✿ Author's POV ✿
Habang nakikipaglaban sina Dean at Raven ay unti-unti nilang napabagsak ang mga kalaban. Napansin nilang marami pang kalaban si Syden kaya nilapitan nila ito pero hindi na nila 'yon nagawa ng bigla nilang maramdaman na may pasikretong nagsaksak ng injection sa kanila at tinakpan ang mga bibig nila. Gusto nilang lumaban ngunit hindi nila nagawa dahil sa panghihina at hinila sila papalayo kay Syden ng hindi niya sila namamalayan lalo na't unti-unting nanghina ang mga ito dahil sa itinusok na injection sa kanila.
Hindi nila makilala ang mga ito dahil nanghihina at napapapikit sila habang hinihila sila ng mga estudyanteng 'yon sa hallway. Pinilit nilang labanan 'yon ngunit mas namanhid pa ang katawan nila kaya't hindi na sila makagalaw. Nakita nilang may binuksan na kwarto ang mga humihila sa kanila at iniupo sila sa gilid ng kwartong 'yon. Dahil sa panghihina at pagkamanhid ng katawan ay napasandal sila sa pader habang pilit na kinikilala ni Dean ang mga estudyanteng 'yon.
Ikinagulat na lang nilang dalawa ni Raven ng makita ang mga kasama nila na ipinasok rin sa kwartong 'yon at ganoon din ang naging reaksyon ng mga members niya. Napaupo silang lahat na magkakatabi at napasandal sa pader dahil sa pare-parehong pagkamanhid ng mga katawan nila. Sobrang bigat para sa kanila na buksan ang mga mata nila ngunit pilit pa rin nilang pinipigilan na mawalan ng malay kaya't 'yon ang naging dahilan upang manlabo ang paningin nilang lahat. Nakita nilang lumabas na ang mga estudyanteng kumuha sa kanila kaya kahit na nanghihina sila ay pinilit na magsalita ni Caleb, "W-what are we doing here?" mahinang sambit nito.
"Nahuli nanaman tayo ng Venom" mahinang sagot naman ni Stephen dahil nanghihina rin ito.
"It's not Venom this time" sagot ni Dean kaya pinilit nila siyang tignan, "It's another group"
"But they injected us. Kaya nga nanghihina tayo at hindi makagalaw dba? Sino pa ba ang may hawak ng injection dito kundi ang Venom at si Zorren" muling saad ni Dustin.
Natigilan silang lahat at nagkatinginan na parang may hinahanap ng mapansing hindi nila kasama sina Nash at Zorren na tumulong sa kanila para makawala sa Venom, ngunit si Julez ay kasama nila na tahimik lang din sa sulok.
"Where are they?" tanong ni Dustin habang patuloy pa rin silang nagkakatinginan.
"Looks like we were deceived" saad ni Dean kaya tinignan nila siyang lahat at nagtaka.
"Dean, what do you mean?" tanong ni Dave.
Seryoso silang tinignan ni Dean bago muling tumingin sa may pintuan, "We were saved against Venom para mapunta sa mga kamay nila"
"What?!" tanong pa ni Dustin sa kanya ngunit napatingin silang lahat sa may pintuan ng bumukas ito, nakita nilang maraming pumasok na estudyante at hindi sila basta-basta estudyante, isa silang grupo. Maayos na tinignan ni Dean ang mga ito at unti-unti ng lumilinaw ang paningin niya. Nagtaka ito at nagulat ng makilala niya sila lalo na ang babaeng nasa pinakaharapan ng grupong 'yon, "Grizzly?" tanong niya habang seryoso lang na nakatingin sa kanya ang babaeng 'yon.
Ngumiti ang babaeng 'yon at lumuhod ito sa harapan ni Dean at bahagyang napayuko, "Long time no see, boss" saad nito na tumingala at ngumiti. Hindi na lang naitago ni Dean sa itsura niya ang sobrang pagkabigla ng muli niya silang makita kaya tinignan niya lahat ng kasama ng babaeng 'yon at lahat sila ay nakilala niya, "You're still alive?" tanong nito na parang hindi makapaniwala.
