webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Khác
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

32: JenRisse

HER POV.

Nandito kami ngayon sa isang ice cream parlor malapit sa University.Break time na naman eh,mahaba kasi break time namin.

"Ano pang gusto mo? Treat ko." Sabi ko kay Jen.Sa totoo lang, mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Nagagalit, nalulungkot and at the same time, naaawa. Naaawa ako kay Jen dahil pinag-salitaan sya ng kuya ko. Alam kong masama ang ugali ng kuya ko but I didn't expect na aabot sa point na mamamahiya na sya ng babae.

"Thank you talaga, bessy ha? Ang bait mo talaga. " sabi nya saka ngumiti. Maganda at mabait si Jen, oo, hindi sya katalinuhan pero wala pa ring karapatan si kuya na pahiyain sya sa harap ng madaming tao.

"Sige na, sabihin mo na 'yung order mo. " sabi ko sa kanya.

"Dahil minsan lang naman 'to, hindi na ako tatanggi. Isang tub na lang ng uce cream. Hehe. " sabi nya.

"What flavor? " tanong ko.

"Uhm, chocolate, vanilla and strawberry. " masayang sabi nya.

"Lahat 'yun?! " tanong ko. Napatakip ako sa bunganga ko ng marealize kong nasa public place kami.

"Oo, hindi mo ba kaya? Ako na lang 'yung bibili. " sabi nya saka ngumiti.

"No, I can buy you an ice cream kaso nag-aalala lang ako dahil baka sumakit ang tyan mo. Malamig 'yun tapos iba't-ibang flavor pa. Concern lang ako, bessy. " pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ayiee, concern sakin si bessy ko. May tatalo na sa ClaSon. " sabi nya. Napakunot naman ang noo ko.

"Ano? " tanong ko.

"Edi JenRisse! " sabi nya. Natawa naman ako.

"O sya, bibili na ako. Dito ka lang ha? " sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman sya. Umalis na ako sa harapan nya saka pumuntang counter.

"Ate, tatlong tub nga po ng ice cream. Isang chocolate, isang vanilla at isang strawberry. " sabi ko sa cashier.

"Okay po, Ma'am. " sabi nya saka pumunta dun sa isang are kung saan may mga ice cream. Nag-antay ako ng ilang minuto at agad din naman dumating ang order ko.

"Here's your order, Ma'am. " sabi nya saka abot ng puting plastic na may laman na tatlong tub ng ice cream. Bumalik na ako sa table namin at nakita ko naman si Jennifer na ngumingiti mag-isa. Lah? Baliw?

"Huy, bessy! " tawag ko sa kanya.

"Oh? " tanong nya na abot-langit ang ngiti.

"Anyare sayo? Bakit wagas ka kung maka-ngiti? " tanong ko saka umupo sa harapan nya at nilapag ang order nya.

"Bessy kasi eh, nakita ko si Josh kanina tapos napatingin sya sakin. " pagki-kwento nya na para bang nasa ulap sya.

"Ano? Aasa ka na naman ba? Hayaan mo na nga ang unggoy na 'yun! Ang panget-panget nun eh tapos hahabulin mo? Psh! Wag ka ng umasa dun, masasaktan ka lang. " paga-advice ko sa kanya.

"Ang hard mo kay Josh, bessy. Atsaka, hindi 'yun panget 'no! Ang gwapo kaya nya! " pagtatanggol nya pa sa kuya kong mukhang unggoy.

"Basta, pinayuhan na kita. " sabi ko saka nag-kibit-balikat.

"Tara na nga, bessy. Pasok na tayo. " sabi nya saka kinuha ang ice cream nya at kumapit sa'kin.

"Alam mo, ang panget ng tawagan natin. " sabi ko sa kanya.

"Ha? Hindi naman ah. " sabi nya.

"I mean, it's a very common endearment, let's try to be unique. " sabi ko sa kanya.

"Nakaka-nosebleed ka naman, bessy. Eh, teka, ano bang gusto mong endearment? " tanong nya.

"Hermana. " naka-ngiti kong sabi.

"Ha? Bakit hermana? " tanong nya ulit.

"In spanish kasi, sister ang ibig sabihin nun kaya gusto ko, hermana ang tawagan natin. " page-explain ko.

"Ang talino mo talaga, hermana 'no? Naisip mo pa 'yun? " sabi nya sakin.

"Hindi ako matalino, mahilig lang talaga akong mag-basa ng libro about sa mga languages ng ibang bansa. " pagpapaliwanag ko ulit.

"Ah, basta. Para sakin, matalino ka. " sabi nya kasabay nun ang pag-tawa namin.

"Tara na nga. " sabi ko sa kanya.

"Let's go, hermana. " sabi nya saka ngumiti.

Hindi naman pala masamang mag-karoon ng kaibigan. Ang sarap pala sa pakiramdam na may kaibigan kang madadamayan, mapapayuhan, makakatawa, maiiyakan at masasabihan ng mga nalalaman mo. Noong mga nakaraang taon kasi, kinikimkim ko lang ang mga nalalaman ko. Hindi kasi ako open kina Mama at kuya eh, kaya ganun. Atleast ngayon, naramdaman ko rin na normal ako.