webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
85 Chs

Move

Chapter 3: Move

Third Person's Point of View 

Sa loob ng mansiyon ng Smith ay nakarating na sila Reed, Haley, Harvey at Kei at na sa mga kani-kanilang mga kwarto't nagpapahinga. Pabagsak na umupo si Haley sa edge ng kama niya't kinuha ang remote ng aircon na nasa ilalim ng unan niya para buksan ito. 

Nagbuga ng hininga si Haley at hindi sadyang ibinaling ang tingin sa litrato nila ng kanyang kambal. Sa biglaang paggulo ng kanyang isip ay itinaob na lamang muna niya ito.

Naka indian seat naman si Reed sa kama niya habang nakatingin sa biniling chick plush toy na matagal na niyang hindi naibibigay kay Haley. Nayayamot niyang kinamot ang kanyang likurang ulo bago pabagsak na humiga sa kanyang kama.

Nagte-text naman buong magdamag sila Jasper at Mirriam habang nakasuot ng ngiti sa mga labi nila na animo'y mga kinikilig subalit matapos ang ilang minuto nang ibato ni Mirriam ang cellphone niya sa kama, mukhang may nabasa siya na hindi niya nagustuhan.

Si Kei naman ay nag e-edit lang ng kung anu-anong litrato sa personal computer niya habang hinihintay na mag hapunan, si Harvey ay nandoon lamang sa Veranda habang nakatingin sa hindi kalayuan.

May mga kanya-kanya silang iniisip at ginagawa, kaya hindi na nila napapasin, may tao ng nanonood sa kilos nila. 

Kinagabihan,

Mahimbing na natutulog si Haley nang may taong lumitaw sa gilid niya.

Humakbang pa ito palapit bago niya hawakan ang pisngi ni Haley at malungkot itong tiningnan. Walang salita ang lumabas sa bibig niya at tahimik lamang na pinapanood ang natutulog na si Haley, hanggang sa ipikit niya ng panandalian ang mga mata niya na parang may pinapakiramdaman bago siya magpasyang umalis. 

Haley's Point of View 

Nagising ako nang may maramdaman ako sa mukha ko, parang may humawak niyon pero may lamok lang pala na dumapo. Kinuha ko na lang 'yong phone ko na nasa gilid at tiningnan ang oras, pasadong 7 na kaya tumayo na ako na sakto namang may kumatok sa aking pinto.

"Saglit lang!" Ibinaba ko na ang paa ko sa sahig at tumayo upang pagbuksan ang taong kumakatok. Bumungad sa akin ang nakasandong si Reed na medyo nagpaawang-bibig sa akin dahil ngayon ko lang talaga siya nakitaang magsuot ng tank tops. 

"Morning, kanina ka pa tinatawag. Mag-ayos ka na, kakain na." Tumalikod na siya, handa ng umalis nang tawagin ko ang pangalan niya dahilan para lingunin niya ako. 

I looked away while fidgeting. "Ahm, are you free this Saturday? Magpapasama kasi sana ako sa'yo." 

Hinarap niya ako ulit 'tapos taas-kilay akong tiningnan. "Tayong dalawa lang?" Tanong niya na may kasamang pagturo sa aming dalawa.

Tumungo ako, ibinaba ang tingin sa sahig. "Mmh." Sagot ko ngunit napaangat ang tingin dahil sa biglaang paglapit ng mukha niya sa akin. 

"Ano'ng gagawin?" Curious niyang tanong kaya umatras ako, pero dahil humahakbang siya paabante ay siya naman ang pag-atras ko. "Bakit hindi si Kei ang inaya mo?" Dagdag tanong pa niya. 

Sa kakaatras ko, napaupo na ako sa edge ng aking kama. Hindi ko namalayan na ang layo na ng narating namin. Nando'n kami kanina sa pintuan, eh. 

Nginisihan niya ako. "Alam ko na, gusto mo 'kong maka date?" 

Huminga ako nang malalim upang mapakalma ang sarili ko. 

Ito nanaman 'yung pagiging bilib niya sa sarili niya. Ang kapal kapal talaga ng mukha kung minsan. 

Kumurap-kurap siya. "Magsalita ka naman, nahihiya ako rito alam mo ba?" 

Inilayo ko ang tingin. "Magpapasama ako sa simenteryo." Tugon ko, nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pag-iba ng reaksiyon niya bago tumayo nang maayos at tumikhim. 

"A-Ah, gano'n ba?" Tanging nasabi niya. 

