1076 Wala na akong magagawa para malinis ang pangalan ko

Dịch giả: LiberReverieGroup Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Mabuti na lang at hindi napansin ni Second Aunt ang pangalan ko na nakaukit sa loob ng singsing. Kung hindi, wala na akong magagawa pa para malinis ang pangalan ko ngayong araw."

Ang pag-aakusa ni Ye Wan Wan kay Liang Mei Xuan na ito raw ay isang magnanakaw ay lalong nagpagalit kay Liang Mei Xuan. Mahigpit niyang hinawakan ang singsing at kanyang sinabi, "Ikaw… siguro ngayon mo lang inukit ang pangalan mo sa singsing na ito!"

Natawa si Ye Wan Wan. "Sinabi ni Second Aunt kanina ay mga walang kwenta ang pinagsasabi ko kanina. Mukha man gawa sa jade ang singsing, pero ang totoo niyan, gawa talaga ito sa platinum gold. Paano ko mauukit ang pangalan ko gamit ang kuko ko sa posisyon na iyon?"

Kinaskas ni Liang Mei Xuan ang kanyang ngipin. "Edi… hindi ito ang singsing ni Yiyi!"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan. "Second Aunt, umaamin ka na ba na hindi ito ang singsing ni Ye Yiyi?"

"Singsing ito ni Yiyi! Pero ninakaw mo ang singsing ni Yiyi!" Nahimasmasan si Liang Mei Xuan.

Lalong lumalim ang pangangamba ni Ye Wan Wan. "Second Aunt, ikaw mismo ang nagbintang sa akin na ninakaw ko ang singsing. Paano naman ako makakapaghanda ng singsing na kaparehas ng singsing ni Yiyi at iuukit ko ang pangalan ko sa loob nito? Ano ako? Alam ko ba ang mangyayari sa hinaharap? Alam ko ba na gagamit ng isang patibong si Second Aunt para pagbintangan ako, kaya inakala niyo na pinaghandaan ko ito noong una pa lamang?"

Natawa ang mga tao sa sinabi ni Ye Wan Wan.

"Ikaw…" wala nang masabi si Liang Mei Xuan.

Habang si Ye Mu Fan naman ay halos sumabog na sa sobrang galit. "Liang Mei Xuan, grabe na ang pam-bu-bully mo! Lolo at Lola! Parang awa niyo na, ibalik niyo ang hustisya kay Wan Wan!"

Hinila ni Ya Shao Ting at Liang Wan Jun ang mga braso ni Ye Wan Wan sa sobrang galit nila.

Lalo nang binalot ng galit ang mukha ni Ye Hong Wei. "Mei Xuan, anong nangyayari?"

Balisang sumagot si Liang Mei Xuan, "Ah… Papa at Mama! Hindi ito tulad ng inaakala niyo! Bakit ko naman nanakawin ang singsing ng babaeng ito?! Pinagbibintangan niya lamang ako!"

Ye Hong Wei: "Paano mo pala maipapaliwanag ang singsing?!"

Liang Mei Xuan: "Ah…"

Humarap si Ye Wan Wan sa kanyang lolo at lola. "Lolo, Lola, pamilya tayo, kaya ayoko na sanang palalain pa ang problemang ito, pero nasaktan na kaai ako, kaya sinabi ko na sa inyo ang katotohanan. Pasensya na at naging magagalitin kaagad ako at ginulo ko pa kayo Loli at Lola…" 

Natandaan ni Ye Hong Wei ang pagbibintang kanina ng mga tao kay Ye Wan Wan, ngunit nakita niya ang poot sa mukha ni Ye Wan Wan. Umangat ang pagsisisi sa kanyang puso at kanyang sinabi. "Wan Wan, wala kang kasalanan. Hindi mo kailangang manghingi ng tawad."

Suminghal si Ye Mu Fan. "Tawagin niyo dito ang pulis! Hindi ba't sumisigaw sigaw ka kanina na dapat tawagin ang pulis?"

"Hindi ko ito ninakaw! Hindi ko ito ninakaw! Pinagbintangan lang ako ng punyetang babaeng ito! Wawarakin ko ang buong pagkatao mo!" Hindi na makapag paliwanag pa si Liang Mei Xuan kaya lumuwa na lamang ang tinatago niyang galit. Nawalan na siya ng kontrol sa sarili at sumugod na siya kay Ye Wan Wan. 

Gayunpaman, bago niya pa malapitan si Ye Wan Wan, bigla siyang sinigawan ni Ye Hong Wei, "Anong kalokohan ito! Shao An, bilisan mong ipasok sa loob ng bahay ang asawa mo! Hindi ba sapat na binigyan mo ng kahihiyan ang sarili mo ngayong araw?"

Kinaskas ni Ye Shao An ang kanyang ngipin. Wala siyang magawa kundi hilain si Liang Mei Xuan at sabihin, "Mama, Papa, may ginawa na naman siguro ang babaeng ito…"

"Manahimik ka! Tingnan mo nga ang sarili mo - mukha ka bang mas nakakatanda sa kanila?!"

Nagagalit na rin si Tan Yi Lan. Pinaniwala siya ng nakaukit na pangalan ni Ye Wan Wan sa singsing, na sinasadya ng pangalawang panig na pagbintangan si Ye Wan Wan.

Naisip niya noong una na si Liang Mei Xuan ay mautak at masunurin, pero hindi nila inakala na mahilig pala itong gumawa ng gulo.

Tulad ng inaasahan, nag-iiba ang ugali ng taong nakakakuha ng kapangyarihan...

Nag-iiba ang ugali ng pangalawang panig ng pamilya. Mukhang kailangan ko nang gumawa ng mga plano...

avataravatar
Chương tiếp theo