webnovel

Chapter 1

Ako pala si Liana, isang simpleng babae.

Nanggaling lamang ako sa isang ordinaryong pamilya ngunit masaya dahil sa aking mga magulang.

Heto pala si Jasken, ang lalaking matagal ko nang iniirog. Hindi niya madalas mapansin ang aking pagtingin sa kaniya bagkus nakatuon ito sa iba.

Di hamak na sikat ito sa aming paaralan kumpara sa akin na isang estudyante lamang.

Ang mga nagkakagusto at hinahabol siya ay isa rin sa mga kauri niya, ang mga sikat.

Isang araw, habang nasa classroom kami, nakita ko si Jasken na dumudungaw pa sa bintana.

Nakita ko rito na bahagya siyang nakatingin sa may gawi ko. Nagtataka ako kung saan ba siya nakatingin, sa akin ba o sa katabi ko. Eh basta, ibinalik ko na lang ang tuon ko sa klase namin.

Pagkatapos ng aming klase ay akma na sana akong aalis nang may biglang tumawag sa kaibigan ko, si Caleb.

"Caleb! Sandali. Hinto!" sabi ng isang, boses lalaki?! At sino naman ito?

Pagkaharap ko, nakita ko ang humihingal na lalaking si Jasken. Hindi ko alam kung ano ang motibo niya bakit niya tinawag ang kaibigan ko.

Medyo nasaktan ako roon dahil hindi man lang niya napansin ang presensya ko samantalang katabi ko lamang ang kaibigan ko.

"Caleb? Pwede ko ba munang makausap si Liana kahit sandali, nang kaming dalawa lang?" pakiusap niya kay Caleb habang siya'y hinihingal pa rin at tumingin sa akin nang dahan-dahan.

"Ahh sige pare, sakto at may pupuntahan din ako eh. Bye Liana and Jasken, ingatan mo siya, huh?" paalala ni Caleb sa amin habang si Jasken ay umoo lang sa kaniyang mga sinabi.

Papalayo na kami sa isa't-isa. Si Caleb palabas ng aming paaralan at kami naman ni Jasken ay patungo sa isang kainan.

"Ano bang paguusapan natin, Jasken?" tanong ko rito habang umoorder siya ng makakain naming dalawa. Patuloy naman ako sa pagkalabit sa kaniya ngunit hindi niya ako napapansin.

"Hintayin mo nga ako, saglit lang kasi." inis na tugon nito sa akin kaya natahimik ako at saka humarap sa kanan ko. Nagmuni muni ako roon habang hindi pa siya tapos sa pagorder.

"Hoy Liana, eto na ang pagkain mo oh." sabi ni Jasken sa akin saka niya nilagay ang pagkain sa harapan ko ngunit nakatuon pa rin ang atensyon ko sa isang, puting gown?! Anong meron sa gown? Nagaassume ba ako?

"A-ah eh sorry thank you." tugon ko kay Jasken habang nakatingin pa rin sa gown na aking binanggit kanina. Ewan ko ba pero may anong nagtulak sa akin para tumingin dito at magisip-isip ng kung ano-ano na mahihinuha rito.

"Ano ba yung tinitignan mo diyan Liana?" tanong ni Jasken sa akin saka ko naibaling ang tingin ko sa kaniya at saka sumagot.

"Wala kana roon, halika na at kumain nalang tayo." pilosopo kong sagot sa harapan ni Jasken na mas nauna pang kumain kaysa sa akin. Ewan ko pero natatawa ako o kinikilig?!

Habang siya'y kumakain, hindi ko mahinto ang pagsulyap sulyap sa kaniyang mukha. Mula sa kaniyang mga makakapal na kilay, magagandang mata, matangos na ilong at ugh, sa kaniyang mapangang pisngi.

Natigilan ako sa pagtulala at pagtingin sa kaniyang mukha nang sitahin niya ako dahil dito. Ewan ko ba, masyado ba akong adik sa kaniya? HAHA joke.

"Hoy Liana, alam ko namang gwapo ako eh pero please tama na pambubully mo sa akin dahil diyan sa nakakatunaw mong pagtingin sa akin." mahabang sambit ni Jasken sa akin kaya nagulat ako sa kaniya.

"Ha? Ano? Hangin." pilosopo kong tugon dito kaya bumalik nalang ako sa pagkain ng inorder ni Jasken para sa aming dalawa.

Makalipas ang ilang minuto matapos kami kumain, agad naman nagsalita si Jasken habang ako kinikilig pa rin ay este nakatuon pa rin ang atensyon sa puting gown na iyon.

"A-ah Liana? May gusto sana akong sabihin sa'yo." litanya niya. Ngunit ito ako, nakatingin pa rin sa gown na kinahuhumalingan ko ngayon.

"Napapansin kong kanina mo pa yan tinitignan ha, ang puting gown na iyan, Liana." habol pa nito kaya napaharap ako sa kaniya at saka sumagot.

