webnovel

My Secret Wife and I (Tagalog)

Tác giả: Midnyt_Zun
Thiếu niên
Đang thực hiện · 45K Lượt xem
  • 30 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • NO.200+
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

A secret marriage between the two college students. They will fall inlove with each other and have a wonderful experienced. But they encounter so many trials in their relationship, like jealousy, hatred and cruel accidents that may lead to their separation with each other. Is there hearts find a way to find each other? Or they still lost and long for their touch and kisses?

Chapter 1Chapter 1

Sa unang araw ng klase.

Humihingal na dumating si Ada sa may gate. Nakita nyang madaming nag kukumpulan na mga estudyanteng babae, sa harapan nito.

"Hay! Buti na lang hindi pa ako late. Ano kaya ang pinag kakaguluhan nila dun?"

Unti-unting lumapit si Ada sa mga estudyante. Nakita niya ang magarang itim na sasakyan na nakapark sa harap ng gate at dahandahan itong bumukas, at sabay na lumabas ang napakagwapong estudyante!

Sabay-sabay na nagtilian ang mga estudyanteng nandun!

"Woooooow!!!"

" Hi Kent, ang gwapo mo talaga!"

"Hi Kent! Hi Kent! " wika ng iba.

Siya naman ay kinilatis ang lalaking estudyante na pinagkakaguluhan. Lumabas ang lalake sa kotse. Mukhang mayaman ito, matangkad, malinis manamit at gwapo nga! Pero sa isip isip ni Ada -

"Hmp, di naman masyadong gwapo!"

Ang ibang estudyante ay nagbibigay pa ng mga love letters at mga regalo kay Kent, pero hindi ito pinansin ni Kent, tuloy-tuloy lang ito sa paglakad at nakita niya si Alfred. Agad niya itong tinawag.

"Fred!" sigaw ni Ken.

"Uy, Pre!" magiliw na bati nito at sabay na silang naglakad at pumasok sa room.

Si Ada naman ay patuloy na rin sa paglalakad at agad na hinanap ang kanyang classroom at agad niya itong nakita.

Pumasok siya sa room, nabigla naman siya dahil napatingin sa kanya ang mga kaklase nya, para bang inuusisa ang buong pagkatao niya. Tumingin-tingin siya sa paligid para humanap ng mauupuan. Nakita niya ang isang bakanteng upuan na malapit sa gilid ng bintana, agad siyang lumapit dito.

Napansin naman niyang nagbulungan ang mga kaklase niya ng makitang uupo na siya sa upuan.

"Hala grabe sya!" sabi ng isang estudyante.

"Hay, hindi na nahiya!" sabi naman ng isa.

Nagtaka naman si Ada, sa narinig nito.

"Ano ba problema nila, bakit ganun sila makatingin?" bulong ni Ada sa sarili.

Inilagay ni Ada ang bag niya sa kanyang upuan. Habang naghihintay ay kinuha niya muna ang cellphone niya. Nabasa niya ang text ng kanyang Mama.

"Iha, magkita naman tayo kung meron kang oras, may importante akong sasabihin sayo!"

Habang binabasa iyon ni Ada ay biglang -

"Miss, upuan ko yan!"

Tumungin si Ada sa lalakeng nagsalita. Nagulat siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Siya yun lalakeng pinag kakaguluhan kanina sa labas.

"Ha? Eh, nauna ako dito eh! " sagot naman ni Ada.

"Tsk!" sagot ng lalake at agad nitong kinuha ang bag ni Ada at hinagis sa lapag.

Nagulat naman si Ada sa ginawa nito at agad siyang tumayo at kinuha ang bag. Si Kent naman ay dahang-dahang umupo sa kanyang upuan. Naiinis na bumaling ulit si Ada sa upuan at kimompronta ulit si Kent.

"Bakit mo hinagis yun bag ko?! Ako ang nauna dito!" galit na wika ni Ada.

Subalit si Kent ay tinitigan lang siya mula ulo hanggang paa, simpleng babae lang ito para sa kanya. Pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin, tumingin lang siya sa labas at hindi man lang siya inimik. Kasabay niyon ay dumating na ang kanilang Teacher.

"Okay class, you may take a seat!" wika nito.

Pagkarinig ni Ada sa sinabi ng Teacher ay umupo nga siya...pero sa mga hita ni Kent.

Nagulat ang buong klase at nagbulungan ang mga ito ng makitang nakakandong siya kay Kent.

"Bakit siya kumandong kay Kent?"

" Ang kapal ng mukha talaga, kabago-bago eh! "

"Nakakahiya siya! tsk!"

Narinig iyon ni Ada at napatingin din siya sa Teacher niya na nakatingin sa kanya. Narinig naman niyang, huminga ng malalim si Kent.

Narealized naman ni Ada, ang mga bulungan ng mga kaklase niya. Sa pagkapahiya ni Ada, ay dahan-dahan siyang tumayo at humanap ng ibang upuan, nakita niyang may bakanteng upuan sa likod ni Kent, kaya dali-dali siyang umupo dito.

"Ano ba yan? Ano bang ginawa ko, nakakahiya." tanong ni Ada sa sarili.