"Ayoko lang munang magpasama sa iba," Saad ko. "Mas kumportable ako ngayon kung ikaw." Wala sa sarili kong dagdag kaya nagtaka na lang talaga ako dahil napaatras si Reed habang pulang pula ang mukha niya't takip takip ang bibig gamit ang likurang palad. 

Idiniretsyo ko ang tingin sa kanya habang kunot kunot ang noo ko. 

"Ha? Ano'ng problema mo?" Tanong niya pero hindi niya nagawang sumagot kaya inisip ko 'yung sinabi ko. Doon ko lang na-realize na ang weird nung binitawan kong salita kaya nagsimulang mamula ang mukha ko't ibinato sa kanya ang unan ko. "M-Mali! Mali 'yung pagkakasabi ko! Marami kasing ginagawa si Kei kaya hindi ko siya magawang maisturbo at may training si Mirriam. S-Saka," I paused. "Mas okay kung ikaw nang madalaw mo rin 'yung kapatid mo." Humina ang boses ko pero narinig naman 'yun ni Reed. 

Tumitig lang siya sa akin saka natawa bago isinuklay paangat ang bangs niya. "Oo nga naman, ang tagal na rin nung huli ko siyang madalaw, eh." 

Inilipat ko ulit ang tingin sa kanya at tatanungin sana siya tungkol sa balita sa mga maaaring pumatay kay Rain pero pumukaw sa atensiyon ko 'yung peklat sa noo niya.

"Ayaw mong lagyan ng Sebo De Macho 'yang peklat mo?" Tukoy ko sa noo niya 'tapos tumayo para mas makita ng malapitan 'yung naiwang peklat sa kanyang noo. Kabababa lang niya ng kamay niya. "Ang sabi, nakakawala raw 'yun ng peklat, eh." Wika ko sabay hawi sa buhok niyang nakaharang.

"Subukan mo para mawal--" Hinawakan niya ang pulso ko kaya ibinaba ko ang tingin sa mukha niya, nakasimangot siya at diretsyo lang na nakatingin sa mata ko. 

"Mas gugustuhin kong panatilihin 'yan diyan." Napaawang-bibig ako samantalang seryoso lang ang ekspresiyon niya. "Pipiliin kong maalala ang nakaraan kasama ka." Nanlaki ang mata ko sa kanyang sambit kasabay ang mabilis na pagpintig ng puso ko. 

Mukha namang na-realize ni Reed 'yung sinabi niya kaya napabitaw na siya sa pulso ko't umatras. "S-Siya nga pala! Ikaw ba? G-Gumagamit ka ba ng Sebo De Macho?" Nauutal niyang tanong at ngumuso sa peklat na nasa noo ko bilang pagtuturo.

Hinawakan ko naman iyon at naalala ang aksidenteng nangyari sa akin dati. Iiwasan ko na talagang mag-isip isip ng mga bagay bagay nang hindi ako napupunta sa disgrasya.

***

KASALUKUYAN KAMING kumakain ngayon sa harapan ng lamesa at sa ngayon, parang ang awkward tingnan ni Harvey at Kei dahil wala talaga silang pansinan. 

Pero nag-usap sila kahapon, ah? 

"Kids, mayro'n kaming sasabihin sa inyo. " Pareho kaming lumingon kay tito Alexander. Nakangiti siya habang pinapanood lang kaming kumakain. 

Huminto na muna ako sa pagsubo ng pagkain at itinuon ang atensiyon sa sasabihin ni Tito. "Hindi niyo naman po siguro ibabalita sa amin na buntis din si Tita, 'di ba?" Panimulang tanong ko dahilan para bilaukan si Harvey, at sa ngayon ay tinapik tapik siya ni Manang sa likuran. 

"Haley." Sita ni Mama. 

Humalakhak si Tito Alexander. "Hindi buntis si Tita mo, ayaw na niya, eh" Saad ni Tito Alexander kaya hinampas siya ng asawa niya. "Ito seryoso na, kaso bago muna iyan, okay ba kayo rito?" Tanong niya sa 'min. Tinutukoy ba niya 'yung mansiyon?

Tumingin kami sa isa't isa bago ibinalik ang tingin kay Tito. "Wala namang problema, Tito." Sagot ni Kei.

"Para sa'n 'yan, Dad?" Takang sabi ni Harvey matapos niyang ibaba ang iniinum niya.

Ipinag krus ko ang mga hita ko. "Hmm, okay lang naman, Tito. Pero kung ako tatanungin mo, masyadong malaki. Iyong ibang kwarto, hindi naman na nagagamit kaya naaalikabukan. 'Tapos..." I paused and closed my eyes. "Scary." 

Reed raised an eyebrow. "Scary? In what part?" He asked with curiousity. 

