webnovel

Chapter 11

Kapag narinig ninyo ang salitang 'future', ano ang pumapasok sa utak niyo?

Naiisip niyo ba bigla ang hinaharap mo, ng pamilya mo, ng mga kaibigan mo pati na rin ang hinaharap ng mundo?

Siguro naman lahat tayo ay nagtataka kung ano kayang naghihintay na future sa atin. Siguro ay naiisip niyo, tulad ko, kung maganda ba o masama ang hinaharap na sasalubong sa atin.

Pero 'pag ako mismo ang tatanungin niyo kung maganda o masamang future ang inaasahan ko, ang sagot ko ay wala. Anong isasagot ko, kung ngayon pa lang eh malabo ng makaharap ko ang hinaharap, diba?

Sa ganitong klase ng mundo, kung saan lumalaban ka para sa sarili mong kapakanan at kapakanan ng mga taong mahalaga sayo, sa tingin ninyo may future pang sasalubong sa'min?

Actually, wala na eh.

Oo, lumalaban ako. Pinipilit kong lumaban at pinapalakas ko ang sarili ko para makaligtas sa test na ito. But, honestly, nawawalan na ako ng pag-asa na makaligtas pa ako dito. And worst, baka nga wala na talagang makaligtas sa amin kahit isa.

If a time machine does exist, hindi na ako magdadalawang-isip na bumalik sa nakaraan at baguhin ang kasalukuyan. That's if...a time machine does exist.

"Hoy!" biglang bulyaw sa akin ng walang hiya kong kasama ngayon. Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses niya at pati na rin sa biglaan niyang pag-poke sa tagiliran kong tinamaan ng palaso.

"What?" inis kong tanong ng lingunin ko siya. Tulad nga ng laging nakapinta sa mukha niya, ando'n na naman 'yong kinaiinisan kong smirk at nakataas na naman ang kaliwa niyang kilay.

"Be thankful b*tch, you almost sleep again," sagot niya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko na naman magawang magalit sa kaniya.

Yes, I'm annoyed, but I can't hate her lalo na at siya ang nagligtas sa akin at siya ang gumigising sa akin (sa pamamagitan ng sampal) sa tuwing aantukin ako. In short, I owe her a debt. Like as in, really big amount of debt that can't be paid using money. Baka nga kulang pa ang buhay ko para mabayaran ang utang na loob ko sa kaniya eh.

Still, I'm thankful but I won't say it out loud.

"We're here," saad niya na muli ay nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Sa harapan namin ay isang 2 storey building na pang sci-fi ang dating. From building structure hanggang sa ulterior design, and for sure, mas breath-taking ang interior design.

Puro neon designs ang makikita dito sa labas at puro LED lights ang nakapalibot sa bawat corners ng wall. Pati ang naka engrave sa itaas na bahagi ng building na CYBERSPACE ay napapalibutan ng LED lights.

For sure sa ganitong kaliwanag na building, kahit midnight ay kitang-kita ang ilaw nito sa kalapit na lugar. Or maybe, kahit ilang kilometro ang layo ay tanaw na tanaw pa rin ang building na ito.

I gasped as I stare at the building in front of us. Gano'n rin si Zelle ngunit hindi niya pinahalata ang pagka-amaze na nararamdaman niya sa mga oras na ito. We stood there for a couple of minutes before Zelle decided to go inside.

It literally took my breath away as soon as I step my foot inside the building. Wow! Just wow. Amazing and breath taking is an understatement to describe the place, and h*ck, I can't think of any words to describe how fascinating it is. And mind you, fascinating is still not enough to describe the place.

Kung gaano ako natuod sa kinatatayuan ko ay gano'n rin ang kasama ko ngayon. Her mouth was open, like literally open, while she's absorbing all that she is seeing right now. Kulang na lang siguro ay pasukin ng langaw ang bunganga niya ngayon.

"You're drooling," saad ko na nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Ginamit niya ang likod ng kaniyang kamay at pinunasan ang bunganga na wala naman talagang laway. Tiningnan niya ako ng masama at binatukan.

"Ouch!" I hissed as I also smack her head to take my revenge, though, not as painful as what she did to me.

"Ahhh, so lumalaban ka na ngayon ah. Let's see kung sino pang pipigil sa antok mo," pagbabanta niya na nagpahinto sa akin sa plano kong pagtakbo palayo sa kaniya. I internally rolled my eyes as I face her with fake smile creeping on my lips.

