619 Binigyan ng maraming tsansa

Dịch giả: LiberReverieGroup Biên tập viên: LiberReverieGroup

Bumuntong hininga si Liang Mei Xuan. "Hindi din ako naniniwala na magagawa ni Mu Fan ang ganitong bagay sa una, pero narito na ang ebidensya. Siya ang nagnakaw sa kumpidensyal na impormasyon. Ngayon, jie jie, may masasabi ka pa ba?"

Nagbago ang itsura ni Liang Wan Jun. "Im… imposible 'to! Paano magagawa ni Mu Fan ang ganitong bagay?!"

Gayunpaman, malinaw na nakuha ng surveillance camera ang pasilyo. Si Ye Mu Fan ang nagtulak para buksan ang pintuan sa study.

Namutla si Ye Shao Ting. "Mu Fan… paano 'to nangyrai…?"

Sa sobrang galit ni Ye Hong Wei, hinagis niya ang tasa na hawak sa noo ni Ye Shao Ting. "Nakakahiya! Gusto ko pa naman pabalikin sa kumpanya si Ye Mu Fan, pero ngayon mukhang hindi na kailangan. Wala ng paraan para maayos ang buhay niya! Kahit mamatay ang mga Ye na walang inapo, hinding-hindi namin hahayaan na mamuno ang katulad niya! Kung ganon, mag-aampon na lang kami ng anak kila Yiyi at Yue Ze!"

Nang marinig 'yon, nagagalak si Liang Mei Xuan habang nagliwanag din ang mga mata ni Ye Yiyi.

Hangga't tapos na ang kapalaran ni Ye Mu Fan, siya na lang ang nag-iisang kahalili sa pamilya at sa hinaharap, magiging sa kanya at kay Yue Ze ang mga Ye.

Ang old madam, na si Tan Yi Lan, na hindi pa nagsasalita mula sa umpisa, ay huminga ng malalim, "Malas ang pamilya natin! Malas…"

Mayroon lang dalawang apo na babae at isang apo na lalaki ang mga Ye. Hindi kawangis ng mga matatanda ng Ye sina Ye Yiyi at Ye Wan Wan; tanging si Ye Mu Fan lang, ang apo niyang ito, at kamukha niya at ni Hong Wei. Nakuha din ni Ye Mu Fan ang talento niya sa fashion.

Kaya naman, pabor siya sa apo niya, na si Ye Mu Fan, at pinalayas lang siya para may matutunan sa kanyang karanasan at maging malago kahit papaano. Pero ngayon, tuluyan na siyang dinismaya ni Ye Mu Fan.

Nasa kahalili ang desisyon na lumago at bumagsak ang pamilya, kapag napunta sa kanya ang ganitong tungkulin, bilang na lang ang mga araw namin...

Pasalamat na lang, andyan pa si Yue Ze at Yiyi...

Alam ni Ye Shao Ting kung gaano ito kalubha at kabadong nagmakaawa, "Papa, pakiusap, patawarin mo si Mu Fan ngayon. Nagu… naguguluhan lang siya… pakiusap bigyan mo siya ng tsansa na magbago…"

"Naguguluhan? Pinagtaksilan niya ang pamilya natin para lang sa isang babae dahil sa nalilitio siya; Ninakaw niya ang kumpidensyal na impormasyon ngayon, kaya hindi ba siya magkakaroon ng kakayahan na ibenta ang buong kumpanya sa susunod?" Lumingon si Liang Mei Xuan kay Ye Shao Ting.

Naalala ni Ye Hong Wei ang paglustay ng nakatatanda niyang anak sa pera ng kumpanya at mas nagalit pa siya sa naisip. "Shao Ting, madaming beses na kita binigyan ng tsansa, dinismaya mo na talaga ako. Hindi ko ito papakawalan lang - ibibigay ko ito sa abogado ko at ipapahawak sa kanya ito!"

Ibig sabihin ng old master ay ipapakulong niya si Mu Fan...

Agad na nagbago ang itsura nila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting.

Kapag nakulong si Mu Fan sa insidenteng ito, tapos na ang buhay niya.

Samanatala, sa Assembly of Stars Entertainment:

Madaming mga dibuho at impormasyon na nakakalat sa mesa ni Ye Mu Fan.

Nagtatrabaho siya ng overtime para idesenyo ang damit ng artista para sa bagong palabas ng Assembly of Stars.

Ang nakakahalina dito sa contemporary drama ay ang iba't ibang klase ng damit mula sa lumang panahon. Gusto nilang manalo ng Best Makeup Artist and Best Costume Design awards sa susunod na International Film Festival.

Habang nagtatrabaho, laging nasa silent mode ang telepono.

Nang napagdesisyunan niyang magpahinga, kinuha niya ang kanyang telepono at tinignan.

Sa huli, napagtanto niyang mayroon siyang halos sampung missed calls at mga mensahe.

avataravatar
Chương tiếp theo