I coudn't think that there were like them in this world. I coudn't believe that they exist here. I breathed as Lucas wear his shirt again. They have this number on their back.
He throwed a smile as I stared at him, bewildered. I don't know what to say, it's like my tongue was disabled.
Primo were still on the outside having conversation with Christian. I think they're still arguing on the idea of Valerie having here.
Hindi ko naman rin gusto na nandito ako pero siguro tama nga si Primo na dapat dito muna ako. Dahil sa hindi ko pa alam kung patuloy pa rin akong hinahanap ng mga ibang hunters. Pero kailangan ko munang makita si tatay para masiguradong ligtas siya. Hindi ako mapapanatag kung 'di ko masisigurado ang kaligtasan nito.
"Hunters are quite many," Lucas said as he raised his brows when Primo approached.
"Alam ko at ilang araw man ngayon ay mahahanap na rin tayo ng ibang ACES," saad nito at umupo. Diretso ang tingin nito kay Lucas pero nakita kong gumalaw mga mata niya patungo sa kinaroroonan ko.
Hunters were enemy of ACES. But, they both want the relic.
"Kung humingi nalang kaya tayo ng tulong sa-"
"Hindi - hinding-hindi tayo hihingi ng tulong," malamig na sabi ni Primo na nagpahinto kay Lucas sa pagsasalita.
"Pero... hindi- ang ibang ACES ay 'di natin kontrolado," sagot naman ni Lucas na parang nagpa-isip bigla kay Primo ng ilang segundo.
Habang nagtatalo sila ay parang timang naman ako na nakaharap sa kanila. Hindi alam kung anong pinag-uusapan nila. Kung anong problema kung bakit sila nagkakaganiyan at kung ba't parang tensyonado sila. Huminga ako ng malalim at narealized na tanging paghinga nalang ang nagagawa ko sa tuwing nagugulahan.
"Subukan nating kausapin ang ibang ACES... baka pakinggan nila tayo?"
"That won't happened," Primo said and glared at Lucas. Nang mapansing parang napipikon na sa si Primo ay tumahimik nalang si Lucas at iniba ang usapan
"Mababaliw na ako sa inyo... Ano bang pinagsasabi niyo? Ha? Ito - itong bagay na ito? Para saan ito?" Sabat ko na nagpatigil sa pagtatalo ng dalawa. They both glared at me. Kaya parang pinagsisihan ko ang nagawang pagsabat.
"You'll know soon... but for now - I think - can you please be behave," sabi nito at walang gana akong tinalukuran ng tingin.
I rolled my eyes, but they didn't see.
"Matulog ka muna dahil aalis tayo bukas," sabi ni Lucas at tumayo mula sa pagkaka-upo
Aalis? At saan naman kaya kami pupunta?
Nagpakawala lang ako ng isang napakalalim na hininga bago sila tinalikuran at naglakad patungo sa kwartong sinasabi ni Primo. I immediately opened the door as I reached in the front of the room. Nang makapasok na ako ay agad na akong dumiretso sa kama at humiga.
I hope all these happenings is just my dream.
--
Nagising ako dahil sa katok na narinig ko mula sa labas. Napatakip pa ako sa unan sabay gulong bago tamad na tumayo. Inayos ko muna ang sarili habang nakaharap sa salamin bago naglakad na parang zombie papunta sa pinto para buksan ito.
Nakita ko si Primo na nakaharap habang diretso lang ang tingin sa akin. He smiled but I just raised my brows nonchalantly.
"Uhmm... kakakain na," sabi nito at agad rin akong tinalikuran. Baliw. Padabog kong sinirado ang pinto dahil sa inis at agad na dumiretso sa banyo para maligo.
Nakaupo na sila sa lamesa ng dumating na ako. Nakita ko pa ang pagbuntong hininga ni Primo na para bang nagsasabing "salamat at dumating na rin."
Umupo sila nang maayos kasabay ng pag-upo ko. The food were on the table. Nahagip ng mata ko ang hotdog na parang dumaan 'ata sa trahedya kaya sa halos matawa na ako, pero pinigilan ko ito dahil nakita kong matalim akong tinitigan ni Primo.
Maglalagay na sana sila ng pagkain nang bigla akong magsalita. "Hindi ba tayo magdadasal?"
Sabay silang napatingin sa akin. They stared at me in silence for a seconds.
Hindi ba anghel sila. Kaya alam kong magaling silang magdasal.