"It's just a friendly...smack," sagot ko habang nakangiti. 'Yong klase ng ngiti na pilit at pakitang-tao.

"Oh yeah? A friendly smack~~," saad niya na ginaya pa ang tono ng pagkakasabi ko kasunod ng pagbatok niya sa akin na mas malakas pa kesa sa naunang batok niya sa akin. I hissed in pain as I give her a deadly glare, she was about to run away from me, when suddenly...

BLAGGG!

"Bw*set!" sabay naming mura ni Zelle at napalingon sa pinanggalingan ng nakakabinging tunog.

Ang dating nakabukas na pinto ng Cyberspace ay sarado na ngayon. Malamang ay 'yon ang lumikha ng blaggg sound na talaga namang nakakabasag eardrum.

"Oh, f*ck," bulong ko sa aking sarili ng mapagtanto kung ano ang posibleng ibig sabihin nito. Napatingin ako sa gawi ni Zelle at gano'n rin siya sa akin, nagtanguan kaming dalawa at sabay na lumapit sa pinto at sinubukang buksan.

"D*mn, it wont budge," wika niya. Sinubukan muli naming buksan ang pinto pero tulad nga ng mga nauna naming attempts ay pumalya pa rin kami. Napahinto na lang kami sa ginagawa namin at sabay na napalingon sa likod namin ng biglang may magplay na song.

It's not actually a song, a background song to be specific. 'Yon bang mga opening theme sa mga video games, narinig ko na kase ang tunog na ito dati tuwing naglalaro si Hanna ng mga video games niya sa kaniyang phone.

Isang napakalaking hologram na halos sumakop na sa buong building ang sumalubong sa amin, and for the nth time ay namangha na naman kami ni Zelle kahit na pareho naming alam na panganib na naman ang kahaharapin namin ngayon.

"Good day players, to escape this place you need to finish the task. Defeat all the enemies and retrieve the piece. Good luck!"

Wika iyan ng isang boses ng babae na umalingawngaw sa buong building sa pamamagitan ng mga nagkalat na speakers sa paligid.

Sa hologram screen naman ay isang magulong silid ang makikita at may mga nagkalat na kung anong mga creatures sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon dahil hindi naman mukhang cryopus o kung ano pa man. They look like goblins, but at the same time, they're not.

Aliens? Maybe.

"How...how are we supposed to finish the task? And, what is the task?" tanong ko sa kasama ko na tahimik lang na nakatingin sa hologram screen. Tumingin siya sa akin ng saglit bago inilibot ang paningin sa loob ng cyberspace building.

"There," saad niya. Naglakad siya palapit sa isang machine, hindi ko alam kung anong tawag, basta may parang pedal then maraming wires. Sa harap ng machine ay may maliit na mesang nakaangat at may dalawang parang remote ng Nintendo ang nakapatong doon. Sa taas naman ng machine ay may parang helmet na maraming wires at may visor sa harap.

Siguro ay napansin ni Zelle ang pagtataka sa mukha ko dahil sinimulan niyang i-explain sa akin kung para saan ang machine na ito.

"This is what they call Full Dive Nerve Gear. This thing connects all your senses to the game.." saad niya sabay turo sa parang helmet. "...this visor is, of course, for you to see what's inside the game. This is for your both hands, para ma detect ng nerve gear ang galaw ng real body mo at ma-i-input niya ito sa galaw ng character mo sa laro..." 'yong parang remote ng Nintendo naman ang hawak niya. At ang huli niyang tinuro ay ang pedals. "And lastly, alam mo naman na siguro kung para saan 'to diba?"

"Uhmm...for the system to detect my lower body's movement and input the movement unto my character, right?" saad ko. Well, ginamit ko lang 'yong words niya, at hinulaan ko lang rin.

But, lady luck is on my side. My hunch was correct.

Sabagay, 'di naman kase mahirap hulaan. Para saan ba kase ang pedal? Diba para sa paa. 'Yon na 'yong clue doon kung para saan din ang pedal ng machine na ito. Napaka bobo ko nalang talaga kung hindi ko pa nahulaan ito.

"So, may utak ka rin pala?" mapang-asar niyang tanong. As much as I want to smack her, ay pinigilan ko nalang ang sarili ko. I just internally rolled my eyes.

