webnovel

SHE'S THE BULLY AND I'M HER VICTIM

Kadalasan sa mga kuwento, lalaki talaga ang bully at babae naman ang biktima. Paano kaya kung magbaliktad ang mundo? Yung babae naman ang nambubully at yung lalaki naman ang binubully! Hanggang saan kaya hahantong ang hidwaan sa pagitan ng lalaking pinalaki ng may respeto at pasensya at isang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mantrip ng kapwa.

scribble_web · Võ hiệp
Không đủ số lượng người đọc
6 Chs

Chapter 2 : Class President

Para akong hindi manlang makakilos sa aking kinatatayuan. Nabalik nalang ako sa huwisyo nang matandaan kong kailangan ko ng magpatuloy sa pagtahak sa 3rd floor at hanapin ang aking silid.

Hindi parin maalis sa isipan ko ang mga pinagsasabi ng babaeng iyon. Ako pa talaga sinisi niya sa lahat. Hindi makatuwiran ang pinag-aasta n'ya.

Nagpatuloy padin ako sa paglalakad hanggang sa nakaabot na ako sa aking silid. Sa wakas ay natagpuan ko narin.

Napasulyap ako bigla ng marinig ko ang malakas na sigaw ng nasa loob. Parang may pinagagalitan.

"Huli kana naman? Ilang beses mo naba itong ginagawa ha? Kaydami na. Ikaw ang Class President dito. Dapat maging mabuti kang impluwensiya sa mga kaklase mo! Bakit kaba gan'yan Alexis?" Nakita ko ang sobrang inis na mukha ng aming lecturer ngunit naagaw ng aking mga paningin nang makita ko kung sino ang kaniyang pinapagalitan---ang babaeng bumangga at sumuntok sa'kin. Class President siya? At mas malala pa kaklase ko s'ya?

Araw-araw magkrukrus ang landas namin. Lalo na ngayon na siya ang Class President at kaklase ko pa talaga siya.

Lalake, tandaan mo. Sikapin mong hindi magkakrus ang landas natin kundi...

Napapikit nalang ako habang inalala ang mga pinagsasabi niya kanina.

Kundi sindak palagi aabutin mo

Napalunok ako at napahawak sa aking dibdib. Ngayon lang ako kinabahan ng gan'to.

Sa mga kamay ko, wala kang kawala

Ibig ba nitong sabihin, araw-araw n'ya akong pahihirapan sapagkat araw-araw magkrukrus ang mga landas namin?

Nabalik ang aking pakikinig sa loob ng umalingawngaw yung boses ng lecturer. Ikinagugulat kong parang wala manlang pakialam ang babaeng 'yon.

"Alexis, saan kaba galing? Yuyuko kana lang ba d'yan?" inis nitong tugon. Napatitig ako sa babaeng iyon. Nakayuko lang ito at walang planong sumagot. Alexis pala ang pangalan n'ya.

"Once again, Alexis! Saan ka galing? At bakit kana naman nahuli sa klase?"

Biglang umangat siya ng tingin at seryoso siyang nakamasid nito.

"Alam mo ba na iyang mga tingin mo ay nakakairita. Nagpapahiwatig lang talaga na wala kang respeto at galang! Saan kaba galing?" Nang napasulyap ako sa lecturer ay sobrang nag-aalburato na ang pagkainis nito sa mukha. Sino ba naman kasing tao ang hindi maiinis at mauubos ang pasensya kung ang kausap mo naman ay walang pakialam.

"Galing ako sa bahay Miss, alangan namang sa bahay mo." Hindi ako makapaniwala sa sinagot niyang iyon. Matakaw talaga siya sa gulo at away.

"Napaka---" mas lalong napukaw ang emosyon ng lecturer. Halata na hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Napakapilosopo mo talaga kahit kailan! Bakit kaba hinirang bilang Class President? Hindi kaaya-aya pag-uugali mo."

"Pareho lang tayo Miss!" Namilog ang mga mata nang lecturer. Napakatindi n'yang babae, walang galang sa mas ma-awtoridad sa kan'ya. Kaya pala ganun nalang ang pinagagawa niya sa akin kanina.