"Hindi kami nagdadasal," malamig na saad ni Primo. Naramdaman ko ang parang inis sa boses niya. Napatitig nalang ako sa kaniya habang kumakain. Hindi na ako nagsalita pa dahik sa parang nag-iba ang hangin sa paligid.
"Wala namang kaawa-awa ang nagluto sa hotdog na ito," sambit ko habang kumukuha ng isang hotdog. I saw Christian glared at me. Ano bang nagawa ko sa kaniya at parang galit na galit ito sa akin?
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at piniling tumahimik. Rest in peace breakfast.
Nang matapos na kami sa pagkain ay agad na silang naghanda sa pag-alis. I don't know where are we going. Si Primo ay nakasuot ng itim na leather jacket. Isinilid niya ang kaniyang patalim sa bulsa ng leather jacket nito. Habang si Christian naman at Jasperson ay nilalagyan ng bala ang nga baril nila pagkatapos isiniksik sa likuran ng jeans nila. Tinitigan ko sila. Para silang mga sundalo na susugod sa isang gyera dahil sa paghahanda.
Nakita kong napatingin sa akin si Primo kaya napayuko nalang ako at iniwasan siya ng tingin.
Lumapit ako kay Lucas na ngayo' y nagbibilang ng palaso niya. Tumikhim ako na nagpatigil sa ginagawa niya.
"Binibilang ko lang baka kulang," paliwanag nito sa ginagawa niya. Ngumiti ako at tiningnan pa ang pana bago bumaling sa kaniya ng tingin.
"My baby is quiet pretty, isn't it?," he said, pertaining on the bow.
"Yeah." I smiled. "Do you think it's a good idea that I am here?"
Lucas looked at me bewilderly. "What do you mean?"
"I mean. I can just give it to Primo so I can leave. Why should I need to stay?" I have a lot of questions in my mind.
"Sana nga ganiyan lang ito kadali," sambit nito at inilagay ang lalagyan ng palaso sa likod niya. "Your life is connected to that bracelet."
Tumingin siya sa bracelet sabay kuha sa pana niya at tinalikuran ako. "Tara na at naghihintay na sila."
I breathed and and followed Lucas immediately.
Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming lugar. Nakaupo ako sa front seat habang sila Lucas naman ay nasa back seat. Primo was the one who's driving. At tama ka, katabi ko siya. Halos dalawang oras na naming tinatahak ang daan at hindi ko alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ng biyahe namin. I let out a deep sigh.
The three on the back were already sleeping. At tanging kami nalang ni Primo ang gising. I heard he let out a deep sigh.
"Aren't you going to sleep? Medyo malayo-layo pa ang tatahakin natin," I saw his quick side glance. His voice was calm and soft.
"Hindi ako inaantok," sambit ko.
Hindi na siya nagsalita pa at nag-focus nalang sa pagmamaneho. Ang hanging nilalangap ko ay nakakapanibago. Hindi pa rin ako ganoon ka kumbinsido na sumama ako sa kanila. I wanted this but there's a part of me that doesn't want to be here. Pero ano pang magagawa ko - I'm already here. Ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay kung kamusta na si papa at Van. Sigurado akong hnahanap na nila ako ngayon.
I let out a deep sigh.
Apat na hindi karaniwang tao ang kasama ko ngayon at sino ba naman ang magiging komportable sa ganitong sitwasyon. Hindi ko sila ganoon ka kilala. Hindi nila ako pinatay pero alam kung kaya nila itong gawin kahit na anong oras kaya hindi ako pwedeng matulog ng mahimbing.
Huminto ang sasakyan sa isang nayon. Isang nayon na malayo sa kabihasnan. Isang nayong pinapalibutan ng mga puno. May mga tao pa palang pinipiling tumira sa ganiong lugar kaysa sa syudad. Nagising na rin sila Lucas at agad na ring lumbas. Habang ako naman ay naiwan pa sa loob. Hindi ko talaga ugaling lumabas agad ng kotse. Kasi inoobserbahan ko muna ang paligid kung ligtas ba ito at kapag nasigurado na akong ligtas nga ay agad na rin akong bumababa.
Lumabas na rin si Primo at nakahilira sila sa likod ng sasakyan, tinatanaw ang nayon. Pagkalabas ko ay napatanaw nalang din ako sa nayon na 'yun. Parang iba ang nayon na ito sa ibang nayon. Parang walang buhay. Patay ang hangin. I feel something strange. Anong mayroon sa nayon na ito at bakit kami nandito?