"How'd you know about this things? Are you a...player?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya bago lumapit sa isa pang machine dahil lima ang naririto ngayon. Umapak na siya sa pedal at isinuot sa ulo niya ang helmet na may visor bago hinawakan sa dalawang kamay ang parang remote ng Nintendo.

Gano'n rin ang ginawa ko at nang matapos kong i-ready ang sarili ko ay nakarinig na naman kami ng boses na nagmumula sa speaker.

"The game will begin in 60...59...58..."

Habang nagka-countdown ay napalingon ako kay Zelle at nagtanong.

"Once we're inside the game, hindi na ba gagana ang senses natin dito sa labas ng laro?" nagtataka kong tanong. Kase diba, sabi niya kanina, ililipat ng nerve gear na ito ang senses namin papunta sa loob ng laro. So, is it possible na hindi namin maririnig, makikita and mararamdaman ang nangyayari sa paligid namin habang nasa laro kami?

"Yes." Maikling sagot niya. Hindi niya man lang ako nilingon ng sagutin niya ang aking tanong.

"Then, what if someone came here inside to kill us?"

"The door is locked, remember?"

"But what if, mabubuksan pala kapag nasa labas ka?"

"That is why we must finish our main goal ASAP"

"Th - "

"Just shut up, will yah?" inis niyang saad at kahit natatakpan ng visor ang kaniyang mata ay alam kong nag- roll eyes siya. Hayst, here goes her bitchy personality again. Tumahimik na lang ako at iwinaksi ko na lang ang pangamba na nararamdaman ko.

She's right, we must retrieve the piece as soon as possible bago pa may masamang mangyari.

"4...3...2...1"

Pagkatapos ng countdown ay parang biglang may humilang hangin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, ngunit nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa hindi pamilyar na lugar...oh, scratch that. Familiar pala 'yong lugar dahil ito 'yong silid na nasa hologram screen kanina.

Tiningnan ko ang aking kamay at paa, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa aking nakikita at nararamdaman. Like the f*ck, parang nasa loob talaga ako ng laro, kung laro mang matatawag 'to. Busy akong pinagmamasdan ang aking sarili ng bigla na lang may tumamang bala sa braso ko.

"D*mn it!" sigaw ko. Yes, sigaw talaga ang ginawa ko. Parang hindi lang siya pangkaraniwang bala dahil hindi lang doble and sakit no'n, kundi times 10 ang sakit.

"Take cover!" rinig kong sigaw ni Zelle. Hinanap ko ang lokasyon niya at nakita ko siyang nagtatago sa likod ng magkakapatong na box. Agad rin naman akong nagtago sa likuran ng isang bookshelf.

Sunod-sunod na putok ng baril ang maririnig at talaga namang halos magliparan ang mga librong nasa shelf na tinatamaan ng bala.

WHAT? LIBRO?!

As much as I want to show my affection towards the books, I stopped myself. Hindi yan ang top priority ko ngayon,and besides I'm shot.

Tiningnan ko ang kaliwang braso ko na tinamaan ng bala, wala dugong umaagos pero may red dot at butas ang suot kong uniform.

"Will it affect my real body?!" pasigaw kong tanong para marinig ni Zelle ang sinasabi ko. It took how many seconds bago siya sumagot. Maybe hindi niya agad na gets kung anong ibig kong sabihin.

"No! Game character mo lang ang affected!" sigaw niya pabalik. "By the way, look at your upper left corner! You will see your health there!" dagdag niya pa.

Agad ko namang sinunod ang sinabi niya at tumingin nga sa upper left ko, and viola! Meron ngang mga kung ano-anong nakalagay doon. Including my health percentage and other stats na hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin, since I'm not a gamer and it's my first time trying a virtual reality game.

87%, huh?

"One more question, if the bullet didn't affect my real body, why do I feel pain?" tanong kong muli.

"Not because this is a game, doesn't mean that you can't feel pain. Every injury you get here, will give you 10 times pain from the usual pain you feel in the real world," sagot niya. "Okay, enough with the chit-chat, let's finish this task ASAP!"

Tumango ako kahit na 'di niya ako nakikita. Lumingon ako sa kanan ko at swerteng nakakita ako ng baril doon. I'm not sure what do you call this gun but I think this is M16. I picked it up alongside the magazines near it.