Nakahingang maluwag si Ada, nang matapos na ang klase. Nakita niyang nag aayos na ng gamit si Kent, natakot siya na baka kumprontahin siya nito, kaya agad siyang nagtakip ng notebook niya ng tumayo na si Kent.

"Hey, Miss anong ginawa mo kanina?" tanong ng kaklase niyang babae.

Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang notebook sa mukha, nakita niyang may tatlong babae na nakatayo sa harapan niya at nakita niyang papalabas na si Kent sa room.

"Ha?!" tanong ni Ada sa mga ito.

"Hindi mo ba alam yun ginawa mo? Sa Kent ko!" wika ng babaeng kaharap niya na makapal ang make up nito!

"K-Kent mo?" panigurado ni Ada.

" Oo, Kent ko! Dahil bago ka pa lang dito, sa uulitin 'wag na 'wag mo ng lalapitan si Kent o kakausapin! Dahil kapag inulit mo pa ang panlalanding ginawa mo, ako ang makakalaban mo!" wika ni Charmy.

Biglang tumayo naman si Ada.

"Teka! Hindi ko siya nilandi noh!" sabi ni Ada.

"Eh ano tawag mo dun? May pakandong-kandong ka pa?" wika ni Jenny.

"Eh, kami nga matagal ng my crush kay Kent, ni dulo ng daliri niya hindi pa namin nahawakan! Tapos ikaw? Tsk!" wika ni Lyka.

"Siguro may gusto ka kay Kent?" wika ni Jenny.

"Ha?! Wala akong gusto dun noh? Kung gusto nyo, inyong-inyo na ang Kent nyo! Hmp!" pagkawika ni Ada ay agad niyang dinampot ang bag niya sabay umalis na.

Pumunta siya sa canteen para bumili ng pagkaen, napansin niyang pinagtitinginan siya at pinagbubulungan. Hindi lang niya ito pinansin, inilapag niya ang kanyang tray na may pagkaen sa may bakanteng lamesa at umupo dto. Habang kumakaen ay naiinis na napahinto si Ada, habang bumubulong sa sarili.

"Bakit ba, adik na adik sila sa Kent na yun? Maputi lang yun at matangkad eh! Hmp!"

Maya-maya pa ay nakita niyang papasok si Kent at isa pang kasama nitong lalake sa canteen. Agad naman na nagtama ang kanilang mga mata. Sabay silang nagulat. Agad namang nagbawi ng paningin si Kent, at tumungin sa mga pagkaen na oorderin nila.

"Shocks! Speaking of the Devil! " wika ni Ada.

Agad nang tinapos ni Ada ang kanyang pagkaen at umalis na sa canteen.

Napansin naman ito ni Kent at sinundan siya ng tingin.

"Hey! Titig na titig ka ah! Yun, ba yung babaeng kumandong sayo kanina?" pang aasar ni Alfred.

"Ngayon lang may babaeng sinungitan ako!" sagot ni Kent.

"Hahaha, so ibig sabihin my isang babaeng hindi tumalab ang " Magic Karisma mo!" wika ni Alfred.

"Tsk! Magic Karisma ka dyan! Kumaen na nga lang tayo!" yaya ni Ken.

Bạn cũng có thể thích

DRAGON KNIGHT GANG

"You still don't give up. huh" he said "Of course, I'm not that easy woman" proud kong wika. "Let's see then" he smirked and quickly grab my arm. "wh-" Holy Shit! bakit di ko napaghandaan yun?! I tried to resist but I'm not strong as him. He quickly dugged his face to my neck like a vampire and lick my neck. "Crap! Let me go creepy necktie freak!" I shouted. Napatakbo naman ang mga ka Gang ko papunta samin para tulungan ako. I struggling hard but no use and his grip was so strong and suddenly pushed me towards his chest and move around. I noticed that he's kicking my gangmates while holding me tighter. Di man lang ito nahirapan. No use! He's really strong. I gathered skilled comrades but still... I couldn't defeat him. "Let me go!" I shouted again. He looked at me while under his arms. Di man lang siya napagod. gaano ba talaga siya kalakas at di man lang makalapit yung mga kagang ko sa kanya? "You can't defeat me Serene. that's certain." "Don't act highly. One day, I'll defeat you with my own hands, be ready" I said then pushed him harder. Nakawala naman ako sa pagkakayakap niya at agad na nilapitan ang mga ka Gang ko "Sana di mo pa kinalimutan ang deal natin" He said while grinning "Don't worry, I'm not that kind of person na aatras sa usapan" wika ko at binigyan ng signal ang kagang ko na kailangan na munang umatras. "Good then. I'm expecting highly from you. I can't wait to see you at the altar wearing a wedding dress" he said while wearing his teasing smile. "Better to give up with that dream, Mr. Zeke Flame Ashford" I said and rolled my eyes. "It's not a dream but a goal that I must achieve no matter what happens. You'll be mine by hook or by crook"

Laarnikuroko18 · Thiếu niên
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

số lượng người đọc

  • Đánh giá xếp hạng tổng thể
  • Chất lượng bài viết
  • Cập nhật độ ổn định
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới
Các đánh giá
Ôi! Bạn sẽ là người đánh giá đầu tiên nếu bạn để lại đánh giá của bạn ngay bây giờ!

HỖ TRỢ