853 Ang presyo sa pagiging tanga

Dịch giả: LiberReverieGroup Biên tập viên: LiberReverieGroup

Worldwide conference room:

Si Chu Hongguang, Cai Yongsheng, ang top management at mga shareholder ay naroroon.

Iba-iba ang mga itsura nila at nakatuon ang mga tingin nila kay Chu Hongguang.

Gusto bigyan ni chairman Chu ang awtoridad at kapani-panibang na trabaho sa sarili niyang pamilya. Maiintindihan iyon, pero hindi din ito makatwiran, pero sinong mag-aakala na magiging tanga si Cai Yongsheng na papalayasin niya si Ye Bai?

Walang alam ang mga tagalabas kung paano nakuha si Ye Bai ng Worldwide sa batang edad na walang kapangyarihan o tulong, pero ang mga tao sa HQ ay alam ang rason sa puso nila.

Ang insidente tungkol sa pagmomolestya ni Han Xian Yu sa isang bata ay may negatibong epekto - pati ang kumpanya ay nadamay dito at walang magawa ang Worldwide. Si Ye Bai ang nag-alok ng kanyang serbisyo at naisagawa ang perpektong plano para mairesolba ang krisis, na nagbigay sa kanya ng tsansa na makapasok sa Worldwide.

Itong si Cai Yongsheng, isang tanga na umasa sa relasyon niya kay Chu Hongguang, ay talagang gustong makipagkompetensya sa kanya?

Kung magalang siya, magiging maayos ang pagkuha ng isang mahusay na heneral. Pero ang nakakainis na parte ay bobo si Cai Yongsheng na ginugulo niya ang lahat. Nagyon, hindi lang sa wala na si Ye Bai, pero kinuha niya ang dalawang nag-iinit a artista at isang stylist mula sa Dazzling.

Kahit na "pinalayas" siya ng Worldwide, nagtagumpay pa din si Ye Bai sa pag-asa lang sa isang magazine cover.

Ang mga insider ng insutriya na mas may alam ay alam na kahit na simpleng cover shoot lang, nabenta ito ng fashion industry, entertainment industry at tourism industry, sa sabay-sabay na pagkrus ng madaming mga dunggot - mabibilang na din ito bilang isang halimbawa sa pag-atake sa traditional media!

Base sa mga nagbabagang balita, ang sikat na tourism sektor ng bansa ay nagkaroon na ng kasunduan sa magkaroon ng kolaborasyon at nakapirma na sa kontrata kay Luo Chen at Gong Xu bilang kanilang tourism ambassador. Tsaka, inimbita sila ng sikat na brand ng damit ng China bilang kanilang spokespeople.

Ito ang mga matataas na posisyon na mahirap makuha ng mga malalaking kumpanya tulad ng Worldwide!

Kahit na alam nila kung nasaan ang problema, nagalit pa din sila kay Chu Hongguang at walang naglakas loob na magsalita.

Nangalit ang ngipin ni Cai Yongsheng, na nasa gilid at sabi, "Itong si Ye Bai.... hindi niya lang kinuha ang mga artista ng kumpanya, pero dinumihan niya din ang reputasyon ng mga artistang hawak ko gamit ang mga pagtataksil niya. Kailangan niyang maparusahan ng marahas! Chairman Chu, ito…"

"MANAHIMIK KA!" nagpippigil ng galit si Chu Hongguang, pero nang marinig niya ang pamangkin niya ganito magsalita at hindi natututo sa mga mali niya, mas lalo siyang nabalisa.

Wala nang magawa si Cai Yongsheng kundi pigilan ang kanyang galit.

Pinasadahan ng tingin ni Chu Hongguang ang mga tao sa silid sa sabi, "Anong mga pagmumungkahi ang meron kayo?"

Nagkatinginan ang lahat. Isa sa mga shareholder na nakasuot ng blue-gray suit: "Haha, Chairman Chu, bilang shareholder, syempre gusto namin magatrabaho kung saan mas nakakagawa tayo ng kita. Tutal mahusay si Ye Bai, bakit hindi na lang natin siya kunin ulit!"

Nanigas ang mukha ni Cai Yongsheng. "Hindi pwede!"

Saan ko ilalagay ang mukha ko kung nabalik si Ye Bai ngayon? Magkakaroon pa ba ako ng lugar sa Dazzling?

Sa sandaling ito, isa sa mga nakataas ay nagsabi, "Tingin ko hindi ito nararapat. Tutal, kailangan nating ingatang ang imahe ng kumpanya. Kahit anong mangyari, kinuha ni Ye Bai ang dalawang artista at umalis sa kumpanya - kung kukunin ulit natin siya matapos ang nangyari, hindi ba parang hinihikayat natin ang ganitong pag-uugali?"

Mabilis na sumingit si Cai Yongsheng, "Tama, tama! Tama iyon. Hindi lang sa hindi natin sya dapat kunin ulit, pero kailangan natin siyang turuan ng leksyon. Kailangan natin patayin ang manok para balaan ang unggoy…"

Sa sandaling sinabi iyon ni Cai Yongshen, pumasok si Han Xian Yu at Fei Yan sa conference room.

Mahalaga ang reputasyon ni Han Xian Yu sa industriya. Simula no'ng insidente, isa siyang naglalakad na karatula ng Worldwide at isa din sa mga shareholder sa Worldwide, kaya may karapatan siyang sumali sa pagpupulong.

avataravatar
Chương tiếp theo