"Ah siguro? Ewan ko eh baka lang naman." gulo kong tugon rito sa harapan niya na ngayon ay natatawa.

"Oh Jasken, bakit ka natatawa? Totoo naman sinabi ko ha." inis kong wika sa kaniya.

"Gusto mo ba iyong gown na iyon? Pwes, bibilhan kita ng ganon, sa tamang panahon." seryoso niyang tugon sa akin. Nagulat ako yung tipong parang ano? Totoo ba itong nangyayari? Pakisampal nga ako parang ganon.

"H-ha? Anong s-sinasabi mo d-diyan Jasken?" tanong ko sa kaniya nang pautal-utal.

"Ang sabi ko, bibilhan kita ng puting gown mo. Kasi liligawan na kita. At gusto ko, ikasal ako sa'yo at suot suot mo ang gown na iyon." tugon ni Jasken. Ano? Is this real? Mama, i'm getting married. Charot.

"S-seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Jasken?" tanong ko ulit nang may kuryosidad sa aking mukha.

"Oo Liana. Mukha ba akong nagbibiro sa lagay na ito, ha?" tanong niya pabalik sa akin na parang inis na siya dahil sa mga gawi ko.

"Ah sabi ko nga hindi eh. Pero bakit ako ang nagustuhan mo at ang taong liligawan mo eh hindi ko naman abot ang meron ka ngayon?" seryoso kong tanong dito.

"Hindi naman porket sikat ako ay sikat na rin dapat ang magugustuhan ko. Nagustuhan kita kasi kahit simple ka, hindi ka mayabang at ikaw ang gusto kong ligawan dahil mahal kita." paliwanag niya.

Nailaki ko ang aking mga mata habang binubulong ito sa aking sarili, "Totoo ba ito? Am i dreaming? Paki-sampal nga ulit ako, charot."

"So, pwede ka bang ligawan, Liana?" seryoso niya ulit na tanong sa harapan ko. Napapalip bite nalang ako dahil sa kilig na nadarama ngayong oras na ito.

"Oo Jasken, sure." tugon ko na may pagkalamig lamig ng boses. Bigla na lamang siyang napasigaw na may pagkalakas lakas at tumalon talon sa tuwa. Parang tanga 'to.

"Yes, yes, YES!" sabi niya saka niya ako niyakap nang sobrang higpit yung tipong mapipisa ka. Niyakap ko na lamang siya pabalik at saka ngumiti at pumikit na parang dinadama mo yung saya.

Matapos ang araw na iyon, sinimulan na niyang manligaw. Sa paaralan man, o sa bahay nila o kahit sa bahay namin. Namanhikan na rin ang pamilya niya sa pamilya ko and yet, pumayag sila mama and papa.

Ilang months din ang itinagal ng kaniyang panliligaw sa akin and ito na, ang araw na sasagutin ko siya at ang araw na magiging opisyal ko na siyang boyfriend o should i say, mapapangasawa ko someday.

"Liana andito na ako sa meeting place natin." text niya sa akin kaya naman nagmadali na akong umalis at sumakay sa jeep.

Pagkarating ko sa meeting place namin ay, woah. Napakaganda kahit na simple lamang ito. Masarap lumanghap ng sariwang hangin dito habang nagstay dito ang mga tao, panigurado.

Maya-maya lamang ay nakita ko na ang isang lalaking nakapormal na ayos, si Jasken. Unti-unti itong humarap sa akin at abot tainga ang kaniyang magagandang ngiti. Shet, umiigting pa ang panga niya.

"Halika Liana, maupo ka na." aya ni Jasken sa akin saka niya inilahad ang kaniyang kamay upang ituro ang upuang inoffer niya na upuan ko para sa akin.

"Salamat Jasken." tugon ko sa likuran niya. Pagkatapos non ay saka siya lumipat sa harapan ko at naupo na rin.

"Liana, anong meron bakit mo ko pinapunta rito?" tanong nito sa akin.

"A-ah kasi diba ilang buwan ka ng nanliligaw sa akin?" kaba kong tanong sa harapan niya habang nagkakalikot ng kamay at nakayuko.

"Oo eh anong meron doon? Sinasagot mo na ba ako?" tanong niya pabalik sa akin. Shet, kinakabahan ako sa kaniya. Kutob ko, mamamatay ako sa kilig. Charot.

"A-ah kasi Jasken ano eh uhm." tugon ko.

"Ano?" tanong niya ulit.

"Oo, sinasagot na kita, Jasken." tugon ko ulit. Tumayo siya bigla na nagsisilbing nagulat siya and at the same time.

"Yes, girlfriend ko na si Liana. YES!" sigaw niyang saad habang ako natatawa sa may likuran niya.

Pagkatapos non ay niyakap niya ulit ako nang mahigpit at saka niya sinabi ang tatlong salita na ito.

"I love you."

Tumugon naman ako dahil na sobrang mahal na mahal ko ito.

"I love you too, Jasken."