Iminulat ko ang mata ko't dikit-kilay na ibinaba ang tingin. "Tahimik sa isang area ng mansiyon, pakiramdam ko may magmamasid na elemento-- pero hindi ako naniniwala ro'n. Ano lang, hindi ako kumportable." 

Umismid si Harvey. "Sa mga multo multo, takot ka. Pero sa totoong tao, hindi. Nakakatawa ka, alam mo ba 'yon?" 

May pumitik na kung ano sa sintido ko dahil sa inis. Sapakin kita, eh. 

Tumango naman si Tito. "May balak kasi kaming ibenta itong lupa, at nakapag desisyon din kami ni Rachelle at ng asawa ko na lumipat sa bahay na tama lang sa 'tin." Ngumanga kaming apat. Lilipat? 

Humagikhik si Rachelle. "Ayaw talaga ni Sir Alexander nung una, pero kailangan din natin ng sarili nating bahay dahil ayoko namang dumepende palagi sa Smith. Ang laki na ng tulong na ibinigay nila." 

Iwinagayway ni Tita Cory ang kaliwa niyang kamay sa tapat ng dibdib niya. "Ano ka ba, kayo nga ang laking tulong sa kumpanya, eh." At nagsimula na silang mag bolahan sa harapan namin.

Narinig namin ang pagbuntong-hininga ni Harvey 'tapos sumalong-baba. "Maganda pa nga." Sabay iwas ng tingin. 

Malungkot na tumungo si Kei kaya nag-alala kami ni Reed na napatingin sa isa't-isa.

Ibinaling ko lang din kaagad kay Tito Alexander dahil mayro'n pa akong itatanong. "Kailan po ba 'yung paglipat?"

Ipinagkrus ni Tito ang mga kamay niya, proud na ngumiti at tumango. "Hanggang sa mabenta na 'yong lupa" Hanggang sa mabenta iyong lupa? Mukhang matagal-tagal pa naman yata. 

3 days later*  

"Nabenta na?!" Sabay-sabay na reaksiyon namin ni Kei at Reed matapos sabihin ni Tito Alexander na nabenta na raw ang mansiyon. 

Samantalang kumakain lang si Harvey na parang walang pakialam pero alam mong nakikinig din.

"Bakit? Ano'ng akala niyo? Aabot pa ng ilang taon?" Sumandal kami sa sandalan ng sofa. Nandito kami ngayon sa dining room.

Tatlong palakpak ang ginawa ni Tito Alexander na may malapad na ngiti sa labi niya. "Now, now... Pack your things, lilipat na tayo bukas" Nabilaukan si Harvey habang mas nagulantang kami kaysa kanina. 

"Kaagad-agad?!" 

***

"Huh?! Grabe kayo! Iiwan niyo 'ko?!" Tinapik ni Harvey at Reed ang balikat ni Jasper.

"Okay lang 'yan" Tatango-tangong sambit ni Reed, "Masasanay ka rin." Inalis ni Jasper ang kamay nung dalawa at nagsimula ng magdadadaing sa mga ito. 

Nagpakawala ako ng hininga at lumingon na lamang kay Kei na pasimpleng sumulyap sa dati nilang mansiyon. Basag ang mga bintana, at nandoon pa rin ang mga bakas ng mga naiwang sunog.

Isa rin sa iniisip ko kaya kami lilipat ay dahil na rin sa ang dami ng naiwan na 'di magandang alaala sa lugar na ito at nag-aalala lang sila Mama sa pwedeng maging epekto nito sa 'min. 

Nabanggit din kasi nila Papa na ang daming nangyayari sa 'min kaya nagkaro'n ako ng ideya na baka iyon ang nag-udyok sa kanila para magpasyang umalis. 

"Oh, tara na. Marami pa tayong gagawin." Pagkuha ng atensiyon ni Tito Alexander sa amin kaya mga nagsikilos na kami para madaling matapos. Inilagay namin isa-isa ang mga gamit sa likod ng truck. 

Pero ngayong maghihiwalay na pala kami ng titirhan, ano ba'ng dapat kong maramdaman? Nakakapanibago. 

Kinuha ko ang maleta ko't hinila, ilalagay ko kasi 'yon sa compartment ng sasakyan ni Harvey pero napahinto ako dahil parang may nakita akong tao mula sa peripheral eye vision ko. Lumingon ako sa kaliwang bahagi kung sa'n ko naramdaman iyong weird na presensiya ng kung sino. 

Inilipat-lipat ko ang tingin sa kaliwa't kanan para magmasid pero nung makitang wala, nanliit ang mata ko. Guni-guni ko lang ba iyon?