Si Madeline dela Paz na isang simpleng babae, tahimik at madalas mapag-isa. Madalas pagsusulat lamang sa diary ang ginagawa niya para ma-express ang mga nararamdaman at naiisip maging mga importanteng naganap sa kanyang buhay. Subalit nang makilala niya si Lance Rey Villaruel nagkaroon siya ng kasama sa tuwing pupunta ng canteen, ng library pati na rin sa tuwing magre-review siya para sa exams at magre-research. Naging dependent na siya sa binata. Hindi sanay na wala ito. Dumating ang panahon na bigla itong naglaho na parang bula hanggang sa may natuklasan siya sa binata. Nang maka-graduate siya at nakapaghanap ng trabaho ay nakilala naman niya si Gian- manlilgaw niyang sobrang kulit. Mabibigyan niya kaya ng chance ang mangliligaw na pumasok sa buhay niya at magmahal muli? O mananatili lamang siya single forever dahil di magawang kalimutan ang binata na unang nagpatibok ng kanyang puso.
Hi, ako nga pala si Madeline dela Paz isang second year college student ng Bachelor of Science Major in Business Management. Tahimik at parating nag-iisa sa loob ng klase at walang friends. Nasa 18 years old na ang edad ko. Kahit mag-isa lang ako ay hindi naman ako nabo-bored dahil tanging pagbabasa ng mga libro lang ang ginagawa ko, nanonood ng mga movies at gumagawa ng mga artworks. Sa ganitong paraan nalilibang ko na ang sarili at nare-relax na di kailangan makipag-interact sa mga taong di totoo ang ipinapakita, nandiyan lang kapag kailangan ka at higit sa lahat nami-misunderstood ang isang kagaya ko.
Kaya nagpasya akong sumulat sa diary na ito bilang silbing karamay at companion ko na rin sa buhay ko. Bagay na kung saan malaya at secured kong nailalagay dito ang aking mga saloobin, karanasan at mga perceptions ko ukol sa mga bagay na nakikita ko. Masasbing kontento na ako sa ganitong pagsusulat ko ng diary na parang kasama ko na siya sa araw-araw kong pamumuhay.
Ilalahad ko lahat sa diary na ito kung anuman ang naganap sa king buhay pati mga taong araw-araw ko nakikita at nakakasalmuha. Siyempre na rin sa mga taong bago pa lang kakilala.