dikit ang basa nitong shorts sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.

Ang katawang katatapos lamang mag-ehersisyo ay parang isang halimaw na nagising at nakahanda ng lumapa ng kanyang mabibiktima. Mas lalong naging matigas ang mga kalamnan nito at mahahalata ang kakaibang lakas na inilalabas ng mga iyon. Mahirap pigilan ang sarili na hawakan ang nag-uumbukang mga muscles na iyon.

Sinakop ng malaki nitong kamay ang sampu niyang mga daliri. Nang nagsimula na ito sa paghalik sa kanyang labi ay nalasap niya kaagad ang maasim na maalat na pawis nito sa kanyang bibig.

Nang sandali ding iyon ay naramdaman ni Lin Che ang biglang pag-akyat ng mainit na pakiramdam na nagmumula sa kanyang puson at para siyang inilulutang.

Maya-maya'y tumigil si Gu Jingze. Wala sa sariling dinilaan ni Lin Che ang labi na para bang nagsasabing ayaw niya pang tapusin ang sandalling iyon.

Pero, mas nangibabaw pa rin ang sigaw ng kanyang utak.

"Gu Jingze… Napakainit mo. Bitiwan mo ako."

"At ngayon mo pa sinabi iyan! Pero huli na!" Tinitigan ni Gu Jingze ang nang-aamo niyang mga mata at noon din ay buong pananabik na sinakop ang kanyang labi.

Sa nipis ng kanyang katawan ay para bang gusto siya nitong sakupin nang buo.

"Hindi, nadadaganan mo ako. Masakit…"

"Hindi ito masakit!" Nanigas ang ibabang bahagi ni Gu Jingze. Hindi ba alam ng babaeng ito na iba ang dating sa kanilang mga lalaki kapag dumadaing nang ganoon ang babae?

"Pero…"

"Huwag kang malikot; hindi ka masasaktan. Hindi ka gaanong masasaktan…" Patuloy siyang hinawakan ni Gu Jingze hanggang naglakbay na ang kamay nito sa ibaba.

"Gu Jingze, tama na…" Mas lalong humina ang boses ni Lin Che.

"Ngayon lang ito. Kapag ginalit mo pa ako, hindi na kita palalampasin pa," saad ni Gu Jingze.

"Sino ba'ng nanggagalit sa iyo… Sinundo ko lang ang kaibigan ko…" Mapapaiyak na si Lin Che.

"Kaibigan? Ang sarap namang pakinggan niyan. Sinabi mo nalang sana na ang mahal mong Qin Qing ang kasama mo nang sa gayon ay hindi mo na kailangan pang gumawa ng kwento."

"Sinong mahal?!" Napataas ng boses si Lin Che, pinipigilan ang mga luha sa pagbagsak.

Gusto na niyang maiyak dahil sa mga nangyayari. Bakit umabot na sa ganito?

"Si Qin Qing. Hindi ba't siya ang mahal mo? Bakit? Kailangan ko pa bang ipaliwanag iyan sa iyo?"

Nagtatakang tiningnan ni Lin Che si Gu Jingze. "Ano'ng Qin Qing? Baliw ka na ba? Si Shen Youran ang kaibigan na sinundo ko! Kauuwi niya lang galing abroad!"

Nagtagpo ang dalawang kilay ni Gu Jingze. Hindi makapaniwalang tiningnan nito si Lin Che. "Hindi ka nakipagkita kay Qin Qing?"

"Sinong nakipagkita kay Qin Qing?!" Itinulak ni Lin Che si Gu Jingze. Nang yumuko siya ay napansin niyang nagusot na ang suot niyang damit. Napaupo naman si Gu Jingze sa sahig at hindi makatingin sa kanya.

"Nagagalit ka dahil akala mo nakipagkita ako kay Qin Qing?" tanong ni Lin Che.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Gu Jingze at naglaho na ang kanina'y madilim na anyo nito. Pero, halata ngayon sa mukha nito ang pagkahiya.

Iniwas nito ang tingin kay Lin Che para maitago ang hiya. "Oo… oo. Ngayon lang kasi ako nakakilala ng napakabaduy na taong katulad mo."

"Ikaw ang pinaka-baduy sa lahat! Hindi ako nakipagkita kay Qin Qing! Si Youran ang kasama ko maghapon at magkasama kami sa isang coffee shop at pagkatapos ay nagpunta kami sa isang bar!"

Tumayo si Gu Jingze, "Talaga? Kung ganoon… mabuti kung ganoon."

Pero inirapan lang ito ni Lin Che. Lumapit siya dito at gamit ang isang kamay ay itinulak niya si Gu Jingze, "Ikaw… Napakahalimaw mo talaga. Nakakainis ka sobra!" Pagkatapos ay patakbo siyang umalis doon at hiyang-hiya sa sarili dahil sa nangyari kanina.