Matapos kong ikasa ang baril ay pinaulanan ko ng bala ang isang alien-like creature malapit sa akin, na tulad ko ay may hawak ring baril. Nang matamaan siya ng bala ko ay may real line sa taas ng ulo niya ang nag appear. At habang mas maraming bala ang tumatama sa kaniya ay nauubos iyon, nang mawala ang red line sa tuktok niya ay natumba siya at naging abo.

Health bar?

Muli akong nagtake cover sa likod ng malaking kahon, nag reload at sumilip kung may malapit bang alien sa akin. Nang may makita akong isa malapit sa tinataguan ni Zelle ay binaril ko ulit 'yon hanggang sa mamatay.

Nakita kong pinulot ni Zelle ang baril na nahulog ng mamatay ang alien at tinanguan ako. Sabay kaming lumabas sa lungga namin at nakipag barilan na sa mga alien na nakakalat sa lugar. There were 10 of them in total, since I already killed 2, only 8 were left.

(>-<)

"Argh!That was exhausting!" saad ko at agad na tumihaya sa sahig. Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa mga tama ng bala na natamo ko ng makipagface to face showdown kami sa mga alien-like creatures na iyon. Puro red dots ang makikita sa katawan namin ngayon ni Zelle and believe me, parehas ng paubos ang health namin.

Buti na lang talaga ay naunang naubos namin ang mga kalaban bago nila naubos ang health namin. It took us almost 20 minutes to defeat all 10, I didn't expect it to be that hard.

Ang inaalala ko na lang ngayon ay saan kaya namin mahahanap ang piece at ano na kayang status ng katawan namin na nasa labas ng laro. Sana lang ay walang pumasok na kahit sino upang pagtangkaan ang buhay namin. Well, knowing that we're still moving here in the game means our real body is safe.

Until now, I was still amazed. Like, paano naimbento ang ganitong klaseng machine na tinatawag na full dive nerve gear, na kinokonekta ang totoong mundo sa laro. The h*ck, science and technology is so f*cking awesome.

Kung alam ko lang dati pa na ganito pala ang pakiramdam ng maging player or gamer, sana pala noon pa lang ay naglaro na ako ng mga ganitong laro. Sana pala idinagdag ko na rin ang paglalaro ng video games sa hobbies ko.

"Get your ass moving, we need to find that piece," masungit na wika ng kasama kong abala sa pag-iikot ikot sa paligid ng silid. Hindi naman gaanong kalakihan ang silid kung saan kami ngayon, ang problema lang talaga ay maraming nakakalat at maraming nakatambak na gamit. Mahihirapan kaming hanapin kung nasaan, unless may clue na ibibigay sa amin ang system.

Nagbuntong hininga ako bago pinilit ang sariling tumayo at tumulong na sa paghahanap. Nagsimula akong maghalungkat sa mga drawers at kahon na malapit sa kinaroroonan ko, pero wala akong papel na nahanap. Ganoon rin si Zelle, bagsak ang balikat niya habang nagdadabog na naghahanap ng piece.

"Where the h*ck is it?" inis niyang tanong. Don't know kung ako ba kinakausap niya o sarili niya, or baka hangin. Pero kung ako man ang tinatanong niya, hindi ko rin alam kung nasaan 'yon. Kung alam ko lang, edi sana kanina pa kami nakaalis ng lugar na ito.

"Oh?" bigla akong napalingon sa kaniya ng marinig ko siya.

"Hmm?"

Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya at sinunod ko naman. Nakaturo ang kaniyang hintuturo sa isang green button na nahanap niya sa ilalim ng sirang wooden chair. Nagkatinginan kami, kahit nag dadalawang-isip ay pinindot ko ang button na agad ko namang pinagsisihan.

Nagkaroon ng lindol at parang magigiba ang silid kung nasaan kami ngayon.

"Why the f*ck did you press it?!" galit na tanong ni Zelle sa akin habang nakahawak siya sa dingding upang hindi siya mawalan ng balanse.

"I thought that's what you want me to do!" sagot ko pabalik, nilakasan ko ang pagkakasabi no'n upang marinig niya dahil kasabay ng lindol ay napakalakas na growl ang narinig namin. Para bang may kung anong higante ang nasa labas ng silid na ito.

"I just showed it, I didn't say that you press it!" sigaw niya pabalik.

What the? So. Kalanan ko?

Uhmm, well..yeah. Kind of. But still...akala ko na 'yon ang gusto niyang gawin ko kaya ko pinindot. Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari.