"Isa kang---" Hindi naituloy ng lecturer ang sasabihin niya. Humugot muna ito ng lakas para magsalita. "Tumayo ka riyan at hintayin mong matapos ang klase ko. Iyan ang parusa mo."

"Bakit ako pa tinanong mo Miss, kung bakit ako ang Class President? Ako ba naghirang sa sarili ko? Alam mo ba kung sino ang dapat sumagot niyang katanungan mo? Ang mga kaklase ko." Umupo ito. "Walang-kakuwenta-kwentang kausap. Tsk."

"Sinong nagsabi sa'yong umupo? Tumayo ka." Tumayo naman ang babaeng iyon at tiningnan padin ang lecturer na para bang walang kuwenta sa paningin n'ya. Biglaan nalang may namuong tanong sa isipan ko. Bakit ba s'ya gan'yan?

Nagulat nalang akong nakatingin na sa kinaroroonan ko si Alexis. Namuo ulit ang tensyon sa paligid. Naalala ko nalang uli ang mga pinagsasabi n'ya sa akin kanina. Nagpapapukaw sa aking nerbiyos. Sa kabila ng aking dinarama ay pumasok ako sa loob. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin.

Napasulyap sa akin ang lecturer. Pinahinahon muna n'ya ang sarili n'ya bago muling magsalita. "Ikaw ba ang transferee? Davidd Costan?" Tumango ako at nagsimulang iharap ang sarili sa aking mga kaklase. Hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi n'ya. Masamang titig ang ipinugal n'ya sa akin. Bakit ba gan'to siya katindi sa akin? Wala naman akong kasalanan sa kaniya.

Nagsimula akong magpakilala sa kanilang lahat. Pagkatapos ng pagpapakilala ay papaupuin na sana ako ng lecturer ngunit biglaan siyang umangal. "Huwag kang umupo at manatili ka riyan sa harap lalake!"

Nawalan ako ng lakas sa harapan at hindi ko alam ang gagawin. Bakit ko ba ito nararamdaman sa isang babae? Kalalaki kong tao.

"Umupo kana Mr. Costan!" anang lecturer. Aakma na sana akong maglakad sa aking puwesto ngunit biglaan na namang magsalita ang babaeng iyon. "Manatili ka riyan kung ayaw mong palabasin kita rito!" Matindi n'yang ipinugal sa akin ang kaniyang mga tingin. Nanenerbiyos tuloy ako ng tuluyan. Gan'to nalang ba ang mararamdaman ko araw-araw?

"Alexis!" Namuo uli ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Wala kang karapatang utusan siya ng ganiyan! Isa kalang kapwa estudyante niya."

"Excuse me Miss! I am the Class President of this class. I have the right to implement my own rules here in this class since he's now my classmate. Don't me."

Hindi ko na mapigilan ang ugali niya. Hindi na'to nakakatuwa.

"Gan'yan nalang ba talaga kagaspang ang pag-uugali mo? Kanina kapa sumusobra!" Tiningnan ko siya ng mariin sa kan'yang nga mata. Nakakaubos ng pasensya lahat ng inaasta n'ya. "Tigilan mo ito at magkaroon ka ng galang," dagdag ko.

Nagulat akong dahan-dahang lumapit siya sa harapan at hinawakan uli ang kwelyo ko. "Matapang kanang sumabat ngayon ha?"

Wala bang pakialam mga tao rito? Bakit manlang kinokonsente ng aking mga kaklase ang gan'to.

Hinawakan n'ya parin ako sa aking kwelyo ng mariin nang biglang magsalita ang lecturer. "I will not tolerate this behavior of yours again Ms. Aynne Alexis Chu. I will let you choose. Stop this behavior or tatawagin ko na ang mga magulang mo?" Binitawan n'ya ako kaagad at pumanhik uli sa kaniyang kinauupuan.

"Hindi ako kailanman masisindak sa mga pananakot mo Miss. Ititigil ko na'to sapagkat nakakaawa na ang pagmumukha mo." Natameme ako sa sinabi n'yang iyon. Ganiyan nalang ba siya kawalang-awa? "At ikaw Mr. Davidd Costan. Umupo kana bago magbago ang isip ko."

Halos hindi ko mahakbang ang mga paa ko sa sobrang takot. Hindi ako mabubuhay ng matagal sa silid na ito.