WELCOME TO ST. DESYENTE.
Isang karatula na halos mangalawang na ang nagbigay ng impormasyon sa akin kung anong pangalan ng nayon na ito. Sobrang luma na talaga ng karatula at halos 'di na mabasa ang mga letrang nakasulat dito.
Primo and Lucas stared each other.
Nagsimula na silang maglakad kaya agad ko silang hinabol. There were quite few people here and they were starring to us. Nakakailang at nakakapanindig balahibo ang mga titig nila. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig. Nakalimutan kong magdala ng jacket. The houses here we made of bricks. Hindi ko alam kung anong pangkabuhayan nila dito dahil sa napansin kong masiyadong lanta ang lugar na ito. Wala nga akong makitang buhay na puno rito.
"Paanong may nakapasok na buhay rito?" I overheard a lady talking about us. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Hindi ko na halos makita ang daan dahil sa kapal ng hamog dito.
Patuloy lang sila Primo sa paglalakad na walang imik, parang walang pakialam sa mga matang matalim na nakatitig sa amin. Binilisan ko ng kunti ang hakbang ko dahil sa halos maiwan na ako sa bilis nilang maglakad. Ang sakit na ng paa ko.
Ikiniskis ko ang aking dalawang palad para gumawa ng init, para man lang maibsan ng kaunti ang lamig na nararamdaman ko.
"Wear this one," Primo stopped so we also stop. Humarap siya at hinubad ang suot nitong leather jacket at ibinigay ito sa akin. Naka-T-shirt nalang siya. Tinitigan ko pa ito ng ilang segundo bago tanggapin.
"Salamat," bulong ko sa pagitab ng paghinga ko.
Matamlay lang ako nitong tiningnan at mapaklang ngumiti bago magpatuloy ulit sa paglalakad. Hanggang sa huminto kami sa isang maliit na bahay.
Naglakad ang paningin ko sa bahay. At nakita ko ang isang babaeng agad na pumasok pagkakita na pagkakita sa amin. She slammed the door.
Anong problema nun?
Sumenyas si Primo kay Christian at Jasperson para katukin ang pinto. Yun ang pagkaka-akala ko, na kakatukin nila pero ang nangyari sinira nila ang pinto. Sa loob nakita ko ang isang matandang nakaupo na halos puti na lahat ang buhok. Ang balbas niyong kulay puti ay mahaba narin. Nakasuot ito ng napahabang damit na halos tabunan na ang buong katawan nito. Ang nagpatindig ng balahibo ko ay ang ngiti nito na para bang alam na may dadating siyang bisita.
Unang humakbang si Lucas papasok, sinisiguradong ligtas ang loob. Sumunod na rin kaming pumasok. Gumala pa ang paningin ko sa loob ng bahay at nakita ko ang babaeng tumakbo papasok kanina, diretso ang tingin nito sa akin.
"Alam kong d-dating kayo," dahil sa katandaan ay mahina na ang boses nito.
Bumaling ito ng tingin sa akin kaya halos mapadikit na ako kay Lucaa dahil sa takot. Ang tingin nito ay parang bang sinusuri ang buo kong katawan.
"The relic and the-"
"Sabihin mo sa amin kung saan namin mahahanap si Xou," nabitin sa pagsasalita ang matanda ng magsalita si Primo. Natandaan ko na si Xou ay parte ng ACES.
The old man laughed weirdly. "The male angel who can kill the air..." He said under his breathe. "Galing siya rito - t-tingnan m-mo naman ang hangin dito ngayon."
Kung gayon, si Xou pala ang dahilan kung bakit lanta ang hangin dito.
Lumapit ng bahagya si Primo kaya napabunot ng patalim ang babaeng nasa gilid ng matanda. Ang mga mata nito ay nanlilisik na parang mabangis na hayop. Anong klaseng nilalang siya?
Napalunok ako ng wala sa oras.
"Kalma Heist, hindi niya ako sasaktan," pigil ng matanda sa babae. Naging kalmado ulit ang babae at ibinalik ang patalim sa lalagyan nito. I saw the old man gaze at me. Why is he looking at me.
"I never thought that a human can survive in this kind of air," he said. Matalim ko itong tiningnan bago bumaling ng tingin kay Lucas. We both stared each other, bago bumaling ulit ng tingin sa matanda na ngayo 'y nakatitig na may Primo.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo Primo Sichihiro?"