"But you didn't stop-"

"Oh, just shut up!" galit niyang saad. Ilang segundo pa ang lumipas ay biglang gumuho ang silid at wala kaming nagawa kundi mapasigaw at mapapikit. Bahala na kung ano ang mangyari.

Matapos ang ingay na nilikha ng pagkaguho ng silid ay biglang natahimik ang kapaligiran. Ramdam ko ang init ng sinag ng araw, at ang hangin na mahapdi sa balat. Ramdam ko ang aking katawan na nakaratay kaya naman ay idinilat ko ang aking mga mata.

Ang kalangitan ang una kong nakita, pati na rin ang nakangiting araw na masakit sa mata. Agad akong umupo at inilibot ang paningin kung nasaan kami ngayon, and f*ck! Ang sama ng kutob ko tungkol dito.

Nasa isang malawak kaming field, tapos ang field ay napapalibutan ng nagtataasang wall, bale pabilog ang field na kinalalagyan ko ngayon. Sa kabilang dulo naman ng wall na katapat ko ay may naglalakihang jail bar at madilim sa loob nito.

Naghanap ako ng pwede naming pagtakasan, ngunit wala. Kahit saang direksyon ako tumingin ay wall ang makikita ko.

GROARRR!

"H*ly wacka moly," agad akong napatayo at agad na hinanap si Zelle. Wala siya sa tabi ko, at wala rin siya sa kahit na saan. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko ng hindi ko siya makita kahit saang banda ng field.

Where is she?

"Dumb b*tch! Help me motherf*cker!" nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa isang pamilyar na boses. Si Zelle.

Agad kong hinanap ang pinaggalingan ng boses, ngunit hindi ko mawari kung saan. Nag e-echo kase sa paligid ang malakas ng growl ng hindi ko alam kung anong nilalang. Pero siguro ay higante iyon.

"Where are you?!" pasigaw kong tanong habang iniikot ko ang aking paningin.

"Jail bar!" sigaw niya. Agad akong lumingon sa malahiganteng jail bar at doon ko nasilayan ang isang tao na kinakawayan ako. Malayo ang jail bar kaya naman maliit lang siya sa paningin ko.

Patakbo akong tumungo sa kinaroroonan niya,ngunit hindi pa umabot ng 20 meters ang natatakbo ko ng bigla akong mapahinto dahil sa malakas at mabigat na yabag. Sa bawat yabag nito ay gumagalaw ang lupa, para bang lindol.

"Faster! It's coming!" sigaw ni Zelle, kahit malayo pa ako ay ramdam ko ang panginginig niya. Palingon-lingon rin siya sa likod niya habang pinapanood akong tumakbo ng mabilis papunta sa kaniya.

I'm not used to running kaya naman habang tumatakbo ako ay sumusikip ang dibdib ko. Bawat hinga ko ay para bang hindi umaabot sa lungs ko, at ang ugat ko sa aking wrist ay pumipitik-pitik. Sa bawat pitik nito ay grabeng sakit ang katumbas.

I can barely breathe, but I need to endure it.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa wakas ay nakarating na rin ako. Huminto ako sa harap niya at pilit na naghabol ng hininga. Tagaktak na ang pawis ko at parang naligo na ako sa itsura ko ngayon, basa ang buhok ko at ang buong mukha ko pababa ng leeg.

GROARRR!

Isang malakas na growl na sinabayan ng yabag na naman ang narinig namin.

"Faster! Open this!" sigaw ni Zelle. Bakas na bakas sa mukha niya ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman. This is the first time na nakita ko siyang kabahan ng ganito.

Lumingon muli siya sa kaniyang likod, at gano'n rin ako. Walang makita sa loob dahil pitch black lang ang makikita dito. Pero for sure na nandiyan ang nilalang na kanina pa lumilikha ng malakas na ingay.

May maliit na pinto sa jail bar na naghihiwalay sa field at sa kung nasaan si Zelle ngayon. Nakalock rin ang pinto kaya maski ako ay kinabahan para kay Zelle.

"Where's the key?" tanong ko sa kaniya. Ibinalik niya ang tingin niya sa'kin bago may itinuro sa likuran ko na agad ko namang nilingon. May nakabaon sa lupa na kahon, hindi as in nakabaon dahil nakikita ang ibabaw ng kahon.

