webnovel

Chapter 454

Mabilis itong lumipat ng pwesto at lumitaw ito sa harap ng batang si Li Xiaolong habang hinarang nito ang dalawang kamay nito upang harangan ang nasabing batang paslit.

"At bakit ko naman lilisanin ang lugar na ito? Isa akong special guests ng Green Martial Valley Union kaya hinding-hindi mo ako mapapaalis rito. Ang lakas din ng loob mong pagbantaan ako!" Mabilis na wika ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin ng matalin sa kinaroroonan ng kalaban niyang kakabangon lamang mula sa malakas na pagkakabagsak nito. Bakas sa boses niton na hindi ito magpapatalo sa kahit na sinuman.

"Hindi mo ba ako naririnig magandang binibini? Inuutusan kitang lisanin ang lugar na ito ngayon din kung ayaw mong magkagulo tayo rito. Alam kong malakas ka ngunit isa ka lamang special guests ng lugar na ito at maaari kang umalis kahit kailan mo gusto hehehe." Pangungumbinsing sambit ng nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang gusto nitong paalisin ang nasabing magandang dalagang nakikita niyang banta sa gagawin niyang pagsama sa pakay niya patungo sa labas ng Dou City.

Napangiti na lamang ng matamis ang magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin sa direksyon ng nakamaskarang itim na nilalang na napangiti na rin. Mukhang na-misunderstood nito ang mga ngiting ipinupukol nito sa kaniya.

"Pasensya ka na ngunit mukhang imposible ang hinihiling mo. Tsaka hindi ako kailanman sumusunod sa utos ng sinumang nilalang liban sa sariling Master ko!" Buong tapang na sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakangisi itong nakatingin sa direksyon ng kalaban niya sa malayo.

Bumakas ang galit sa mukha ng nasabing nakamaskarang itim na nilalang na ngayon ay tila gusto ng durugin ng pinong-pino ang dalaga habang nakangisi ito ng malademonyo.

"Kung yan ang gusto mo magandang binibini. Basta ay una pa lamang ay binalaan na kita hehehe!" Malademonyong sambit ng nakamaskarang itim na nilalang habang makikitang nakangisi pa rin ito ng nakakapangilabot.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na nawala ang pigura ng nasabing misteryosong nilalang habang patungo ito sa kinaroroonan ng magandang dalagang si Mèng Shuchun.

PAH!

Isang malakas na sipa ang pinakawalan ng nakamaskarang itim na nilalang sa kinaroroonan ng mismong magandang dalagang si Mèng Shuchun ngunit mabilis na nasangga ito ng dalaga dahilan upang mahablot ito ni Mèng Shuchun sa hita nito.

BAM!

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng magandang dalagang si Mèng Shuchun sa tagiliran ng kalaban niya at mabilis na hinablot ang paa nito st inikot-ikot.

Woooooohhh!

Malakas na bumagsak ang misteryosong nilalang at agad na inundayan ng tadyak ni Mèng Shuchun ang sikmura ng kalaban.

Arrgh!

Malakas na napahiyaw ang kalaban ng batang ni Mèng Shuchun habang makikitang nasaktan ito.

Ngunit napangisi na lamang ang misteryosong nilalang habang malakas niyang sinipa sa likod ang kalaban niya nang mapansin niyang gumana ang ginawa niyang paglapit.

Ngunit iyon ang inakala noya dahil mabiis na nasangga muli ng magandang dalagang si Mèng Shuchun ang sneak attack nito.

Sa pangalawang pagkakataon ay malakas na tinadyakan ni Mèng Shuchun ang sikmura ng kalaban niya.

Agad na hinablot ni Mèng Shuchun ang kamay ng batang si Li Xiaolong sa malayo na siyang ikinagulat naman nito. Mabilis na nakalayo sila sa pwesto ng labanan kanina at nakarating sila sa labas ng Green Valley.

