webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
165 Chs

Ikaw Ay Asawa Ko

Hindi makapaniwala si Lin Che sa narinig. Tiningnan niya si Lin Youcai na bigla nalang nagbago ang anyo sa harap nila.

Ano ba ang binabalak nito? Bakit nag-iba bigla ang ikinikilos nito?

Mahinahon pa ring nakatingin si Gu Jingze kay Lin Youcai. "Bago pa lang kaming nagsasama, kaya hindi naman ako masyadong nagmamadali na bumisita sa kanyang tahanan."

"Oh, pero welcome ka sa amin kahit anong oras ka pumunta. Mas maaga, mas maganda," Tumawa nang malakas si Lin Youcai. "Lagi kaming nag-aalala para kay Lin Che. Bata pa siya at hindi pa gaanong mature. Balang araw ay mauunawaan din niya na ang lahat ng aming ginagawa ay para sa ikabubuti niya. Ngayon, nasa ilalim na siya ng iyong pangangalaga."

Iniyuko ni Gu Jingze ang kanyang ulo para tingnan si Lin Che at maingat na hinawakan niya ang kamay nito.

Itinaas naman ni Lin Che ang ulo at sinundan ang kanyang tingin.

Muling nagsalita si Gu Jingze. "Si Lin Che ang pinakatunay, pinaka-nakakahanga, at pinakamagandang babae na aking nakilala. Kapag kasama ko siya, lagi akong masaya. Kaya tungkulin ko ang alagaan siya."

Sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ni Lin Che.

Habang nakatingin siya kay Gu Jingze, hindi niya akalain na aabot sa ganito ang pagtulong nito sa kanya.

Sobrang naantig ang kanyang damdamin. Wala pang kahit sino ang tinrato siya nang ganito kaganda.

Sumilay ang mga mata ni Lin Youcai kay Gu Jingze, unti-unting nagpapakumbaba sa kanya.

Samantala, hindi naman nagugustuhan ni Han Caiying ang ipinapakitang paggalang ng kanyang asawa sa pobreng iyon. Hindi niya kayang tiisin na panoorin ito!

Nagsimula ng itulak ni Gu Jingze ang wheelchair ni Lin Che. "Nasugatan ang paa ni Lin Che dahil sa isang car accident. Hindi pa ito masyadong magaling kaya kailangan niya ng mas maraming pahinga. Kung wala na kayong ibang sasabihin, iuuwi ko na siya."

Mabilis namang sumagot si Lin Youcai. "Oo naman, siyempre. Sige, mauna na kayo. Dito kayo dumaan."

Sa huling pagkakataon ay nang-iinis na sinulyapang muli ni Gu Jingze si Han Caiying. Habang itinutulak niya si Lin Che, nagngingitngit na ito sa sobrang galit.

Anong klase ng pag-uugali iyon? Ang lakas ng loob niyang kumilos nang ganoon sa harapan ko? Sa isip ni Han Caiying.

Mula sa malayo ay pinagmamasdan ni Qin Qing si Lin Che na palabas na habang kasama ang isang gwapo ngunit malamig kung tingnan na lalaki. Bahagyang nagulo ang kanyang puso.

Sino ang lalaking iyon?

Patuloy lang na nagmasid si Qin Qing habang itinutulak ng lalaking iyon ang wheelchair ni Lin Che, kapansin-pansin ang pagiging maingat nito.

Dahil gusto niyang mangusisa, lumapit si Qin Qing sa direksiyon nina Han Caiying. Hindi pa siya nakakalapit ay naririnig na niya itong galit na sumisigaw kay Lin Youcai. "Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo? Bakit parang gustong-gusto mo ang pobreng iyon, at halos halikan mo pa ang mga paa nito?"

Kahiya-hiya ang hitsura ni Han Caiying ng mga sandaling iyon.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Lin Youcai si Han Caiying. "Hindi siya isang ordinaryong lalaki!"

"Oo, mukha siyang disente, pero gwapo rin si Qin Qing at higit na mayaman kaysa kanya," pakli ni Han Caiying.

"Kita mo na. Hindi mo man lang napansin na nakasuot siya ng singsing sa kanyang daliri. Ang singsing na iyon ay hindi mo makikita sa kahit sino lang."

"Ha, singsing lang iyon. At isa pa, bakit naman kailangang magsuot ng isang lalaki ng alahas sa katawan?"

"Wala ka talagang alam. Nakita ko na ang singsing na iyon sa isang tao dati. Suot-suot niya iyon habang nasa TV."

"Sino? Sinong artista?" Naisip ni Han Caiying na dahil nakita ito sa TV, tiyak na isa itong artista.

Nanliit ang mga mata ni Lin Youcai. "Ang Presidente."

Parang bumagsak ang panga ni Han Caiying nang bumulalas ito. "Imposible! Nababaliw ka na ba? Baka nagkamali ka lang sa nakita mo."

Noon din ay lumapit si Qin Qing mula sa likuran. Dahil narinig niya ang mga ito na binanggit ang singsing ng Pangulo, seryoso siyang nagtanong. "Tito, Tita. Ano po ba'ng pinag-uusapan ninyo? Tama nga po na nakasuot ang Pangulo lagi ng singsing. Kilala siya bilang isang taong malapit sa kanyang pamilya kaya sinusuot niya ito bilang simbolo ng kanyang pamilya at kahit saan man siya magpunta, lagi itong mapapansin sa kanyang daliri. Ngayon lang... Ngayon lang, ang lalaking iyon."

Ang lalaking iyon ay isang Gu?

