1 INTRODUCTION

On going revision...

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE... 

 

Sa mundong dalawa lang ang pagpipilian, ang gumawa ng tama o mali.

Paniguradong tama ang pipiliin ng lahat, dahil sino ang gustong gumawa ng mali?

Wala.

Maliban sa isang lalaking kalmadong naglalakad, ikinakasa ang kalibre de kwarentang baril bago isinuksok sa likod ng pantalong natatakpan ng suot na itim na leather jacket na pinailaliman ng itim na t-shirt na pinaresan ng itim na pantalon at itim na sapatos. Pinakahuli sa kanyang postura ay ang itim na sumbrero.

Sa porma niya ngayon, walang makakapagsabing isa siyang mabuting nilalang at gumagawa ng tama.

Mali.

Kailangan niyang gumawa ng mali upang maitama.

Matalim ang mga matang nakatingin sa buong paligid.

Mabibilis ang mga lakad na tila nagmamadali patungo sa likod ng bodega habang nilalagyan ang hawak na baril ng silencer.

Nang mabuksan ang maliit na pintong gawa sa bakal ay hinawakan ang earpiece sa loob ng tainga at mahinang nagsalita.  

"Situation Victor?" bulong niya habang nakatingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.

"Ready sir!"

Ang nagngangalang Victor ay nagpalakad-lakad sa itaas ng gusaling kinaroroonan, itim ang buong kasuotan nito at nagmamasid sa madilim na bahagi ng minamatyagang gusali habang may tila hinahampas sa hangin.

Pagkarinig sa tugon ng usapan ay inayos niya ang itim na sumbrero, kampante at kalkulado ang bawat kilos saka tumingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan. 

"Echo, Romeo, Oscar?" 

"Ready sir!" sagot ng tatlo. 

Nakapalibot sa bawat kanto sa itaas at ibaba ng gusali ang kanyang apat na tauhan habang sa isang malawak na espasyo sa loob ng bodega ay kausap ng kanyang amo ang isang may edad ng Filipino- Chinese National kasama ng mga tauhan nito. 

Sa panig kanyang amo ay nasa kwarenta sila at sa kausap nito ay nasa kinse lamang. 

Ngunit lahat ng tauhan ay mayroong hawak na baril habang nagbabantay sa loob at labas ng naturang lugar tinitiyak ang kaligtasan ng mga amo.

 

Matapos makipag-usap sa mga tauhan ay nagpasya siyang bumalik.

Eksaktong naisara niya ang pinto nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

"Ikaw?"

Hindi 'yon isang tanong kundi isang pagdeklara mula sa kasamahan.

Na kahit hindi niya lilingunin alam niyang nakatutok sa likod ng kanyang ulo ang baril nito. Isang bagay upang masiguradong mamamatay ang kaaway.

Nagtiim ang kanyang bagang at kabadong tumingin sa hindi kalayuan kung saan nagaganap ang transakyon. 

"Thank you for coming Mr. Tang." Malugod na binati ng isang matandang lalaking may suot na amerikanang kulay puti ang matandang intsik na naka tuxedo ng itim, sa tagal nitong paghihintay sa ganitong pagkakataon ay natural lamang na maging masaya ito. 

"Ofcourse! It's you Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik habang nakangiti. 

Sa likod ng dalawa ay ang sampung trak na may lamang kargamento na kasalukuyang ini- inspeksyon ng mga tauhan.

Ang matandang naka suot ng amerikanang puti ay nilapitan ng kanang kamay nito.

"Marco, secure the area."

Agad naman itong tumalima at umalis kasama ang sampung tauhan.

Ang matandang Mondragon ay lubos ang tiwala sa kanang-kamay nito. 

Matagal na nitong tauhan kaya ang mga ganitong transaksyon ay dito na ipinapaubaya. 

"Where's Dave?" Nilinga nito ang paligid.

Sa may pinto ng bodega sa likuran ay nagliliparan ang mga sipa at suntok ng dalawang lalaking matinding naglalaban.

Ngunit kahit halos magkapantay ng lakas at galing hindi padadaig si Dave. Dahil sa oras na matalo siya ito na ang kanyang katapusan.

Ngayon parehas na silang nakatayo at nakatitig sa isa't-isa bago sabay na tumingin sa mga baril na nasa hindi kalayuan.

Nalaglag ang mga ito mula ng magsimula silang maglaban.

Isang malakas na buelo ng paikot na sipa mula sa kalaban ang kanyang naiwasan sa pamamagitan ng pagluhod padulas patungo sa likuran nito kasabay ng pagdampot sa baril.

At nang magharap ang dalawa ay parehas ng nakatutok ang baril sa isa't-isa habang nakatayo.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang boses ng matandang amo.

Hindi na mapakali ang matandang Mondragon dahil lumipas na ang tatlong minuto, wala pa ang tauhan.

Kailangan na ng final inspection sa mga produkto upang matapos na ang transaksyon.

Ilang sandali pa, lumabas mula sa kung saan ang tauhang si Dave at kalmadong lumapit sa kanya.