"Young Rebels?" saad ni Dave kaya napatingin sa kanya yung babae at mas ngumiti pa ito.
"We're glad to meet you all here, Black Vipers" sambit nito at muling tumayo bago niya ulit tinignan si Dean, "We waited for a long time para muli kang makita pero ikaw ang hindi na nagpakita. You built Young Rebels together with Roxanne and Clyde pero simula ng buuin mo ang Blood Rebels, nangako ka na hahanap ka pa ng maraming members pero hindi mo na kami binalikan. I am still your right hand in Young Rebels" pahayag nito kay Dean. Napayuko na lang si Dean na parang nag-iisip ngunit muli niyang tinignan ang babaeng nasa harap niya, "I'm sorry kung hindi ko na kayo nabalikan. I thought umalis na kayong lahat sa grupo dahil hindi ko na kayo nakita sa Rebel's house" sagot nito.
"Hindi mo kami nakita doon dahil hinahanap ka namin. Nagtago na lang kami hoping na ikaw mismo, babalikan mo kami. You forgot about us" saad nito at hindi nagsalita si Dean, "Pero kahit na ganon ikaw pa rin ang itinuturing naming leader ng grupo at itinuloy namin ang inumpisahan mo. Just like what you were doing, lahat ng nangangailan ng tulong at gustong maghiganti, tinutulungan namin. Just like him" saad nito na ipinagtaka ni Dean at ganon na rin ng mga kasama niya.
"Sinong tinutukoy mo?" tanong nito.
"For one last time, bago kami magkahiwa-hiwalay ng landas. We've taken command from someone na kailangan ang tulong namin kaya kinuha namin kayo"
"Tell me Young Rebels, my old and young members...kaninong utos ang sinusunod niyo?" matapang na tanong ni Dean sa kanila.
Imbes na sumagot si Grizzly ay mas lumapad ang ngiti nito at lahat sila ay biglang tumabi para bigyan ng daanan ang sinasabi nilang sinusunod nila. Maayos siyang tinignan ng mga Vipers at nagulat sa nakita nila na halatang hindi makapaniwala. Nakita nila si Zorren na binigyang daan ng Young Rebels kaya't agad itong nakapunta sa harapan nilang lahat at maayos na tinitignan ang Vipers na hindi pa rin makagalaw dahil sa lubusang pagkamanhid ng katawan, "Z-zorren?" tanong ni Caleb dito na nagtataka at hindi makapaniwala kaya napangiti si Zorren at tumingin sa kanya.
"Hi, Black Vipers" saad nito at tinignan niya ng maigi ang kapatid niyang si Julez na masama ang tingin sa kanya dahil kasama rin nito ang Vipers.
"Anong ibig sabihin nito?! Ang akala ko ba kakampi ka namin?!" tanong ni Dustin sa kanya at mas ngumiti pa ito ng masama, "It's all part of my plan" sambit nito na ikinagalit na ng mga Vipers lalo na't mas ngumiti pa ito ng masama.
"F*ck! So all this time you were just deceiving us?!" galit na tanong ni Dave sa kanya.
"Ano bang balak mong gawin sa amin?! Ang akala namin, mapagkakatiwalaan ka pero hindi pala! Why did you even save us from Venom?! Para kayo ang pumatay sa amin?! PATHETIC!" sigaw ni Dave pero tinignan lang siya ni Zorren at hindi ito nagsalita.
"Thank you to your Young Rebels, Dean Carson dahil sila ang tumulong sa akin para maging malakas at mabalikan ko si Claude. For one last time, I asked for their help na kunin kayo at siguraduhing maiinject kayo para mamanhid ang mga katawan niyo at mahirapan kayong gumalaw dahil hindi ko naman gugustuhin na makatakas kayo dito" masamang sabi nito, "Pagkatapos ng araw na 'to ay nagpasya na ang Young Rebels na maghiwa-hiwalay para iligtas ang mga sarili nila at laking pasasalamat ko dahil pinagbigyan nila ako sa huling kahilingan ko"
"Tell me, Zorren. Ano bang balak mong gawin sa amin?" tanong ni Dean sa kanya.