"Ano'ng ginagawa mo Binibini? Bakit mo ko hinablot sa kamay ha?!" Seryosong saad ng batang si Li Xiaolong habang nagpupumiglas pa ito sa pagkakahawak sa kaniya ng magandang dalagang si Mèng Shuchun.

Mabilis na hinigpitan ng magandang dalagang si Mèng Shuchun ang kaliwang kamay niya na nakahawak sa palapulsuhan ng batang si Li Xiaolong dahil literal na ginagamit ng batang ito ang lakas nito upang makawala sa kaniyang sariling kamay.

"Sinasabi ko sa'yo bata, hindi mo kaya ang misteryosong nilalang na iyon. Isang Purple Heart Realm Expert iyon samantalang ikaw ay isang hamak lamang na Purple Blood Realm Expert!" Seryosong saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin sa nagpupumiglas pa ring si Li Xiaolong. Hindi nito gustong pagtaasan ng boses ang batang hawak-hawak niya ngunit nag-aalala lamang siya sa kaligtasan nito.

"At ano naman kung ganon kalaki ang agwat ng lebel ng cultivation namin? Alam ko naman iyon eh ngunit hindi ko gawain ang tumakas sa problemang kinakaharap ko sa kasalukuyan." Seryosong wika ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang determinasyon sa mukha nito. Isa sa prinsipyong pinanghahawakan ng batang si Li Xiaolong ay ang kaniyang sariling adhikaing itaguyod ang Green Martial Valley Union sa mataas na posisyon at maunlad na pamumuhay.

"Makinig ka saking mabuti bata ngunit malapit ng mabura ang Green Martial Valley Union dahil sa papalapit na panganib. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari mamaya lamang dahil paparating na ang laksa-laksang mga lumilipad na mga eksperto sa himpapawid. Ramdam ko an lakas na taglay nila. " Seryosong sambit ng magandang dalagang si Mèng Shuchun habang nakatingin sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong. May bahid ng lungkot sa mukha nito.

"Wag mong sabihing ngayon na mag-uumpisang umatake ang Wind Fury Kingdom at magde-deklara ng digmaan laban sa Sky Flame Kingdom?! Hindi maaari ito!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang tila namutla ito. Hindi niya batid na ngayong araw na magaganap ang kinatatakutan niyang mangyari.

Napatango na lamang ang magandang dalagang si Mèng Shuchun at muling nagwika.

"Dulot ng paglitaw ng marka sa ere na ipinutok ng yumaong pinuno ng Green Martial Valley Union ay nakarating ito sa Wind Fury Kingdom na alam naming galit na galit sa Blood Skull Alliance. Ito rin ang hudyat upang magdeklara ng digmaan at agarang pagsalakay ang Wind Fury Kingdom kung kaya't umalis na tayo bago pa mahuli ang lahat!" Saad ng magandang dalagang si Mèng Shuchun.

PSHH!

Malakas na nahatak ni Li Xiaolong ang kamay niya sa kamay mismo ng nasabing magandang dalagang si Mèng Shuchun na siyang ikinabigla naman nito.

Mabilis na lumipad papalayo ang batang si Li Xiaolong habang gulong-gulo pa rin ang isipan nito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang sariling narinig mula sa bibig ng magandang dalagang si Mèng Shuchun.

Kaya pala ipinakita na ng misteryosong nilalang ang katauhan nito at gusto na siyang dalhin sa labas ng Dou City ay dahil sa digmaang magaganap mamaya lamang. Hindi niya aakalaing pagkatapos ng lahat ay mauuwi lamang sa wala ang lahat ng mga bagay na gusto niyang mangyari.

Dahil sa labis na pag-iisip nito ay hindi nito alintanang nakalapit na ang isang pigura sa likod niya at mabilis na naramdaman ng batang si Li Xiaolong ang matinding sakit sa batok nito. Unti-unting dumidilim ang paningin niya hanggang sa naramdaman niyang binalot na siya ng kadiliman.

End of Volume 6

jilib480creators' thoughts
Chương tiếp theo