"Check it!" Itinuro niya ang sampung trak.

Tumalima si Dave.

"Yes boss," agad siyang sumunod sa utos at lumapit sa mga sasakyan.

Pinagkakatiwalaan din siya ng matanda dahil noon ay iniligtas niya ito sa tiyak na kapahamakan.

Matagal na ang amo sa larangan ng ganitong negosyo mahigit walong taon na, ngunit gano'n pa man ay pinagkakatiwalaan siya nito sa loob lang ng anim na buwan. Nakuha niya ang tiwala nito ng ganoon lang kabilis. 

Ang trak ay tinatawag na wing van ay nakabuka ang dingding at hantad ang nasa loob. 

Naroon ang ibang tauhan katatapos lang magbilang.

"Bumaba na kayo."

Agad nagsibabaan ang mga ito.

Nakakamada ang mga kahon-kahon ng mga delatang sardinas na gawa mula sa ibang bansa.

Ngunit sa ilalim ay naroon ang mga kahon na gawa sa bakal kung saan naroon ang tunay na produkto.

 

Sinuyod ng kanyang tingin ang mga nakikitang kargamentong nakapaloob sa isang malaking kahon. 

 

May mahahabang baril at mga nakabalot na mapuputing powder  sa cellophane, kahit hindi niya alamin ang loob, sigurado siya kung  ano ang laman.

Napakahusay ng kanyang amo at ng intsik na ito dahil hindi man lang nahuli ng custom.

May sariling mga pribadong eropolano ang amo at doon ikinakarga ang mga produkto mula sa ibang bansa.

Dito na lang inililipat sa trak tulad ngayon.

Hindi rin ito nahuhuli dahil may mga koneksyon sa awtoridad at sa mga maimpluwensiyang tao sa lipunan.

 

Agad siyang bumalik at bumulong sa amo.

"Kumpleto boss."

Maya-maya pa ay nag-abot sa gitna ang dalawang grupo para magbayaran.

Sa isang maliit na mesang naroon ay ipinatong nito ang hawak na attaché case na agad niyang binuksan.

Tumambad ang nakahilerang bundle ng perang dolyar.

"Mr. Tang , it's worth one million US dollars," anang kanyang amo.

Ngumiti ng malapad ang matandang kausap ng amo.

Maglabas man ng gano'ng halaga ang amo, halos doble naman ang balik nito sa oras na maipamahagi sa mga ka sosyo.

Nagkamayan ang dalawang matatanda hudyat na tapos na ang usapan.

Nang paalis na sila ay biglang dumating ang kanang- kamay at humarang sa daanan.

Tila bumagal ang buong paligid nang makita ang paghakbang ng naturang tauhan.

"Marco..."

Natigil sa pagsasalita ang amo at lahat ay nakatuon ang tingin sa humarang, ngunit hindi sa kanang-kamay ng amo kundi sa hawak nitong nakahandusay na lalaking tila wala ng buhay habang ang pulang likido ay nakakalat sa sahig dahil sa paghila rito.

Isa ito sa kasamahan nila.

Si Simon ang isa sa  pinakamahusay at pinaka maasahan na tauhan ng amo ngunit ngayon wala na itong buhay.  

Tumalim ang tingin ng matandang Mondragon habang nakatitig sa nakahandusay na tauhan.

Alam nito ang kalakaran ng mga intsik, hindi pauutang at hindi palulugi!

Palihim na binunot ni Dave ang baril sa likuran ng suot na pantalon at mahigpit niyang hinawakan bilang paghahanda sa anumang mangyayari.

"What is the meaning of this?" mapanganib na wika ng matandang Mondragon sa kausap.

Tila nataranta ang kausap ngunit kalmado pa rin itong nagsalita.

"I don't know Mr. Mondragon-"

"Nǐ shì zài chūmài wǒmen ma?" diretsong tanong ng matandang Mondragon.

"Dāngrán bùshì!" agad namang depensa ng ka transakyon.

Nang hinablot ng matandang amo ang kwarenta 'y singkong baril sa likod ng pantalon nito at itinutok sa kaharap ay doon na naalarma ang lahat, biglang nagkatutukan ang mga tauhan ng dalawang amo.

Siya ay nasa likuran ng matandang Mondragon habang nakatutok ang kwarenta de kalibreng baril sa kanang kamay ng kausap.

Walang kaabog-abog ay biglang may pumutok na baril na siyang nagpatumba sa matandang intsik na may tama sa noo.

Lahat ay napalingon sa gumawa. Nagmumula ito sa kanang-kamay ng matandang Mondragon si Marco.

Hudyat ng kaguluhan!

Tila bumagal ang paligid kasabay ng pagbagsak ng intsik ay ang paghila ni Dave sa kwelyo ng amo patungo sa kanyang likuran upang maikubli ito at mailigtas kasabay ng pagtakbo palabas habang nakikipag palitan ng putok sa kalaban.

