webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Chapter 12: A call from him

Chapter 12

SATURDAY na ngayon. Ang dami kong spare time since 5 hours and 30 minutes (break ko ung 30 minutes) lang ako sa coffee shop tapos wala pang pasok sa work. Ang oras ng duty ko today ay 7 am to 12:30 noon. Inaabangan ko ang text ni Hades para sa documentary pero hapon na wala pa din. Kapag 5 PM wala pa din siyang text, manonood nalang ako mag-isa at gagawa ng sarili kong reflection paper. Kakausapin ko nalang siya na magpicture kami together (which is part of the paperwork) at pag-usapan paano pag-iisahin ang reaction namin sa isang papel. Pwede naman yun... ata. Wag lang ipapahalata.

After kong maglinis ng kwarto, nahiga ako sa kama at nag-Facebook. Biglang sumagi sa isip ko na i-add si Hades. No, i-search lang. Try ko na din i-PM. Related naman sa school.

Ang daming lumabas na Hades Zimmerman ng i-search ko sa Facebook. Nahirapan akong hanapin kung alin yung kanya talaga kasi ang daming mga naka-lock ang profiles. Meron namang iilan na naka-public pero halatang dummy accounts based sa mga posts.

Nagtungo ako sa Instagram. Madali kong nahanap yung account niya mismo dahil ayun ang pinakamaraming followers.

Nalula pa ako dahil 450k+ lang naman ang followers nya. Hindi naman siya influencers, hindi siya artista, I doubt kung nagmo-model siya, at higit sa lahat, wala siya kahit isang post na picture. Parang gumawa ng IG account tas nakalimutan yung password, di na mabuksan ang account at makapag-post.

I checked the tagged photos. Ang dami! Puro stolen. Kadalasan shots sa school. Ang dami niya ring followers na taga ibang lugar. Trending yung mga stolen photos niya at ang dami kong nababasa na dream nilang mag-aral sa Noathast Academy just to see him. May mga nakita din akong face off niya with other good looking guys. Mayroon pa nga kay Malcolm, at sa mga sikat na artista. Tapos ang dami ding edited photos as if kasama nila si Hades, as if jowa nila si Hades.

Ikaw na, Hades! Wala ka pang ginagawa, sikat ka na. Imagine how powerful your look is?

Bumalik ako sa main profile ni Hades. 0 post, 0 followers.

Natawa ako mag-isa. Hindi ba maalam gumamit ng social media si Hades?

Wala sa wisyo kong na-tap yung message icon.

Should I send him a message? Ano namang sasabihin ko. Paano ako mag-a-approach sakanya?

Uy, ano na yung sa documentary?

Wow, ang siga.

Gagawa pa ba tayo ng sabay? Or kanya kanya nalang? Pwede namang ako nalang mag-compile at mag-revise.

Ang panget ng dating. Parang sinasabi ko agad na ayaw kong makipag-cooperate and prefer to do it on my own.

Kelan po tayo gagawa nung sa documentary?

Pinagmasdan kong maigi. Hmm... pwede na siguro ito. Tapos kapag hindi pa siya nagreply until 5PM, magsosolo nalang ako. Bukas kasi Sunday na. Mas magiging busy ako dahil ayun ang araw na maraming nagpupunta sa coffee shop at dahil wala naman akong pasok sa school, whole day ako sa work. 9 hours, minsan nag-o-OT pa ng 2 hours.

Pipindutin ko na sana ang send button nang biglang may tumawag sa phone ko. It was not registered. Naisip kong baka si Lillian kaya sinagot ko agad.

"Hello?"

"It's Hades."

Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaupo ako bigla sa kama ko.

Hindi ko naman inaasahan na tatawag siya sa ganitong pagkakataon. You see, I was about to DM him.

"Ah... oo nga pala yung sa documentary. Kailan ba?"

"Kung kailan ka free."

"Okay lang kung ngayon na?"

"Sure. Saan mo gusto?"

Napatingin ako sa salamin ng aparador. Sinabi kong hindi ko siya crush, kaunti lang, pero bakit para akong kinikilig sa thought na magkikita kami at makakasama ko siya na kami lang? Why do I feel so much excited? At hindi ko gusto ang expression na nakikita ko sa repleksyon ko sa salamin. Mukha akong ewan. May pakagat-kagat labi pa at nagpipigil ng ngiti.

"You there?"

"Ay oo, sorry. May binasa lang saglit."

"Binasa ang alin?"

"W-wala. Basta. Ano, kahit saan pwede."

"How about your place?"

"ANO?"

Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Jusko po! Pati ba naman boses mo sa phone at tawa nakaka-attract? Tao ka ba talaga?

"I was just kidding. I know a place."

"Okay. Send mo sa'kin yung address. Magkita nalang tayo doon."

"Ayaw mong sunduin kita?"

"..."

"Para sabay na tayong pumunta doon. Baka maligaw ka pa. It will be a waste of time if maligaw ka tas hahanapin mo yung lugar."

"Makes sense," sabi ko. "Saan tayo magkita?"

"Sa tapat ng forest."

Na-gets ko agad kung saan ang tinutukoy niya. Pero ni-confirm ko pa rin para sure. "You mean doon sa kung saan mo binasted si Janessa?"

"I didn't. I never dumped anyone."

"Whoa," ang agad na naging reaksyon ko. Sure ba talaga siya jan?

"Persephone."

"How dare you!" untag ko. Ayokong tinatawag ako sa second name ko. Para kasing ang luma pakinggan.

I heard him chuckle. Sandali akong napatigil. Ang ganda lang pakinggan ng tawa niya, ngunit di ko ma-imagine na humahalakhak siya sa personal.

"See you," sinabi niya at binaba na ang tawag.

Tumayo ako at lumapit sa harap ng salamin. Sinuklay ko ang buhok ko at tinitigan ang mukha ko. What will I wear?