HER POV.
"Mamang inglisero, ikaw ba 'yung nambugbog sa lalaki kanina?" Tanong ko dahil curious talaga ako.
"May nakita ka bang ibang tao maliban sakin at sa pashneang 'yun? Wala na diba? Edi oo ang sagot, stupid!" Di ngaaaaa?!
"Paano mo nagawa 'yun? Nagma-martial arts ka ba?"
"Basta. Lihim ko na 'yun na hindi mo kailangang malaman." Seryoso nyang sabi.
"Okay." Sagot ko na lang. Baka bugbogin din ako nito eh. Malay nyo napatol pala sa babae 'to.
'Ano ka ba naman,Clarisse! Niligtas ka na nga kung ano-ano pang iniisip mo! Tsk.'
Sabagay, niligtas nya ako kaya bat nya ako sasaktan diba?
"Hindi ka pa pala nagkaka-boyfriend?" Nagulat ako sa tanong nya. Narinig nya 'yung dasal ko kanina?!
"Hindi!" Sagot ko.
"Bakit? Ahh, alam ko na. Pfft." sabi nya saka saglit na tumingin sakin at sa katawan ko. Agad din nyang tinuon sa daan ang mata nya.
Biglang naningkit ang mga mata ko.
"Hoy, hindi 'yun ah! Ayaw ko lang talaga kasi ano.." ano bang idadahilan ko? Ah,alam ko na! "..kasi nag-aaral pa ako!"
Ang totoo kasi nyan, wala pang nanliligaw sakin. Hindi ko nga alam kung anong meron sakin at ilag ang mga lalaki sakin.
"Sus, ang sabihin mo, wala ka lang talagang manliligaw." Sabi nya saka tumawa ng pagka-lakas-lakas.
"Hoy! Hindi ko kasi pinapayagan na may manligaw sakin. Nag-aaral pa ako eh." Sagot ko.
"Gusto mo.." tumingin ulit sya saglit sakin at saka ngumisi."..ako na lang ang boyfriend mo?" Sabi na nga ba eh! May gusto 'to sakin!
*dug dug dug dug*
Aaahhhhh! Eto na naman 'yung abnormal kong heartbeat!
"May gusto ka talaga sakin eh, 'no?"
"Joke lang 'yun, Clarisse. Masyado kang seryoso eh. Eto na bahay nyo, bumaba ka na at baka hinahanap ka na ng kuya mo." Pagtingin ko ay nasa tapat na nga kami ng bahay. Teka, paano nya nalaman 'yung bahay namin at paano nya nalaman na may kuya ako?
"Teka,paano--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nag-salita na sya.
"Sige na, labas na." Sabi nya at pinagtulakan ako sa labas.Ang sama talaga!
"Oo na!" Sigaw ko sa kanya at tuluyan ng lumabas. Sumilip pa ako sa bintana nya para sabihing..
"Thank you ulit!" At pumasok na ako sa bahay.
Kakatok palang sana ako sa pinto ng bahay namin kaso bigla na lamang itong bumukas at tumambad sakin ang galit na mukha ni mama. Okay, patay na ako!
"Clarisse Grahams, pumasok ka." Hindi pasigaw pero may otoridad.
"Opo ma." Sabi ko saka pumasok. Habang naglalakad ako papasok ay narinig ko ang pag-sarado ng pinto.
"Saan ka galing, Clarisse?" Tanong ni Mama na may otoridad pa rin ang boses.
"Ano po kasi ma.." ano bang magandang dahilan? 'Yung unique dapat."..naiwan ko po 'yung libro ko sa locker namin kaya binalikan ko po. Pinakiusapan ko pa po 'yung guard kaya natagalan po ako." Napaka-unique 'no? Sana lang maniwala si Mama.
"Tell me the truth,Arisse." Huhuhu! Mission failed!
"A-ano po kasi ma, nagpunta po akong park tapos napag-pasyahan ko pong mag-stay dun k-kaso po napa-gabi ako t-tapos pauwi na po talaga ako kaso n-naligaw po ako." Nakatungo ako habang sinasabi ang mga katagang 'yan.
"ANO?! NALIGAW KA?! BAKIT HINDI MO'KO TINAWAGAN? O KAYA ANG KUYA MO?! ANO KA BA NAMAN, CLARISSE! ALAM MO NAMANG MAY SAKIT KA HINDI BA?! SA SUSUNOD, MAGPAPAALAM KA SAKIN!" Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin kay Mama ang totoo.
"S-sorry po, Ma." Sabi ko habang nakatungo pa rin.
"O sya, umakyat ka na sa taas saka mag-bihis pagkatapos ay bumaba ka at kumain. Ipaghahanda muna kita." Sabi ni Mama saka umalis sa harapan ko. Pumunta naman ako sa kwarto ko saka nag-bihis.Tiningnan ko ang orasan ko at 7:30 na pala. Kaya pala galit na galit si Mama.
Matapos kong mag-bihis ay bumaba rin ako para kumain. Naabutan ko si Mama na nag-hahanda ng hapunan.
Lumapit ako sa kanya saka niyakap sya patalikod.
"Sorry na po, Ma.Hindi na po mauulit." Sambit ko.
"Oo na, nag-alala lang naman ako sayo eh, dahil gabi na at delikado na sa labas tapos babae ka pa." Sabi ni Mama.
"Alam ko naman po 'yun, Ma. Sorry po ulit." Pag-hingi ko ulit ng tawad.
"Matitiis ko ba naman ang prinsesa ko? Syempre hindi kaya sige na, kumain ka na." Sabi ni Mama.
"Yehey! Thank you po, Ma!" Sabi ko saka hinalikan sya sa pisngi.