Gamit ang kamay ko ay kinalkal ko ang lupa sa paligid ng kahon, at 'di nagtagal ay nakuha ko rin ito. Pagkabukas na pagkabukas ko ay bigla akong nanlumo, si Zelle naman ay nanlaki ang mata at napabukas ang bunganga.

Sa loob ng kahoy ay daan-daang susi ang naroroon. Magkakaparehas ng marka at ng itsura.

How the h*ck will I know what key is the right one?!

"T*ngina!" sigaw ko at saka bumalik sa pinto ng kinakukulungan ni Zelle ngayon. Pumulot ako ng isang susi at sinubukan, ngunit hindi na-unlock ang padlock. Itinapon ko 'yon at pumulot ulit ng isa.

Paulit-ulit lang na iyon ang ginawa ko, trial and error lang kumbaga. Tumagal ng ilang minuto ang ginagawa ko pero wala pa ring tamang susi.

"FASTER!" sigaw muli ni Zelle. Bigla akong napahinto ng biglang magliwanag sa loob ng parang kulungan na ito. Sa dulo ng kulungan ay may...dragon na naroroon. Kulay asul ito at ang kaliskis ay nagpapalit ng kulay, asul at pula ngunit wala itong pakpak. Siguro kung tatantyahin ay halos 50 meters na lang ang layo nito sa amin.

"F-faster Eth..an," nanginginig ang boses na saad ni Zelle. Biglang nailipat ang tingin ko sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

"W-what?"

D-did she call me..Ethan? Or it's just my imagination?

"Faster Jaiho!" sigaw niya kaya nagulat ako at mas binilisan ang pagta trial and error sa mga susi.

Probably, my imagination.

Malapit na talaga ang dragon sa amin at nawawalan na ako ng pag-asa. Ngunit agad akong nabuhayan ng makitang isang susi na lang ang natitira sa kahon.

Please...fate 'wag mo kaming paglaruan.

Nang masubukan ko na ang huling susi ay nakarinig ako ng click, ibig sabihin ay na- unlock na. Agad kong binuksan ang pinto at hinila ang nakatulalang si Zelle. Nakita niya kase na magbubuga na ito ng apoy.

Parehas kaming tumakbo palayo ngunit nahagip pa rin ang aming likod ng apoy. Walang ano-ano'y nagpa-ikot ikot kami sa lupa at ng mamatay ang apoy sa uniporme namin ay nagpatuloy kami sa pagtakbo papuntang kabilang dulo ng field.

"What do we do now?" hinihingal na tanong ko sa kaniya. Maski siya ay hiningal rin dahil sa pagtakbo namin. Nasa gitna na ng field ang dragon at any time soon ay magte-take charge ito papunta sa amin.

"Who knows? Wala tayong baril and anything," saad niya. Bumagsak ang balikat ko at napaismid.

Well, nasa loob pa rin naman kami ng game. Death here doesn't mean anything. Baka kusa lang kaming ma log-out pag namatay kami dito. 'Yon nga lang, ramdam na ramdam namin ang sakit.

Speaking of log-out...

"Hey, can't we just, you know...log-out?" tanong ko sa kaniya. Napaisip siya ngunit agad ding umiling na para bang bad idea ang suggestion ko.

"Have you forgotten why we are here in the first place?" tanong niya sa akin. Bago pa ako makasagot ay sinagot niya na ang tanong niya. "For the piece, right? Logging out means, wala lang sayo 'yong effort natin para makarating dito."

She's right. Hindi kami pwedeng mag log-out hanggang 'di namin nakukuha ang piece. Siguro 'pag natalo namin ang dragon na ito ay saka lang namin makukuha ang kailangan namin.

"Incoming!" sigaw ni Zelle. Nag-take charge ang dragon at patakbong inatake kami. Mabilis naman na tumakbo kami pakaliwa kaya tumama ang dragon sa wall at nagkaroon ito ng bitak, ngunit hindi gaano kalaki.

GROARRR!

Sigaw nito at nagbuga ngapoy patungo sa kinaroroonan namin, ngunit dahil focus kami ngayon sa pag-ilag ay nailagan namin 'yon.

"Ano sa tingin mo ang nasa kabilang side ng mga wall na ito?" tanong ko kay Zelle ng hindi lumilingon sa kaniya. Nasa dragon lang ang tingin ko habang naghihintay ng sunod niyang atake.

"Maybe a desert, or...a cliff," sagot niya.