Nang makalabas na sila ay nilingon niya ang naturang gusali kung saan papalabas ang iba. 

Nang walang anu-ano ay biglang may sumabog sa loob ng naturang bodega! 

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga trak at sa lakas ng pagsabog ay muntik na silang tumilapon. 

Tila nag-aapoy na impyerno ang naturang bodega.

 

Nagulantang ang lahat at nagtakbuhan upang makaligtas. 

Nanigas ang matandang Mondragon. Nag rereplika sa paningin nito ang naglalagablab na apoy na siyang tumutupok sa pagmamay-aring negosyo. 

Naglabasan ang ilang mga nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala na nagmumula sa kung saan.

Naalarma ang lahat ngunit na hindi alam kung sino ang kalaban!

Mabilis niyang hinila sa pulso ang amo. 

"Dito tayo boss!" 

Tumakbo sila patungo sa parking area kung nasaan naghihintay ang sasakyan. 

Akmang bubuksan ng matandang amo ang pintuan, subalit dagling natigilan nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

Lumingon ito at ganoon na lang ang takot nang makita ang nakatutok na baril sa ulo nito. 

"A-anong ibig sabihin nito?" kabadong untag nito na tila hindi agad rumehistro sa utak ang nangyayari. 

"Arestado ka." Bagamat mahinahon ang kanyang bawat salita ay tila naging hudyat ito upang mabalik sa reyalidad ang amo.

Natauhan ang matandang Mondragon.

"Hayop! Pinagkakatiwalaan kita!" Buong lakas itong sumigaw sa magkahalong takot, galit at hinanakit. 

Alam niya 'yon. Alam niyang nakuha na niya ang tiwala ng amo, matagal-tagal din ang samahan nila, kasama na siya nito sa lakaran, sa mga pagtitipon, sa mga transaksyon.

Ngunit ang misyon ay misyon.

Matalim ang mga matang itinulak niya ang matanda papasok ng kotse ngunit bigla na lang may kumasang baril sa kanyang likuran.

"Boss tumakas ka na!"

Napalingon ang matandang Mondragon at gano'n na lang ang ngisi nito nang makita ang kanang kamay nitong nakatutok ang baril sa kanya.

Si Marco!

"Ang hayop na 'yan ang pumatay kay Simon!"

Nanlaki ang mga mata ng matandang Mondragon.

"Demonyo ka Villamayor!"

Akmang haharap na ang matanda nang biglang may bumaril kay Marco na agad nitong ikinahandusay, sa ulo ang tama.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Dave pagkakita sa bumaril. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan na isa sa kanyang kasamahan.

Agad nitong pinaarangkada ang sasakyan papalayo sa lugar tangay ang matanda.

"Napakahayop mo! Traydor! Ano bang kailangan mo? Pera? Pag-usapan natin pakawalan mo lang ako!"

Kinuha niya ang duct tape sa compartment. 

"A-anong ginagawa mo?" Nakahantad ang takot sa mukha ng boss na ngayon ay "Target" na. 

Hindi sumagot si Dave at sa halip ay ipiniring sa mata ng target at itinakip sa bibig nito. 

"Hayop ka Villamayor!" tanging naisigaw nito bago magwala. 

Tumawa ang kaibigan niya at alam niya ang ibig sabihin ng tawang iyon.

Hindi 'yon ang tunay niyang pangalan.

Pinindot niya ang earpiece sa loob ng tainga. 

"The target is secured!" aniya sa mga kasama. "I repeat the target is secured!"

"Copy Captain!" tugon ng lahat. 

Pagkuwan ay napangiti ang binata. 

Nagpapasalamat siya sa mga kasamahan at napagtagumpayan ang misyong ito ng walang matinding pinsala.

Ngunit habang nasa byahe ay bigla na lang may sunod-sunod na putok ng baril! 

Walang tigil ang pamamaril sa kanilang sasakyan at nagtatalsikan ang bubog ng salamin dahil sa mga balang tumatama.

Hinila niya ang target padapa bago binuksan ang pinto at nakikipagsabayan ng pamamaril.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakaiwas sa tama ng bala ang binata at tinamaan sa tagiliran. Subalit hindi niya ininda ang sakit at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Kaya niyang itaya ang lahat alang-alang sa misyon kahit buhay pa niya ang kapalit.

Hindi niya lubos maisip na ang misyong ito ay magiging isang bigo...

Nakasandal sa upuan, hawak ang may tamang tagiliran at naghahabol ng hininga.

Sa mga oras na ito iisa lang ang tanong niya sa sarili.

Tama ba ang gumawa ng mali?

Napansin niya ang paghinto ng kanilang sasakyan at sa nanlalabong paningin ay naaninag niya ang papalapit na kalaban sa kanila.

"Mabibigo ba tayo?"

"Captain Gian!" naririnig niya ang tinig ng kasamahang nagmamaneho.

Bago tuluyang pumikit ay mahina siyang umusal ng mga kataga.

"M-mission failed..."

 

avataravatar
Chương tiếp theo