"Soon, you will know" sagot nito sa kanya. Tinignan niya si Grizzly kaya lumapit ito sa kanya at may sinabi siya dito, "Tell Nash na huwag ng pumunta dito at puntahan na lang niya si Syden" saad nito na ikinagulat ni Dean, "What did you just say?! Hawak niyo rin si Syden?! Saan niyo siya dinala?!" sigaw ni Dean kay Zorren. Tumango si Grizzly at umalis na kaya sinagot ni Zorren ang tanong nito, "Oo, hawak namin ni Nash si Syden but don't worry, we won't do such thing to her. I'm not like Claude. I'll just use her for my plan" sagot nito na ikinagalit ni Dean.
"Ang buong akala ko, si Claude lang ang papatayin ko, pero ngayon, kayong dalawa na ang tatapusin ko. I'm telling you Zorren, kapag nakawala ako dito, ikaw ang uunahin ko...at si Claude ang ihuhuli ko!!" galit na sabi nito kay Zorren at nagtama ang mga mata nilang nakakatakot na masamang tinitignan ang isa't-isa.
"Fine, I'll wait Dean Carson"
"Kung ayaw mong ipakita ko sa'yo kung anong kaya kong gawin, huwag na huwag mo siyang sasaktan!" pagbabanta nito.
"I'm telling you Dean Carson, she's in a good condition at wala kaming balak na gumawa ng masama sa kanya" muli silang nagkatinginan ng sobrang sama hanggang sa muling pumasok si Grizzly at may hawak-hawak itong isang lalagyan na puno ng injection. Ipinakita niya 'yon kay Zorren at pareho silang ngumiti ng masama.
Kumuha si Zorren ng isa sa mga injection na 'yon at maayos itong hinawakan at tinignan na parang natutuwa siya, "Why don't you just tell us kung ano ba talagang balak mong gawin? Are you going to kill us using that f*cking injection?" tanong ni Dave dito kaya napatingin ito sa kanya habang maiiging hawak ang injection.
"You really want to know?" dahan-dahan itong lumapit at lumuhod para tapatan si Dave at muli niyang tinignan ang injection na hawak niya, "I'm going to surrender you to Claude" pagkasabi niya doon ay bigla niyang isinaksak sa binti ni Dave ang injection na hawak niya kaya't napasigaw at namalipit si Dave sa sakit.
"Why do you need to do this?!" galit na tanong ni Dustin kay Zorren habang nag-aalala siyang nakatingin kay Dave kaya't siya naman ang tinapatan ni Zorren, "Cause I also want you dead, Vipers" masamang sabi niya at napangiti na lang ng masama si Dustin, "Bakit hindi mo hinayaang mamatay na lang kami sa kamay ng Venom kanina at ipinakita mo pa sa amin na tinulungan niyo kami ni Nash kung ibibigay niyo rin pala kami sa kanila? Hindi mo nasabi sa akin na tanga ka rin pala!" sambit nito.
"Tanga? Ako? Well, diyan ka nagkakamali Dustin. Nagpatalo kami ni Nash kanina at good to know na hindi ako nakilala ni Claude. Sinadya naming magpatalo at sinabing isusuko namin kayo sa kanya kapalit ng buhay namin at sasali pa kami sa Venom. Pumayag si Claude sa gusto namin ni Nash at kapag napatay na niya kayo, makukuha na namin ang tiwala niya at doon namin siya papatayin. Kukunin namin ang tiwala ni Claude using you Vipers" sambit nito na ikinainis pa ni Dustin.
"So it's your plan na gamitin kami para makuha ang tiwala ni Claude?!"
"Yes, it was my plan since from the start" sagot nito kay Dustin at muli siyang tumayo. Tinignan niya si Dave na namamalipit pa rin sa sakit at napangiti, "I had to inject you ng sa ganon, hindi magiging madali sa inyo ang pagtakas dahil sa sakit and good luck Vipers, cause you will be injected one more time sa mga kamay ni Claude" saad pa niya.