Hanggang ngayon ay may bukod-tangi at nag-iisang tao sa mga Gu na kahit kailan ay hindi pa nailalabas sa publiko ang larawan at iyon ay walang iba kundi ang mailap na si Gu Jingze.

"Huwag niyong sabihing si Gu Jingze ang lalaking iyon na tumutulak ng wheelchair ni Lin Che?"

Ang isang pangungusap na iyon ay nagpatigil sa lahat ng nandoon.

"90% sure ako sa aking hinala," mas lalong nakatiyak ngayon si Lin Youcai pagkatapos mapakinggan ang parehong hula nila ni Qin Qing.

Ngunit hindi pa rin kumbinsido si Han Caiying. "Imposibleng mangyari iyan. Napasobra naman siguro ang pag-iisip ninyong dalawa. Tingnan niyo na lang ang mababang Lin Che na iyon! Paano naman siya makakabingwit ng ganoon kalaking isda? Napakataas naman ng tingin ninyo sa kanya."

Ayaw talagang maniwala ni Han Caiying. Imposibleng mangyari iyon.

Ang pagpapakasal ng isang magandang artista na si Lin Li sa isang mayamang si Qin Qing ay sapat na upang kainggitan ng karamihan.

Bakit naman ang kagaya ni Lin Che ay makakahanap ng ganoon kayaman at ka-makapangyarihang lalaki?

Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa maniwala na totoo nga ang sinasabi nila.

Nagtataka rin si Qin Qing. "So... paano nila nakilala ang isa't-isa?"

Direkta namang sumagot si Han Caiying. "Hmph. Kahit siya man talaga iyon, tiyak na pinaglalaruan niya lang si Lin Che. Naging malakas na ang kanyang loob, kinalantari niya si Gu Jingyu tapos ngayon ay ibang lalaki naman. Ganoon ba siya kapursigido pagkatapos makita si Lin Li na isasakripisyo niya ang kanyang sarili para lang sa pera? At gusto mo pa man din siyang i-encourage, ha, Youcai? Kapag napagod na siya sa pakikipaglaro, hindi lang ibang tao ang babanggain niya. Tiyak na idadamay niya din tayo."

Magkapantay na ang kanyang mga balikat, at mukhang hindi magtatagal ay sasabog na si Han Caiying sa sobrang pagkainis.

Habang pinapakinggan ni Qin Qing ang mga salita ni Han Caiying, nalulungkot na tiningnan niya ang direksiyong tinahak nina Lin Che at ng lalaking iyon.

Samantala, sa gilid ay nagtatakang nakatingin ang mga tao kina Lin Che at Gu Jingze.

Samu't-saring usapan ang maririnig mula doon.

"Sino ang lalaking kasabay ni Lin Che na umaalis?"

"Oo nga. Hindi ko pa siya nakita dati, pero ang gwapo-gwapo niya."

"Ang ganda ng mga matang iyon. Sa tingin ko ay mas gwapo pa siya kaysa sa ikakasal."

Naririnig naman ni Lin Li ang mga ingay na iyon, ngunit lumingon lang siya nang marinig niya ang isa sa mga nandoon na nagsabing mas gwapo pa raw ang lalaking iyon kaysa sa kanyang mapapangasawa.

Kasama ni Lin Che ang lalaking iyon?

Napuno ng galit ang puso ni Lin Li.

Ang Lin Cheng iyon...talagang pumunta lang ito dito dahil mayroon itong binabalak. Pumunta ito para agawin ang spotlight mula sa kanya.

Patuloy pa ring itinutulak ni Gu Jingze ang wheelchair ni Lin Che hanggang sa makarating sila sa isang pwesto na mas kaunti lang ang tao. Noon lang din nakahinga nang maluwag si Lin Che. Tiningnan niya si Gu Jingze at tinanong, "Bakit ka nga pala nagpunta dito?"

"May kasiyahan sa inyong pamilya. Bilang asawa mo, kailangan kong pumunta para magmasid, tama ba ako?"

Habang nakatingin sa likuran ay nakikita niya pa rin ang anino ni Qin Qing.

Sa kanyang puso ay hindi niya maunawaan kung bakit nagustuhan ni Lin Che ang lalaking katulad nito. Hitsura lang naman ang mayroon ito.

Ganitong lalaki ba ang gusto ni Lin Che?

Habang iniisip iyon, lalo lang naging seryoso ang mukha ni Gu Jingze.

Sumagot si Lin Che, "Engagement party lang naman ito ng kapatid ko."

"At ang engagement ng lalaking gusto mo."

"Hoy, hindi naman iyan ganiyan."

"Qin Qing, hindi ba't iyan ang kanyang pangalan?"

Bahagyang nagdilim ang mukha ni Lin Che. "Nakaraan nalang lahat ng iyan!"

"Ganoon pa man, bilang asawa mo, kailangang kasama mo ako sa mga pagtitipong katulad nito."

"Hindi mo naman kailangang..."

"Okay lang iyan. Asawa mo ako." Itinulak na siya ni Gu Jingze papunta sa labas.

"Sa papel lang." paalala ni Lin Che sa kanya.

"Sa bawat araw na hindi pa tayo divorced, ikaw pa rin ang babaeng inilaan sa akin para maging asawa ko. Sa batas at sa mata ng mga tao. Asawa kita, kaya dapat nandito rin ako."

Inangat ni Lin Che para tingnan ito. Dahil sa mga sinabi nito ay nakaramdam siya ng masarap na init na lumukob sa kanyang puso. At punong-puno ng kaligayahan ang buo niyang katawan ng mga sandaling iyon.