So, either of the two, advantage pa rin namin. Kapag sakaling nagkaroon ng basag ang wall tapos desyerto ang tumambad sa amin, pwede namin 'yong gawing escape route. Ngunit pag bangin naman, at napalakas ang atake ng dragon, pwede siyang mahulog pababa kasabay ng pagkabasag ng wall.

Advantage rin pala namin ang kawalan niya ng pakpak.

"I have a plan," saad ko at lumingon sa kasama ko. Nangunot ang noo niya ngunit sinagot ko lang iyon ng smirk.

Nagtake charge na naman ang dragon sa amin ngunit agad na naman kaming nakatakbo papuntang kanan.

"So what's your plan?" tanong niya.

"Just follow my lead."

Tumakbo ako pabalik sa kinaroroonan namin noong una, sumunod naman si Zelle. Nasa likod namin ngayon ang wall na binagga ng dragon kanina, na ngayon ay may kaunting bitak na.

Tulad ng kanina ay nagtake charge na naman suya at nagbuga ng apoy, ngunit nailagan na naman namin. Pabalik balik lang kami sa pwesto namin hanggang sa lumaki at lumawak na ang bitak sa wall. Narealize na rin ni Zelle ang plano ko.

Nagtake charge muli ang dragon at tatakbo na sana kami pakanan upang maiwasan ang dragon ngunit biglang nadapa si Zelle. Buti na lang ay hindi siya natapakan ng dragon, tumama ang katawan nito sa wall at doon na nga umepekto ang plano ko.

Nabasag ang wall at nahulog ang mga debris sa bangin kasabay ng dragon na puro growl.

Akala ko ay tapos na ang sinapit namin ngunit nagkamali ako. Gumuho ang ibang parte ng lupa sa bandang wall na nasira, kung nasaan nadapa si Zelle na hanggang ngayon ay 'di pa nakakatayo.

"JAIHO!"

"ZELLE!"

Hindi na ako nag aksaya ng kahit isang segundo, agad akong tumakbo patungo sa kaniya ngunit nahuli ako. Nahulog na siya kasabay ng lupang gumuho bago pa man ako tuluyang makalapit sa kinaroroonan niya. Hindi ko siya nailigtas.

Nakaramdam ako ng panghihina, tila ba ngayon ko lang naramdaman ang pagod simula kanina ng mapunta kami sa lugar na ito. I fell on my knees as I stare blankly at the cliff.

'Get your ass moving, Jai. She's not dead, this is just a game, remember? And for sure, bago pa siya bumagsak sa kailaliman ng bangin ay nakapag log-out na siya.'

Tama.

Tumayo ako at lumingon sa gitna ng field ng makarinig ng theme song na para kino- congratulate ako.

Sa gitna ng field ay may nag-appear na malaking hologram screen at may nakasulat na salita dito.

KILL.

Iyan ang nakasulat. Nangunot ang noo ko sa kung bakit 'kill' ang first piece. Unang word pa lang ay nakakabahala na. Hindi ko maiwasang kabahan dahil nga kill ang unang word sa phrase na bubuuhin namin.

At the end of the day, we need to kill someone or something, or worst, kill ourselves para lang matapos namin ang main mission namin.

"Congratulations players for completing the task!" magiliw na wika ng boses babae na nagmumula sa mga drones na nag-a-act as speakers na nakapalibot sa buong field.

Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang nawala sa harapan ko ang field. Nakalabas na ako ng laro. Tinanggal ko na ang head gear na nakasuot sa ulo ko at binitawan na rin ang remote-like na hawak-hawak ko. Nag step-out na rin ako sa pedal at nag-inat.

"Wooo! That's exhausting!" saad ko at masayang liningon ang kasama ko ngunit biglang nawala rin ang ngiting naka-ukit sa labi ko ng makita siya-I mean, sila.

Seryoso ang mukha ni Zelle habang hawak hawak ang kaniyang pana at naka ready na ang palaso, ang kulang nalang ay bitawan niya ito. Sa harap namin ngayon ay may limang tao na may hawak na iba't ibang weapons na nakatutok sa amin. Kitang-kita ang ngiting nakapinta sa mukha nilang lima.

F*ck.

Kailan ba kami lulubayan ng kamalasan?

Napalunok na lang ako ng laway saka lumingon sa kasama ko, nakatingin rin siya sa akin at para bang may sinasabi sa akin sa pamamagitan ng kaniyang mga tingin.

What...are we gonna do now, Zelle?