Chapter 1674: Malaki ang utang na loob ko sa Su Family (5)
"Ano ka ba naman, wala 'yon." Naiintindihan ng nanay ni Su Yu ang nararamdaman ni Huo Mian, kaya naman nakakaramdam ito ng simpatya para dito.
"Mrs. Su… Salamat sap ag-aalaga sa akin… sa pagtrato na para niyo akong kapamilya."
"Grandpa Su… Salamat sa papyansa sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran sa pagliligtas ng buhay ko."
"Su Yu… Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan, sobrang dami mo nang nagawa para sa akin… mahaba pa naman siguro ang buhay natin… gagamitin ko 'yon para unti-unti kitang mabayaran…"
Nang marinig ito, biglang tumalon ang puso ni Su Yu. Anong ibig niyang sabihin? Babayaran ba siya nito gamit ang kanyang sarili?
Pagkatapos ay narinig niyang nagpatuloy si Huo Mian, "Nakaka-abala na siguro ang pagkakaroon ng karagdagang tao sa bahay niyo… Pasensya na dahil sa abalang maidudulot ko sa mga susunod na buwan."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com