Sinenyasan niya ang mga kasama niya kaya't ang iilan sa mga ito ay kumuha ng injection at nilapitan ang iba pang members, "Brother, you're a traitor!" galit na sabi ni Julez kay Zorren kaya't napatingin sa kanya si Zorren at mas lumapad pa ang ngiti nito, "Sorry my lil brother" sagot lang nito bago natusukan ng injection si Julez at kitang-kita sa pagmumukha niya ang sakit na pinipigilan at tinitiis niya ganon na rin lahat ng members ni Dean na halatang nasasaktan dahil nainject na rin sila.
Nang matusukan silang lahat ay isa-isa silang tinignan ni Zorren na halatang natutuwa. Isa-isang lumabas ang mga Young Rebels ngunit nilapitan pa ni Grizzly si Dean at lumuhod para tapatan ito habang tinitiis ni Dean ang sakit na nanggagaling sa injection na itinusok sa kanya, "Til we meet again, boss" tumayo siya at tinalikuran si Dean para umalis na. Masamang tinignan ng Black Vipers si Zorren habang masamang nakangiti si Zorren sa kanila, "Thank you for being a part of my plan, Black Vipers" saad nito at tinalikuran na silang lahat. Pagkalabas na pagkalabas niya ay ang saktong pagpasok ng mga members ng Venom kaya't isa-isa silang hinawakan ng mga ito at dahil sa nararamdamang sakit ay namamalipit sila at nanghihina kaya't ang mga members ay wala silang nagawa kung hindi ang mapasunod sa sapilitang paghila sa kanila ng Venom sa hallway.
.........................
Flashback!!!
Nash's POV
Nagising na lang kami sa isang kwarto at nakatali ang mga kamay namin sa mismong likuran namin. Sinubukan naming lapitan ang isa't-isa ngunit hindi ko maabot ang iba kaya nanatili na lang kaming nakaluhod sa isang kwarto na madilim at may kaisa-isang ilaw na nakasabit sa tapat namin, "Where are they?" nag-aalalang tanong ni Dave habang tinitignan kaming lahat kaya napatingin na rin kami sa isa't-isa, "Sino?" tanong naman ni Caleb.
"Dean and Syden?" sagot ni Dave kaya muli naming tinignan ang paligid at napansing wala nga silang dalawa kaya nag-alala lahat kami.
"Siguradong dinala sila sa ibang kwarto at magkasama sila!" galit na sambit ni Dave na napayuko.
"What do you mean?" tanong ni Dustin sa kanya na halatang nag-aalala kaya tinignan siya ni Dave.
"Silang dalawa lang ang wala dito, siguradong balak ni Claude na pahirapan silang dalawa lalo na't alam nating lahat kung gaano nila kamahal ang isa't-isa"
"Wala na bang ibang paraan para makawala tayo dito? We need to save them" tanong ni Dustin na tinitignan ang paligid at humahanap ng paraan para makatakas.
"Wala sa bulsa ko ang kutsilyo ko" saad naman ni Caleb kaya pare-pareho naming pinakiramdaman ang mga bulsa namin pero naramdaman kong magaan ang bulsa ko kaya siguradong wala rin ang sa akin kaya mahihirapan kaming makatakas lalo na't mahigpit ang pagkakatali sa amin na hindi na namin maigalaw ang kamay namin, "Wala rin ang sa akin" dagdag pa ni Stephen kaya ang ibig sabihin lang noon ay kinuha ang mga armas namin.
Nakita ko rin si Julez na napasama sa amin at tahimik lang siya, wala pa ring kibo kahit nasa panganib na ang buhay niya. Napatingin rin ako kay Zorren at sa kamay nitong nakatali sa likuran niya. Nagkatinginan na lang kaming lahat ng marinig namin na may papalapit sa pintuan ng kwarto kung nasaan kami.
Next...