957 I Will Take the Heat for You (8)

Dịch giả: LiberReverieGroup Biên tập viên: LiberReverieGroup

Chapter 957: Ako na ang Bahala (8)

 

"Mom!" Halos maglupasay na si Su Yu.

 

"Ano?" Mahinahon lang sumagot si Mrs. Su habang humihigop ng kanyang tsaa.

 

 

"Tapatin mo nga ako, nabili mo lang ba ako sa buy one, take one na promo?"

 

"Hindi, noong pinanganak ka, hindi pa uso ang buy one take one na promo," mas mahinahong sagot ni Mrs. Su.

"Mom, bakit mo ginawa sa akin 'yon!" Nilukot ni Su Yu ang kanyang mukha at halos maiyak na. Ang litratong iyon ang pinakanakakahiya niyang litrato! Bakit niya ipinakita ito kay Huo Mian? Parang gusto na lang niyang barilin ang kanyang sarili sa ulo. Sobrang nakaka-ilang na mapahiya sa harap ng taong gusto mo.

 

"Wala naman akong ginagawa sayo. Ang ganda kaya ng kuha na 'yon. Dapat nga pasalamatan mo pa ako, malay mo mahulog sayo si Huo Mian dahil sa litratong 'yon."

 

 

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

avataravatar
Chương tiếp theo