325 Ang baluktot na tungkod ay nagpapakita din ng baluktot na anino

Dịch giả: LiberReverieGroup Biên tập viên: LiberReverieGroup

Alam ng lahat sa Ye Group kung sino si Ye Shao An--siya ang boss ng Ye Group.

Paano siya naging assistant nang mga nakaraang taon?

Tumingin sa madaming tao ang senior reporter ng may pagtataka at mahinahong sinabi:

"Pangalawang anak ng Old Ye si Ye Shao An; mayroong katatanda pang anak si Old Ye na si Ye Shao Ting. Bago ang iskandalo, dapat si Ye Shao Ting ang papalit sa Ye Group at si Ye Shao An ang kaniyang assistant."

"May nangyaring ganito ?"

Hindi gaanong pamilyar sa mga kasapi ng Ye family ang bagong reporters-- mababaw lamang ang mga alam nila.

"Maaaring peke ito? Sinabi dito na ang boss ng Ye Group noon na si Ye Shao Ting, ay sangkot sa isang seryosong gang activities at winaldas ang pera ang kumpanya, nilustay ang malaking bilang ng pondo ng publiko."

Ang lumang istoryang ito ay parang bomba na sumabog sa mga isip ng bagong mga reporter.

Baliw ba itong si Ye Shao Ting?

Talagang gumawa siya ng ganon kasama?

"Isang buwan matapos ang nangyari, sinakripisyo ni Ye Shao Ting ang kaniyang kadugo para sa katwiran at ilantad si Ye Shao Ting. Sa hindi magpagbubulaanang ebidensya, inamin ni Ye Shao Ting ang kaniyang krimen. Matindi ang galit ni Old Ye at pagkatapos noon, kasama ang senior management ng Ye Group, pinatalsik nila si Ye Shao Ting sa kumpanya, at pinalayas. Magmula noon, ang grupo ay pinanghahawakan na ng pangalawang anak ni Old Ye, si Ye Shao An." napabuntong hininga ang senior reporter ng alalahanin niya ang nakaraan.

"Kung gayon… kamusta na si Ye Shao Ting ngayon? Tinanong ng reporter sa kaniyang paguusisa.

"Siya? Matapos niyang gawin ang mga iyon, walang kahit na sino ang may gusto sa kalat na katulad niya. Sinabi noon na nagtatrabaho siya sa isang maliit na kumpanya ngayon. Ang kaniyang anak na lalaki at babae ay wala ring pakinabang--ang kaniyang anak na si Ye Mu Fan, ay nagttrabaho sa dating driver ni Ye Shao Ting habang ang kaniyang anak na babae ay lalong naging mapangahas. Hindi lang sa siya ay panget, siya rin ay walang kakayahan at walang alam na babae, laging nagdudulot ng gulo!" isiniwalat ng senior reporter ang lahat ng kaniyang alam.

Para sa pamilya ni Ye Shao Ting, hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga reporter na ito.

"Hindi ko inaasahan na ang nakatali ang mga Ye sa mga salot na katulad nila…"

"Ang kabuuan ng pamilya ni Ye Shao Ting ay wala ng pag-asa at mga tanga pa, ngunit ang anak na babae ni Ye Shao An na si Ye Yiyi, ay talagang mabait at maganda--siya ay bata, ngunit mas maykakayahan pa siya kaysa sa kaniyang ama, na si Ye Shao An. Ngayon, siya ay direktor ng talent recruitment department na isa sa mga sangay ng Ye Group, at Emperor Sky, at 'di na mabilang na malalaking artista ang kaniyang inalagaan. Halos magkasing edad lang sila ng anak na babae ni Ye Shao Ting, ngunit magkaiba sila ng katayuan… kung meron lang anak si Ye Shao Ting katulad ni Ye Yiyi, wala siguro siya sa kalunos-lunos na kalagayan ngayon," sabi ng isa pang reporter.

"Gaya ng sabi-sabi, ang dragon ay manganganak ng dragon, ang mga phoenix ay manganganak ng mga phoenix, at ang anak ng daga ay kaya humukay ng butas. Sa madaling salita, kung ano ang puno siya rin ang bunga. Tinalikuran ni Ye Shao Ting ang kaniyang pamilya at mayroong masamang pag-uugali. Paano ang mga anak niya ay naging mabuti, sa isang amang katulad niya? Ang baluktot na tungkod ay nagpapakita din ng baluktot na anyo, hindi ba?"

Bago pa magsalita ang iba, matapos niyang sabihin iyon, isang puting Bentley ang dumaan sa maraming tao at mabagal na pumasok sa lumang tirahan ng mga Ye.

Sa gilid ng bintana, makikita mo ang isang babae na may maayos na itsura na para bang inukit mula sa makinis na jade.

'Di nagtagal, lahat ng atensyon ng mga reporter ay naakit sa makapigil hiningang itsura ng babae. Nilakihan ng bawat isa ang kanilang mga mata, at baka makaligtaan nilang makita itong maimpluwensyang tao.

Mabilis na huminto ang Bentley sa lumang tirahan ng pamilya Ye. umalis na ang driver sa kaniyang upuan at binuksan ang pintuan.

Humakbang palabas ang babae at mabagal na lumabas sa kaliwang bahagi ng sasakyan.

Nakasuot siya ng puting gown na tila ba ginawa para sa kaniya. Ang kaniyang mahabang itim na buhok ay naka loose bun at nakaipit ng isang jade pin; siya ay kahanga-hanga at kaaya-aya, siya rin ay mahinhin, na nagdulot sa kanila ng pagkasabik.

avataravatar
Chương tiếp theo